Chapter 15

59 21 0
                                    

Samantha's POV:

Hanggang ngayon ay kinakabahan pa rin ako, alam na ni Frost ang totoo kong pagkatao!

Ilang minuto na akong nakapikit pero hindi pa rin kami nakarating sa Centrarrea?
Gano'n ba kalayo 'yon?

Kanina ko pa gustong imulat ang aking mga mata, kaso baka pagalitan ako ng kasama ko!

Nabigla ako ng may tumama na bagay sa noo ko, medyo malamig iyon, kaya 'di ko napigilang imulat ang aking mga mata.

Snowball? Sinong may gawa nito?

Nasa kuwarto na pala ako, kanina pa ba ako rito?

Agad ko namang nakita si Frost nakahiga siya sa kama at nakapikit ang kaniyang mga mata.

Tulog ba to?

Siya ba ang naghagis ng snowball sa akin?

"Hoy! Bakit mo ginawa 'yon? Masakit ah!" Sabi ko habang tinapon sa kaniya pabalik ang snowball na agad namang bumalik sa akin, parang boomerang.

At sa ikalawang pagkakataon natamaan na naman ako sa noo!

"Isa pa! Isa pa talaga at makikita mo ang bagsik ni Samantha!" Pasigaw kong sabi na naging dahilan ng pagbangon niya.

Umupo siya ang nginisihan ako.

Aba! Nakakapikon na ang lalaking 'to ha!

"Ahhhhhh!" Di ko mapigilang mapasigaw ng nabalot ng snow ang katawan ko!

Binuhusan niya ako ng snow! At ang nakakainis pa ay di ito matanggal tanggal, dahil sinubukan ko itong alisin.

Habang patagal ng patagal lalong lumalamig!

"Ipatikim mo na sa akin ang bagsik mo mortal!" Nakangising saad niya.

Sinamaan ko lang siya ng tingin na ikinatawa niya.

"Naririndi na ako sa ingay mo, kaya mabuting patahimikin ka nalamang." Dagdag niya pa.

Papatayin niya na ako?

"Papatayin mo na ako?" Nanginginig na sabi ko.

Tamad naman siyang tumingin sa akin.

"Bakit ko naman gagawin 'yon? Hindi ako pumapatay ng mga pangit." Sabi niya at saka tumayo.

"Huwag na huwag kang aalis sa silid na ito, kung hindi tutuluyan na talaga kita. Babalikan kita rito." Sabi niya at saka naglaho, kasabay noon ang paglaho ng snow na nakabalot sa katawan ko.

Napabuntong hininga na lamang ako at napaupo sa kama.

Habang tumatagal ako sa lugar na ito, ramdam ko ang panganib na kakaharapin ko.

Gustong gusto ko na bumalik kung saan ako nararapat.

Na mimiss ko na ang pamilya at mga kaibigan ko.

Di ko talaga mapigilang maiyak ng maalala ko ang mga masasayang pangyayari sa buhay ko noong nasa mundo pa ako ng mga mortal.

Ang bulyaw sa akin ni tita tuwing umaga, ang mga katuwang namin sa karenderia, ang mga construction worker na lagi akong sinasabihan na maganda. Ang mga tsismosa sa baranggay namin, ang mga plastic kong mga kaibigan. Si Flint, si Andrew, ang poso, ang washing machine, ang tv, ang lamesa, ang sofa, ang mga panty at bra kong may butas na, ang medyas kong mabaho, ang sapatos kong puno na ng bubble gum, ang mga butiki sa bahay, ang mga ipis, ang mga daga at.. basta marami akong na mimiss! Pati yata alikabok ng bahay ay namiss ko.

Napahagulhol pa ako ng maalala ang lahat ng iyan.

Natataranta namang pumasok si Andeng sa kuwarto, narinig yata ang pag iyak ko.

Her Proxy (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon