Chapter 16

52 21 2
                                    

Alam na ni Serine ang tunay kong pagkatao!

Hanggang ngayon ay tulala pa rin ako. Matapos kong malaman ang impormasyong ito, hindi na ako nakapagsalita pa.

Pakiramdam ko'y nawawalan na ako ng boses.

"Ayos ka lang?" Sabi sa akin ni Frost, pero tinignan ko lang siya at yumuko ulit.

"Huwag kang mag alala, kami pa lang ni Serine ang nakaka alam. Ang alam ng dalawa'y may masamang balak sa iyo si Serine upang 'di matuloy ang kasal natin bukas." Pagpapatuloy niya pa.

Di naman yun ang inaalala ko eh, gusto ko nang bumalik sa mundo ko! Gusto ko nang matapos ang lahat ng kahibangang ito!

Kailanman ay 'di sumagi sa aking isipan na mangyayari ito sa akin. Parang joke mang ituring ang mga karanasan ko rito dahil hindi naman siya kapani paniwala, pero wala akong magagawa, dahil totoo ang lahat ng ito!

Kahit ilang beses ko pa yata sampalin ang sarili ko, ang lugar na ito pa rin ang makikita ko.

"Gusto ko nang umuwi Frost." Humihikbing sabi ko. 'di naman ako dapat nandito kasi hindi ako nararapat sa mundong ito, isa akong mortal at ang mga tao rito ay may mga kapangyarihan, wala akong lugar sa mundong ito, ang pagpasok ko rito ay labis na ipinagbabawal.

"Hindi puwede Samantha, habang hindi bumabalik si Azthra'y 'di ka puwedeng bumalik sa mundo mo."

"Hindi ko ginusto ito! Hindi dapat ako naririto! Hindi dapat ako nadawit sa kung anumang problema ang nandito sa mundo ninyo! Dahil iba ako Frost! Hindi ako katulad ninyo! Please! Ibalik mo na ako sa mundo ko! " Sabi ko kay Frost, lumuhod pa ako at nagmakaawa sa kaniya pero napaiwas lang siya ng tingin.

"Proprotektahan kita pangako. Ligtas kang makakabalik sa mundo niyo Samantha, habang nandito ako sa tabi mo, hindi kiya pababayaan." Sabi niya habang pinupunasan gamit ng mga daliri niya ang mga luha ko.

Ramdam ko ang sinseridad sa mga mata at pananalita ni Frost kaya kahit papaano'y naibsan ang pangamba ko. Ang kailangan ko lang ngayon ay magpakatatag
At maging maingat sa mga ikinikilos ko.

Kinabukasan, habang inaayusan ako, 'di ko mapigilang humanga sa sarili ko, crush ko na yata ang sarili ko! Ang ganda ganda ko! Mukha akong prinsesa! Kaya lang mugto ang mga mata ko! Kainis panira naman mukhang kinagat ng mga langgam! Okay na sana eh! Ang ganda kong tignan sa gown na suot ko. May mga bulaklak itong palamuti na bet na bet ko!

Simple lang rin ang itsura ko, walang makapal na make up, ewan ko ba kung ano ang inilagay nila sa mukha ko kanina pero dagdag ganda points yun ah! Kinulot din nila ang mahaba kong buhok, mukha na siyang pancit canton na may flower crown haha!

Siguro fairytale ang theme ng wedding na 'to, sayang Azthra, ikaw sana ang nasa posisyon ko ngayon, kung 'di ka lang tanga eh sana hindi ako ang ikinakasal rito! Pangarap ko pa naamn ang ganitong uri ng kasalan.

Pero sana naman hindi sa ganitong paraan.

Ano kaya ang ginagawa niya bilang ako ngayon? Nag aaral na ba siya? Sigurado akong may pasukan na eh. Sana naman matalino ka para maganda ang records ko! Yun lang naman ang maitutulong mo sa akin kapalit ng buwis buhay kong tungkulin rito!

Matapos akong ayusan ng mga ano nga ang tawag sa kanila? Basta para silang make up artist kung sa mundo ng mga mortal agad rin silang umalis.

Tinawag rin naman ako ni Andeng bumaba na raw ako kasi ready na ang lahat ako nalang 'yong hinihintay.

Atat na atat lang?

Nasa ika'tlong palapag pa naman ako ng palasyo, tapos ang haba pa ng gown ko! Aabutin ako ng ilang oras rito! Sana'y pinasundo nalang ako nila rito eh! Tapos mag teteleport nalang kami papunta sa unang palapag kung saan magaganap ang kasalan.

Her Proxy (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon