Frost's POV:
Nakangisi ako habang nagmamasid sa kabuuan ng kaharian ko, tila naayon nga ang lahat sa aking mga plano!
Isa na roon ang pag-iisa ng kaharian ko at kahariang Centrarrea sa susunod na araw.
Akala ko nga'y 'di na yon matutuloy dahil sa hidwaan na naganap sa pagitan namin ni Azthra noong namatay ang kapatid niya. Inaakala niyang ako ang pumatay kay Rein, halos isumpa niya na ako noon, at halos talikuran na rin ako ng iba pang kaharian dahil sa kalapastangang inakala nilang nagawa ko, ni hindi nga nila inisip ang pagkamatay ng mga magulang ko upang maisalba lang ang mundong ito! Mabuti na lamang at napatunayang inosente ako, pero huli na ang lahat!
Kaya nagtataka ako ngayon kay Azthra, bakit tila nag iba ang ihip ng hangin?
Ano kaya ang pinaplano niya?
'Di ko matukoy pero parang may iba! Parang may mali!
Tumigil ako sa pag-iisip ng tumunog ang cellphone ko.
Oo tama kayo, alam ko ang mga teknolohiya na naimbento ng mga mortal, at walang nakakaalam nito maliban sa kapatid kong nasa mundo ng mga mortal.
Ito ang dahilan kung bakit hindi ako nagpapapasok sa palasyo ng kung sinumang walang permiso mula sa akin. Kahit mga kawal ang tagapagsilbi ay hindi nakapapasok sa palasyo. Nasa labas lamang sila o di kaya'y nasa mansyon ko namamalagi.
Ayaw kong malaman nila na may koneksyon ako mula sa mundo ng mga tao. Malaya rin akong nakalalabas at nakapapasok sa mundong ito, dahil nasa akin ang isang lagusan na hinahanap nila ngayon.
Ito rin ang dahilan kung bakit wala ni isang tao sa mundong ito ang nakakita sa kapatid ko. Siya ang nagsisilbing mata ko sa mundo ng mga mortal, siya rin ang kinukunan ko ng impormasyon tungkol sa mundo ng mga mortal.
Kilala siya bilang Ice Winterson, sa mundong iyon, at siya rin ang tumatawag sa akin ngayon.
"Anong kailangan mo kapatid?" Bungad kong tanong matapos, kong sagutin ang tawag niya.
"Bagong impormasyon na ikagugulat mo." Sabi niya.
Napaisip naman ako kung anong klaseng impormasyon ba iyon.
"Spill it." Sabi ko,
"Nasa mundo ng mga mortal ang prinsesa Azthra." Sabi niya na siya ngang ikinagulat ko.
Kung nasa mundo ng mga mortal si Azthra, sino ang babaeng nandito at nagpanggap bilang si Azthra? Interesting!
"At ang babaeng ipinalit ng prinsesa Azthra sa kaniyang katauhan ay isang mortal, na nagngangalang Samantha."
Naguguluhan ako sa mga pangyayari, paanong nakapasok ang isang mortal dito? At bakit magkamukhang magkamukha sila ni Azthra, niretoke ba siya? O di kaya'y ginamitan ng mahika?
"Paanong--" 'di ko paman natapos ang aking sasabihin, ay pinutol na ito ni ice.
"Magkamukha sila, at 'yon ang palaisipan, paanong nangyaring magkamukang magkamukha ang dalawang taong magkaiba ang katauhan. Pero ngayon, ikaw na muna ang bahala sa babaeng iyan, sisikapin kong maibalik ang totoong Azthra sa kaharian as soon as possible! Dapat hindi nila mapansin na peke ang Azthrang nandiyan kuya, at dapat ba hindi nila malaman na may mortal na nakapasok sa mundo natin, kung hindi, magkakagulo ang dalawang mundo. Sige na may klase pa ako." Dagdag niya.
Napabuntong hininga nalang ako, ano na naman bang kaguluhan 'to? Sumasakit ang ulo ko sa mga nangyayari at mga impormasyong nalaman ko!
Ano ba ang binabalak mo Azthra?
BINABASA MO ANG
Her Proxy (On Going)
RandomIisang mukha, magkaibang katauhan, makulay na mundo ngunit puno ng panlilinlang. Alin ang totoo? Ano ang paniniwalaan? Sino nga ba ang makatutuklas ng sikretong pinakaiingatan? Abangan!