CHAPTER 1

169 43 15
                                    

Hinihingal na ako, nanlalabo na rin ang paningin ko, bukod sa madilim ang kapaligiran, napapalibutan pa ito ng mga matatayog na puno.

Teka? Nasaan ba ako? Anong lugar to?

Kanina pa ako takbo ng takbo pero ang di ko maintindihan eh,parang bumabalik parin ako kung saan ako nanggaling.

Baka di talaga ako tumatakbo? Baka imagination ko lang yun? Pero hindi eh, pinagpapawisan na nga ako sa katatakbo.

Sa sobrang pagkapagod, umupo muna ako sa tabi ng malaking puno para magpahinga, ano bang puno 'to? Sa horror movies ko lang nakikita to eh. Hala? Baka minumulto ako? Ghosting ba tawag don?

Napatigil ako sa pag iisip ng kung ano-ano nang makarinig ako ng malaking pagsabog, putukan at sigawan ng mga tao.

Ano bang nangyayari?

Sa pagkakaalam ko hindi ako isang artista para magkaroon ng shooting na ganito,at di rin ako nag apply para maging extra sa isang action movies.

"Digmaan?" ideyang pumasok sa malikot kong utak?

Gulong gulo ako, kani-kanina lang eh nasa bahay pa ako ng tiyahin kong daig pa ang may dalaw sa pagkasungit. Tinatalakan niya pa ako dahil 'di ko nadiligan ang mga pananim niya. Pano ba naman kasi? Inutusan niya akong mamalengke pagkatapos no'n pinaglinis niya ako ng buong bahay niya, di naman kalakihan yun, kasi hanggang isang palapag lang naman yung bahay niya pero di parin sapat ang isang oras sa paglilinis no'n.

Nagulat ako nang may lalaking sumulpot sa tabi ko, hiningal din ito at sugatan, mukhang galing sa pakikipaglaban.

"T-teka sino ka?"

"Prinsesa, kailangan mo nang makaalis dito, hindi ligtas ang lugar na ito para sa yo. T-tumakas kana!"

Sabi nya bago sya bumagsak at nawalan ng malay.

Napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya.

"Prinsesa?"

"Hoy Samantha! Gising na! Aba anong akala mo isa kang prinsesa? Hoy! Kahit sa panaginip di yun matutupad!ajfkjgsjhsj"

Naalimpungan naman ako sa sigaw ng tiyahin ko eto na naman po siya kay aga aga tumatalak, agad akong napabangon habang hawak hawak ang dibdib ko.

Panaginip lang pala, grabe namang panaginip yun, parang totoo.

Her Proxy (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon