Marry Him Twice
Chapter Sixteen
# When decision is unstable...
Condominium Parking Lot.
Hindi naman malaman ni Jimin kung paanong ia-approach si Carissa. Kanina pa siya nito hindi kinikibo. Nung nasa byahe sila ay natulog ito. Pero alam niyang nagtutulug-tulugan lang ang dalaga. Umiiwas ito sa kanya.
"Carissa... Nandito na tayo." Mahinang nasabi ni Jimin saka bahagyang niyugyog ang balikat ng dalaga.
Napatingin si Carissa sa paligid. Nasa parking lot na nga sila. Kung ganun nakatulog pala siya talaga. Napangiwi siya ng kumirot ang kamay niya. "Ouch..."
Pinatay na ni Jimin ang makina ng kotse saka lumabas at pinagbuksan ang dalaga.
Nagtama ang mga mata nila. Pero si Carissa ang unang nagbaba ng tingin. Nahihiya siya dahil naabala na naman niya ang lalaki. Kung hindi pa niya alam ang set up niya ganun din kaya ang reaction niya?
Napahinga nang malalim si Jimin saka tinanggal ang seatbelt nito.
Pinigilan ni Carisaa ang hininga nang maglapit ang mga mukha nila. Yeah, this is the first time na ang lalaki ang nag akis ng seatbelt niya. At bakit parang nalulusaw siya?
Na-tense si Carissa nang maglapit ang mga mukha nila ng lalaki. Bakit naiilang na siya dito? Sa bagay iba na kase ang sitwasyon nila ngayon.
Bumaba naman si Jimin ng kotse. Saka umikot sa kabilang pibto sa binuksan yun.
Napatingin si Carissa sa kamay ni Jimin na nakalahad.
"okey lang, kaya ko namang kumilos. Pakiabot na lang ng saklay ko." Ani Carissa na sobrang naiilang sa sitwasyon.
Napahinga naman ng malalim ang binata saka inabot na nga sa dalaga ang saklay nito.
Dahan dahang tumayo si Carissa gamit ang saklay. Pero na-out of balance pa din siya. Mabuti na lang at naging maagap si Jimin sa pagsalo sa kanya!. Hindi sinasadyang nagdikit ang mga katawan nila. Ackward na naman ang pakiramdam niya. 'Ah seriously Carissa... Ano bang nangyayari sayo?' tanong niya sa sarili. Masyado lang apektado sa presense ng Jimin na ito hindi naman siya ang minahal mo... It was Jaemin... Huminga siya ng malalim para maibalik sa lugar ang sarili. Kahit ano pa ang sitwasyon hindi pa din nila maitatanggi na legally married sila.
"Hayaan mo na lang kaseng tulungan kita tutal you really need it... Bakit? Naiilang ka ba sa akin?" diretsang sabi ni Jimin.
Automatic na napatingin naman ang dalaga sa binata. "Anong naiilang... Bakit naman ako maiilang sayo eh asawa kita... Hindi ka naman ibang tao..." anya.
"Eh ganon naman pala eh..." nakakalokong sabi ni Jimin. "Eh di"
Napatili si Carissa nang walang pasabing binuhat siya ng binata.
"O bakit nagulat ka? Wala namang masama kung buhatin ko ang asawa ko hindi ba?" ani binata.
Napilitan si Carissa na tignan ang mukha ng lalaki. "Inaasar mo ba ako?" tanong niya dito.
"Inaasar? I think mas tamang sabihing I am just playing along with you..." sarkastikong sagot ng binata. Saka nagsimula ng maglakad.
"Playing along with me?" sarkastikong ulit ni Carissa sa sinabi ng lalaki. "Wow... marunong ka pala non..."
"Oo naman... Pero ang tanong hanggang saan naman ang kaya mong gawin sa larong ito?" ani lalaki.
"Game? Wow... so this is just a game to you?..." napapantastikuhang tanong ni Carissa.
BINABASA MO ANG
Marry Him Twice
Фанфик"What?" Hindi makapaniwala si Park Jimin nang marinig niya ang sinabi ng private investigator niya. Saka napatingin ulit sa mga documents na nakalap niya. "Paano nagawa ni Jaemin ang bagay na ito sa akin?" tanong niya. Naguguluhan siya! Paanong ang...