Marry Him Twice
Chapter 17
# I like you, I dont like you...
Napabuntong hininga na lang si Carissa. Kahit anong pilit niya hindi pa din siya makatulog.
Tinignan niya ang hawak na picture frame ng kambal na Jaemin at Jimin. Kitang kita sa larawan ang masayang mukha ng mga ito.
"Jaemin oppa... I miss you so much...." Ani dalaga. " hindi ko na alam ang gagawin ko sa kambal mo... I think hindi ko magagawa ang pangako ko sayo na alagaan siya... I think hindi ako ang taong kailangan niya... I am sorry..." Anya na hindi namalayang pumatak na pala ang luha sa mga mata niya. "Akala ko madali lang gawin yun.. Akala ko kaya kong gawin... Pero nagkamali ako... Ngayon nahihiya ako sayo. Ano bang dapat kong gawin oppa? Namimiss na kita.. Jaemin oppa... Sabihin mo kung anong dapat kong gawin ngayon?"
Samantala, hindi alintanan ni Carissa na nasa loob ng kwarto si Jimin. Nasa malayo ang isip niya.
Napalunok ng laway si Jimin saka nakuyom niya ang mga palad. Hindi niya inaasahan ang makikita at maririnig niya ng mga oras na yun. Nakita niyang umiiyak si Carissa habang hawak ang picture nila ni Jaemin. Narinig niya ang sinabi nitong miss na miss na nito ang kambal niya! Shocks!
Nagpasya siyang lumabas na ng kwarto nang makitang niyakap nang dalaga ang picture frame. Nagawa niyang lumabas ng kwarto na hindi gumawa ng ingay. Parang hindi na niya kayang panoorin ito. Gusto lang sana niya tignan kung komportable ba ito sa pagtulog dahil sa kondisyon nito pero ganun nga ang nangyari.
Jaemin's Room.
Nag-dive si Jimin sa kama ng kakambal.
Hindi niya makalimutan ang nasaksihan niya kanina. Ano bang meron sa kakambal niya at halos lahat na ata ng babaeng naiinvolve dito ay hirap itong kalimutan? Noon pa man... Bagamat hindi niya maamin sa sarili niya alam niyang may namumuong insecurity sa kanya.
Tulad ngayon? Ano ba ang dapat niyang gawin para matulungan si Carissa? Hindi naman siya habang buhay pwedeng magpanggap bilang si Jaemin... At ayaw niya ang ideya na yun.
Sa bandang huli... Sinisi na naman niya ang kakambal.
Timeskips...
Automatic na nagmulat ang nga mata ni Carissa. Sanay na siyang gumising ng ganoong oras. Mabilis siyang bumangon saka napangiwi siya nang maramdaman niya ang kirot sa kanyang kaliwang paa. Oo nga pala nakabenda pa nga pala ang paa niya. Napatingin siya sa orasan sa ibabaw ng study table.
Dahan dahan siyang bumangon. Kailangan na niyang mag-breakfast para makainom ng pain reliever. Alam niyang with her condition ay hindi niya pa kakayaning pumasok sa school.
Isang abalang Park Jimin ang nabungaran niya sa kusina. Naghahanda ito ng agahan nila.
"Good morning!" bati nito sa kanya.
Napatango na lang si Carissa. Hindi siya sanay sa friendly approach ng lalaki. Kagabi lang ay halos magkainitan na sila sa pinaguusapan nila tungkol sa marriage nila.
"What kind of look is that?" Natatawang naiiling na tanong ng binata.
Parang gusto nang kilabutan ni Carissa. 'Ang weird naman nito. ' anya sa isip isip.
"Carissa.... Kamusta ka na? " masayang bati ng lalaking may malalim na boses . Walang iba kundi si Tae Hyung!
"Tae Tae! " excited na bati niya dito. Saka walang sabi sabing niyakap niya ang lalaki. Nabitawan niya ang isang saklay niya.
"Hey... baka matumba ka" maagap na sabi ni Tae Hyung na hinawakan din siya agad. "Halika maupo ka.. " at inalalayan nga siya ng kaibigan na makaupo saka kinuha nito ang isang saklay na nahulog niya maging ang hawak niya at saka nilagay yun sa may gilid niya.
BINABASA MO ANG
Marry Him Twice
Fanfiction"What?" Hindi makapaniwala si Park Jimin nang marinig niya ang sinabi ng private investigator niya. Saka napatingin ulit sa mga documents na nakalap niya. "Paano nagawa ni Jaemin ang bagay na ito sa akin?" tanong niya. Naguguluhan siya! Paanong ang...