Ako nga ang nanalo sa paligsahan kanina namin ni tita, akala ko jogging lang yun, marathon pala.
Dahil nanalo nga ako, syempre di mawawala ang premyo,
Bilang premyo ko sa pagsungkit ng unang pwesto sa paligsahan namin kanina, ako ang manghuhugas ng sandamakmak na na kaldero at plato, isama mo na rin ang kutsara, tinidor at baso. Di lang yun may bonus pang nalalaman si tita! Ako na rin ang maglalaba ng sandamakmak na mababahong damit nya, sinama niya pa pati yung mga lalabhan sana ng mga kapit bahay namin.Matapos kong manghugas, tumungo na ako sa poso kung saan ako maglalaba, tang*na may washing machine naman sa bahay! Nakakastress talaga itong si tita!
Halos mapaiyak ako sa dami nang aking lalabhan. Is this for real? Ang dudumi pa!
Nakatulala lang ako sa mga damit na lalabhan ko, nang may kumalabit sa akin, kaya napatingin ako dito.
Tumambad sa akin ang nakangiting mukha nang crush ko! Totoo nga ang sabi nila, after the rain, there's a rainbow, nako maniniwala na talaga ako dun.
"Kung titignan mo lang ang mga yan, kahit abutin ka ng ilang taon di parin yan matatapos."
Sabi nya, at mahinang tumawa.
Ahhh! This is heaven! Ang gwapo nya talaga! Ang sarap titigan, ano ba yang makaka rape yata ako nang wala sa oras."Ah, Samantha? Yung laway mo tumutulo."
Napahawak naman ako sa aking bibig, may laway nga! Nakakahiya ka talaga Samantha!
"A-ah, ano palang ginagawa mo dito Flint? "
Ano ba yan! Bakit ba ako nauutal? Baka mahalata niyang crush ko siya! Mas nakakahiya yun.
"Nakita kasi kita kanina, para kang pinagsukluban ng langit at lupa."
Sabi nya, at umupo sa tabi ko. Enebeyen Flint! Kenekeleg ekeeee hihi!
"Sa susunod kasi kapag nag marathon ulit kayo ng tita mo, magpatalo kana, para siya ang makatatanggap ng award na to!"
Tumatawang saad nya, gasshhh Lord? Bakit ang gwapo ng lalaking ito? Lalo na pag nakangiti, hay ewan!
"Haha! Oo nga no? Bakit di ko naisip yun? "
Bobo ka kasi Samantha! Kaya di mo naisip yun!
Napailing nalang ako sa pinag iisip ko, mukhang kinakalaban na yata ako ng sarili kong utak."Don't worry, I'll help you."
Sabi ni Flint habang nakangiti, kita tuloy yung dimples nya, dagdag pogi points!
Isa pang hinangaan ko kay Flint Eric Madrigal, bukod sa gwapo at matalino ito, ay matulungin at napakagentleman nya, lagi pa itong nakangiti. Kaya di na ako magtataka kung maraming babae ang nahuhumaling sa alindog niya.
Pero hanggang paghanga lang 'yon kasi ang malandi kong puso ay may nilalaman na. Kumusta na kaya siya? Naalala niya pa kaya ako? Siguro hindi na, matagal na rin noong huli kaming magkita. Mag momove on nalang ako haha! Nandito naman si Flint eh, malandi ako eh ano ba pake niyo?
Tinulungan nga ako ni Flint sa paglalaba, inspired na inspired tuloy ako. Kung pwede lang eh, ako na yung maglalaba sa lahat ng damit ng mga ka baranggay namin. Kaso mukhang nakakahiya naman yun, baka isipin ni Flint na inaabuso ko na yung kabaitan niya.
Natapos nga namin ni Flint ang paglalaba, ni hindi man lang nga ako nakaramdam nang pagod.
Iba talaga basta inspired.Pakanta kanta pa akong pumasok sa bahay, nang makasalubong ko si tita. Napataas naman ito nang kilay, parang nagtataka kung bakit wala man lang pagod na mababakas sa mukha ko at mukhang masayang masaya pa ako.
BINABASA MO ANG
Her Proxy (On Going)
RandomIisang mukha, magkaibang katauhan, makulay na mundo ngunit puno ng panlilinlang. Alin ang totoo? Ano ang paniniwalaan? Sino nga ba ang makatutuklas ng sikretong pinakaiingatan? Abangan!