Chapter 3 # Adjustment in a new life

34 4 0
                                    

Marry him Twice..

Chapter Three

#Adjustment in new life...

House of Park Jimin.

Napatingin naman si Carissa sa bahay ng asawa. "Your house is nice..." anya. Saka lumapit sa picture frame na naroon sa mesita.

Sina Jimin at Jaemin ang nasa picture.

"talagang magkamukhang kamukha kayo ng kapatid mo no?" tanong niya sa binata na noon ay abalang iligpit ang ilang mga damit at gamit na nakakalat.

"can you guess kung sino ako diyan?" tanong niya dalaga.

"ang dali naman..." natatawang sabi ni Carissa. "siyempre ikaw to..." ani dalaga.

Hindi naman nakaimik si Jimin. Tama ang itinuro nito.

"Sigurado ka? Hindi kaya napagkakamalan mo lang na ako yan? Hindi ba si Jaemin yan?" parang tangang tanong ni Jimin.

"What do you mean?" tanong naman ni Carissa sa binata.

"Ah... Jimin and Carissa... Aalis na lang muna ako para magkaroon kayo ng time para-" paalam ni Tae Hyung sa mag-asawa.

"Sandali lang pare.."

"Sandali lang Tae Hyungssi...-"

Natawa naman si Tae Hyung. "Talagang sabay na sabay pa kayong dalawa ah.. ano yan ayaw niyo ba akong paalisin? Bakit? ayaw niyo bang magkaroon ng time para magkasama?" pagbibiro ni Tae Hyung. "Sige na aalis na ako..."

Natahimik naman si Carissa. Parang hindi niya gusto ang ideya na mapagsosolo na sila ni Jimin.

"Sigurado ka pare na aalis ka na?" pahabol na tanong ni Jimin. Ano't ayaw niyang maiwang may kasamang babae sa pamamahay niya? Kung sa bagay hindi naman siya nag-uuwi ng babae sa bahay niya. 'Come on Jimin.. go back to your senses bakit ba parang natatakot ka sa babaeng yan?' sabi niya sa sarili. Saka napatingin kay Carissa na noon ay nakaupo sa may sofa.

'Come on Carissa... what are you doing? Parang kang tanga... Asawa mo ang kasama mo kaya naman hindi ka dapat na matakot sa kanya..' ani dalaga sa isip isip.

Kapwa hindi alam nina Jimin at Carissa kung paanong kikilos. Parang Ackward na ang sitwasyon.

"Bakit?" si Carissa ang unang nagtanong.

"Bakit din?" ganting tanong ng binata.

Nagtama ang mga mata nila.

Si Carissa ang unang nagbaba ng tingin.

"Bakit nahihiya ka ba sa akin?" tanong ni Jimin sa dalaga.

"Bakit naman ako mahihiya sayo? Asawa kita saka-" di na malaman ng dalaga kung ano pa ang sasabihin niya.

"Asawa? Talaga bang asawa ang tingin mo sa akin? Or ako ba ang asawa mo?" ani Jimin. Hindi niya alam kung hanggang kailan niya kayang maki-ride on dito.

"Oppa, ganyan mo ba ako ka-miss? Wala ka ng ibang ginawa kundi titigan ako.." ani dalaga. As in mula sa airport at hanggang sa sasakyan madalas niyang makitang nakatingin sa kanya ang lalaki. Na para bang pinag-aaralan siya nito.

"Bakit masama bang tignan ko ang ASAWA ko?" anya lumapit sa babae. "Hindi ko alam kung bakit ganito ang pakiramdam ko sa pagkikita nating ito.. Carissa... Na-surprise talaga ako...." ani Jimin na lumapit sa dalaga.

Napa-alerto naman si Carissa. "Teka sandali anong ginagawa mo?" inosenteng tanong niya.

Nakakalokong ngiti ang lumabas sa mga labi ng binata. "Pasensiya ka na...Honey... Siguro nga namiss lang kita talaga..." saka hinawakan sa braso ang asawa niya kuno.

Marry Him TwiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon