Marry him Twice
Chapter Seven
# Mood swing.
Nakuyom ni Jimin ang mga kamay. Hindi niya dapat gawin ang bagay na ito. Baka kung anong isipin ng dalaga sa kanya. Kailangan niyang maayos muna ang lahat. Maging ang kanyang sarili bago niya harapin ang kung ano mang issue niya sa dalaga.
Tumayo na siya at pinatay ang nakabukas na lampshade saka lumabas ng kwarto.
"Whew..." ani Carissa. "Akala ko kung anong gagawin niya." react niya. Pero kinikilig naman kapag naaalala ang nangyaring halikan nila ng binata. Umaasa siyang magiging maayos na ang samahan nila ni Jimin. Parang sirang nagtalukbong siya ng kumot.
Car.
Napatingin si Park Jimin sa tatlong lunch box na bitbit ni Carissa.
"Ano yan?" tanong ng binata sa dalaga.
Nahihiyang inabot naman ni Carissa ang box sa asawa. "this is snacks.. please eat well.."
Napangiti naman ang binata. "Thank you."
"And this please give it to Tae Hyung..." ani Carissa.
Pinilit ni Jimin na huwag ipahalatang nawala siya sa mood. "And what about that.." anya nginuso ang isa pang lunch box na hawak nito.
"Oh.. this is for Jeon Jungkook." Anya. "He needs to eat well because he needs a healthy body and mind so he wont get tired for teaching me."
Napakibit balikat na lang si Jimin.
"Oh.. nandito na tayo sa entrance ng school mo.. " anya kakabigin na sana ang manibela para ipasok sa loob ng school pero pinigilan na ni Carissa.
"Dito na lang... Kaya ko na dito. Galingan mo sa trabaho mo para magkapera tayo ng madami." Nakangiting sabi niya sa asawa. Saka bubuksan na ang pinto ng kotse.
Tumango naman si Jimin. Para bang he is expecting to..." Wala ka bang nakalimutan?"
"Huh?" Biglang napatingin naman si Carissa sa mga dala niya. Wala naman siyang naiwan ah.
Napangiti naman si Jimin saka hinalikan ang dalaga sa pisngi.
"Oppa.." ani Carissa saka napahawak sa kanyang pisngi.
"Bakit? Asawa ko lang ba ang pwedeng magnakaw ng halik?" ewan ni Jimin kung bakit ginawa niya ang gesture na yun. Baka mas lalo lang sila malito sa damdamin nila.
Natawa na lang si Carissa. "Akala ko naman kung ano..." anya. Saka ngumiti sa asawa. "Papasok na ako."
Gumanti ng kaway si Carissa sa asawa niya.
Of course katulad ng mga nagdaang araw.. Hindi na naman siyempre pinalampas ng ibang female classmate ang nangyari kanina.
"Sabi ko sa inyo eh... boyfriend niya ang lalaking yan... Pero sino naman kaya yung guy na sumundo sa kanya kahapon. Hindi yung isang guy. Ibang guy na naman...." Ani Kim Jia.
"Grabe ang dami naman niyang boyfriend?" ani isang kaklase nila.
"Tara na.. " ani Lee Seol Bi.
Classroom.
Masayang lumapit si Carissa kay Jeon Jungkook. "Good morning.." bati niya.
Walang reaction si Jungkook.
Nagtaka naman si Carissa sa kinilos ng kaibigan. "Why? Is there something bad happened?" tanong niya.
Wala pa ding response. Sa halip ay iniabot kanya ang activity book niya.
BINABASA MO ANG
Marry Him Twice
Fiksi Penggemar"What?" Hindi makapaniwala si Park Jimin nang marinig niya ang sinabi ng private investigator niya. Saka napatingin ulit sa mga documents na nakalap niya. "Paano nagawa ni Jaemin ang bagay na ito sa akin?" tanong niya. Naguguluhan siya! Paanong ang...