Ang higpit ng yakap ni Andrew sa akin, animo'y sabik na sabik na makita ako ulit.
Agad namang bumilis ang tibok ng puso ko, parang hihikain ako, di ako makahinga.
Siya ang kababata ko, si Zaykhel Andrew Mortez, ang sinasabi kong laman ng malandi kong puso, ang first love ko at di ko itatangging patagong minamahal ko padin siya hanggang ngayon.
Yes, mahal, hindi lang basta-basta paghanga ang nararamdaman ko para sa kanya di tulad ng nararamdaman ko kay Flint, humahanga lang talaga ako kay Flint kasi mabait, maginoo, matalino at matulungin ito, sinong babae ang di hahanga don diba?
Pero iba yung tama ko kay Andrew eh, siya yung una kong crush, magkasama na kami mula pagkabata, dahil nagtratrabaho si papa sa hacienda nila, dahil wala namang magbabantay at mag-aalaga sa akin habang wala si papa, pumayag yung lolo ni Andrew na isama ako, doon na rin kami natutulog kapag maraming gawain sa Hacienda Mortez, ito ay makikita sa Batad, Iloilo.
Mabuti naman at 'di sila matapobre, itinuring nila akong parang kapamilya na din. Kami ni Andrew ang laging magkasama noon dahil nag-iisa lang namang siyang apo ni Don Seferino. Madalas naman ay wala ang mga magulang ni Andrew dahil nagtratrabaho ang mga ito sa ibang bansa. Kaya kasambahay lang ang lagi niyang kasama bukod sa akin at sa lolo niya.
Halos di kami mapaghiwalay noon, mula kinder hanggang
Grade 6 magkaklase kami, si Andrew ang tagapag tanggol ko noon sa paaralan, walang naglalakas loob na lumapit at mang-away sakin dahil lagi ko siyang kasama. Mabait si Andrew, kaso may pagkapilyo ito at may katigasan rin ang ulo, sobrang sweet niya at maalalahanin at doon ako nahulog, pero di ko sinabi yun syempre, baka lumayo siya eh.Sa panlabas na kaanyuan naman, medyo pilyo nga ang mukha niya, pero mas gwapo siya kay Flint, matangos ang kaniyang ilong na binagayan ng mapula-pula niyang labi, at ang pinaka paborito kong parte ng mukha niya eh yung makapal niyang kilay at ang kaniyang mga mata na kumikislap lalo na pag masaya siya nakadagdag ganda pa ang light brown na kulay nito.
Noong nag High School na kami, tumigil sa pagtratrabaho si papa sa hacienda, ewan ko nga kung bakit, pero natutustusan niya pa rin naman yung pangangailangan namin at pag-aaral ko.
Dahil doon, di na kami naging mag kaklase ni Andrew, magkaiba kasi ang paaralan namin, nasa public school ako, habang sa private school naman siya. Pero kahit ganun lagi niya akong sinusundo at hinahatid sa bahay, at kung free time namin ay kung saan saan kami gumagala,
hanggang sa isang araw, nalaman ko na lang na nasa ibang bansa na pala siya, di man lang nag paalam, iyak ako ng iyak no'n, buti na lang andyan si papa para damayan ako, alam niya kasi ang nararamdaman ko para kay Andrew ,pero ilang ulit niya akong binalaan."Anak, kalimutan mo nalang si Andrew, lalo ka lang masasaktan kapag pinatuloy mo pa ang nararamdaman mo. Mayaman sila at mahirap lang tayo, ang layo nila anak, di natin sila maabot, para silang mga tala sa langit, hanggang tingin na lang ang magagawa natin." Malungkot na sabi ni Papa.
Pinilit kong kalimutan si Andrew, pero hindi ko magawa, di mo pala madidiktahan ang puso mong kalimutan ang taong minsan nang naging parte ng buhay mo, lalo na kung taong minahal mo ang pinag-uusapan, maaring magagawa mong magpanggap na nakalimutan mo na siya, pero hanggang kailan mo mauuto ang sarili mo diba? Di mo kailanman mapaniniwala ang pusong 'di pa nakalimot.
Ang arte ko noh? Ano ba! Ngayon lang ako nag eemote emote ng ganito, wag nga kayong judger!
So, ang dami ko ng arte dito, ang dami ko nang naikwento, nakapag flashback na ako, ewan ko kung may naintindihan ba kayo roon! Basta yun na yun baka sa book 2 ninyo malalaman ang lahat. Chars, parang 'di pa nga matapos tapos itong kuwentong ito, may pa book 2 na eh haha!
BINABASA MO ANG
Her Proxy (On Going)
RandomIisang mukha, magkaibang katauhan, makulay na mundo ngunit puno ng panlilinlang. Alin ang totoo? Ano ang paniniwalaan? Sino nga ba ang makatutuklas ng sikretong pinakaiingatan? Abangan!