Chapter 4

103 33 5
                                    

Gaya nga ng sabi ni tita kanina, ako yung namalengke, simpleng white shirt at faded jeans lang ang suot ko, mamamalengke lang naman eh, tska wala naman akong pinopormahan, di ko naman siguro makasasalubong si Flint diba? O di kaya'y di ko rin makikita yung first love ko rito? Malabong mangyari iyon!
Hihi, tinali ko rin ang mahaba kong buhok at naglagay ng konting liptint at pulbo sa mukha.

Taas noo akong naglalakad palabas ng Brgy. namin, confident ako eh ano ba?
Medyo may kalayuan ang bayan sa amin, 2 sakay kapag nag jeep ka, pero kapag mag bu-bus ka isang sakay lang pero medyo may kamahalan ang bayad, yun nga lang hindi hassle.

Agad akong naghanap ng bus na masasakyan, kaso puno na at paalis na ang bus na naabutan ko, gusto ko pa sanang pababain ang konduktor para mabigay niya yung space niya sa akin kaya lang ayaw niya naman, ang arte sarap balibagin.
So wala akong choice, mag je-jeep nalang talaga ako, ang malas naman!

Siksikan kami sa jeep ngayon, di pa yata nakuntento yung driver gusto pang dumagdag ng pasahero eh, halos kalahati ng pwet ko nalang yung umuupo sa upuan eh. Kaya ayun binulwayan ko siya, mabuti naman at sumunod. Di pa man kami nakararating sa isa pang terminal ng mga jeep ay haggard na haggard na ako, di ko alam kung saan ako mag fofocus, kung sa pwet ko bang sumasakit na, o sa mabahong amoy ng kilili ng katabi ko,lakas loob pa talaga siyang itaas ang mga kamay ha! Really sist? Wala kayong tawas? Gusto ko itanong kaso baka makahanap ako ng away dito, ayoko ko namang makalmot ang beautiful peys ko. Kaya ayun tiniis ko nalang kahit parang sukong suko na ang ilong ko.

Laking pasasalamat ko nang nakarating na kami sa terminal kung saan sasakay ulit papuntang bayan. Agad akong bumaba ng jeep at sumakay ulit sa isa pang jeep, sa front seat na ako sumakay, baka kasi makasabay ko na naman yung si ate gurl walang tawas sa kanilang bahay.

Naging mabilis lang ang biyahe namin, agad kaming nakarating sa bayan. Medyo maliit lang ang bayan namin pero kumpleto ito, may mga malls, coffee shops, salons, naglalakihang supermarkets at iba pang makikita sa City proper. Tinaguriang Little City of Iloilo itong Estancia. Mula sa Iloilo city 3 hours ang byahe papunta dito, pero di ka naman magsisisi kasi napakaganda ng lugar na ito, maraming turista na ang dumadayo dito, pinupuntahan nila ang iba't ibang beach di lang sa Estancia pero pati na din sa mga karatig bayan nito, tulad ng Carles.
Isa ang baranggay namin sa pinakamalaking baranggay dito, kaya tinawag itong baranggay Kalawac-an.

Anyways, nagsimula na akong maglakad sa loob ng public market, may listahan rin akong dala para 'di ko makalimutan yung mga bibilhin.
Mas mura kasi ang presyo ng bilihin sa public market kesa sa mga malls kaya para makatipid eh dito na ako mamimili, yung nga lang medyo mainit kasi wlang aircon.

Pero organize din naman ang mga stalls dito, kaya di ka mahihirapang matunton ang iyong mga bibilhin.

Bale may tatlong part ang public market dito, yung unang part which is located sa unahan, ito yung una mong makikita kapag pumasok ka, dito mo makikita at mabibili ang mga iba't-ibang uri ng prutas at gulay, nakahiwalay yung nagtitinda ng prutas at gulay ah, sa ikalawang parte mo naman mabibili ang mga frozen foods at iba't-ibang uri ng karne, at sa panghuling parte ay kung saan mo naman mabibili ang iba't-ibang uri ng isda at sea foods na siyang pinakasikat sa bayang ito.

Matapos kong malibot ang buong palengke, nakaramdam ako ng pagod at uhaw, ang dami kong pinamili! Hanep talaga si tita, nilubos lubos talaga eh!

Dala dala ang mga pinamili ko, umupo muna ako sa pinakamalapit na bench sa labas ng milk tea house. Gusto ko tuloy uminom ng milk tea, kaso baka mawalan ako ng pamasahe mamaya. Tiis tiis muna Sam.

Hinilot hilot ko yung mga paa ko, mabuti nalang talaga at nag tsinelas lang ako kaya di talaga ganun ka sakit.

Napatigil ako sa paghihilot ng mga paa ko nung may kumalabit sa akin.

Gulat na gulat akong tinignan ang taong nasa harap ko ngayon, nakakasilaw ang kagwapuhan nito,

"A-Andrew?" Mahina kong sambit, ngumiti naman ito at agad yumakap sa akin.

Totoo ba to? Di pa ako nananaginip?

"Miss na miss kita Sam!" Sabi niya habang nakayakap parin sa akin.

Her Proxy (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon