Marry Him Twice
Chapter Nine.
#Reputation.
Jimin's Car.
Napapatingin si Jimin sa dalaga na seryoso lang itong nakatingin sa labas ng kotse. Kunway abalang tignan ang tanawin sa labas. Dati dati hindi ito nawawalan ng sasabihin kapag nasa byahe sila. Napansin din niyang hindi din siya nito tinatapunan ng tingin hindi katulad dati. Saka naalala niya ang tagpong nakita niya sa coffeeshop na kasama nito si Hoseok. 'Ano kayang problema niya? bakit siya umiiyak kay Hoseok? May relasyon ba silang dalawa?' ani Jimin sa isip isip. 'No, imposible... Kung may relasyon sila ni Hoseok for sure hindi papayag yun na maging legally married sa akin ang babaeng mahal niya. Isa pa mapera din siya at anak ng malaking business sa Korea kaya imposibleng interested sila sa pera ko.' ani Jimin. Saka pasimpleng sinulyapan si Carissa na nakatingin sa labas.
"Kinakabahan ka ba sa performance niyo mamaya?" hindi napigilan ni Jimin na huwag magsalita ng mga oras na yun.
Saglit lang na napatingin ang dalaga sa kanya saka ackward na ngumiti.
Lalo namang nalito si Jimin sa nangyayari.
"Huwag kang mag-alala magiging okey din ang lahat. Basta huwag kang kakabahan..." ani Jimin.
"thank you... Jiminssi..." alanganing sabi ng dalaga.
"Jiminssi?" natawang ulit ni Jimin sa sinabi ng dalaga. 'Why all of the sudden formality here? She used to call me oppa, honey, yeobo...' ani Jimin sa isip isip. Sa totoo lang ayaw niyang tinatawag siya ng ganun ni Carissa pero bakit parang namimis niya yun?
Inihinto naman ni Jimin ang kotse sa may tapat ng entrance ng school. "Nandito na tayo..." ani Jimin sa tulalang si Carissa.
Napatingin naman si Carissa. Hindi nga niya namalayang nasa school na pala sila. Mabilis na bumaba siya ng kotse . "Salamat... Ji-" hindi naman malaman ni Carissa. Bakit nahihirapan na siyang banggitin ang pangalan ng lalaki.
Hindi na lang pinansin ni Jimin ang gesture ng asawa niya. "Okey... goodluck.." ani binata saka pinaandar na niya ang kotse.
Naoahinga naman si Carissa ng umaandar na ang kotse ng binata. Paano ba niya sasabihin dito ang totoong set up nila? Batid naman Yun ng totoong Jimin pero bakit wala itong sinasabi sa kanya?
School.
Sinalubong naman ni Jungkook si Carissa sa may gate. "Hi... are you ready for your performance?" tanong ng kaklase.
Tango lang ang sagot ng dalaga.
"May problema ka ba?" hindi makatiis ang kaklase.
Pilit na ngumiti naman si Carissa sa kaklase. "Okey lang ako.. Ano ka ba naman... at ang dance performance mamaya... Huwag kang mag-alala kayang kaya ko na iperform yun." pinilit ni Carissa na pasiglahin ang boses niya. Pero masakit ang puso niya.
Fine Restaurant.
Jimin is currently in meeting sa kanyang bagong investor. As they discussed about the business ay hindi maikakaila ng binata na madalas sumasagi sa isip niya si Carissa Samonte, ang iniwang problema ng kambal niya at ang eksenang nakita niya sa coffeeshop. Nalilito siya sa nangyayari. Ganun pa man pinilit niyang huwag paapekto sa mga nangyayari para hindi mag-suffer ang kanilang businesses. He have to wait the result of investigation at saka na siya gagawa kung anong dapat niyang gawin.
School gym.
Hindi makapaniwala ang buong klase nang magawang i-perfom ni Carissa ng maayos ang kanilang sayaw. Pumalakpak ang mga ito maliban na lang siyempre kina Lee Seol bi at Kim Jia na halatang hindi masaya para kay Carissa.
BINABASA MO ANG
Marry Him Twice
Fanfiction"What?" Hindi makapaniwala si Park Jimin nang marinig niya ang sinabi ng private investigator niya. Saka napatingin ulit sa mga documents na nakalap niya. "Paano nagawa ni Jaemin ang bagay na ito sa akin?" tanong niya. Naguguluhan siya! Paanong ang...