Chapter 12

58 20 0
                                    

Kinaumagahan, bumisita si Serine para sabihin sa akin ang plano tungkol sa pagtakas ko sa kasal. Bukas na pala yun! 'Di ko man lang namalayan na halos isang linggo na pala ako sa lugar na ito.

"Mamayang gabi, habang abala ang lahat sa pagsasaayos at paghahanda para sa kasal ninyo, hintayin mo ako sa balkonahe ng iyong kuwarto." Ani Serine

Kasalukuyan kaming nakaupo sa ilalim ng mayabong at matayog na puno sa labas ng palasyo.

Naaliw ako sa luntiang paligid, idagdag mo pa ang preskong hangin na tila nilalaro ang mga dahon sa ere, kaya't di ko masyadong binibigyan ng pansin ang mga sinasabi niya.

"Azthra! Nakikinig ka ba?"

Tumango tango lamang ako. Nagpatuloy naman siya sa pagsasalita.

"Isuot mo rin ang kuwintas na ito upang di nila masundan at maramdaman ang kapangyarihan mo." Dagdag niya pa, sabay dukot ng kuwintas at inilagay ito sa mga palad ko.

Actually di ko naman kailangan to eh, wala naman talaga akong kapangyarihan.

"Huwag mong ipagsabi ang mga plano natin Azthra, kung 'di pareho tayong mapapahamak!"

"Pangako! Di ko ipagsasabi kahit kanino man! Peksman mamatay man!" Tugon ko kaniya

"Sige Azthra, babalik na ako sa aming kaharian. Magkita na lang tayo mamaya." Sabi niya at naglaho na lang bigla.

Napabuntong hininga naman ako. Sure na ba to? Paano kung mahuhuli kami? Edi patay kami pareho? Ayoko pa namang may mapahamak ng dahil sa akin. Nalunod na ako sa pag iisip ng kung ano ano.

"Kung ano man ang binabalak ninyo, wag niyo nang ituloy pa Azthra."

Napatayo ako sa gulat ng may nagsalita sa likuran ko.

"Windy?"

Pilit siyang ngumiti at umupo sa damuhan, isinandal niya pa ang kaniyang katawan sa puno at pumikit ng marahan.

"Paano ka nakasisigurado na hindi ka lilinlangin ni Serine?" Tanong niya habang nakapikit pa  rin.

Napaiwas naman ako ng tingin. Ayaw kong magsalita, nangako ako eh! Hangga't maari hindi ako magsasalita.

" Narinig ko ang usapan ninyo. Tuso si Serine, Azthra! Di ka ba nagtataka? Ano ang kapalit ng pagtulonh niya sayo? Bakit niya gagawin ang napaka delikadong bagay nang walang hinihinging kapalit sayo? Sa pagkaka alam ko 'di siya gan'on." Dagdag niya pa.

"Ano ang ibig mong sabihin Windy?" Di ko na mapigilang magtanong, mukha kasing may ipinaparating siya.

"Noon pa man ay may gusto na si Serine kay Frost na itinakda nang ikasal sa kapatid mong si Rein. Sa pagkamatay ni Rein ay siya ring pagbunyi ng puso ni Serine. Ang akala niya, siya na ang papalit kay Rein na ipapakasal kay Frost, dahil sa batas ng mga kaharian, ang mga panganay na babae lamang ang puwedeng magpakasal sa sino mang susunod na hari. 'Di ko alam at 'di ko rin maintndihan kung bakit ikaw ang papalit kay Rein, Azthra. Pero ang alam ko, at sigurado ako, ikapapahamak mo ang pagsama kay Serine. 'Di natin alam kung ano ang totoong  balak niya." Mahabang paliwanag ni Windy.

Lalo tuloy gumulo ang isip ko! Konti nalang talaga mababaliw na ako rito!

Sino ba kasi ang paniniwalaan ko sa kanila?

"Ayaw kong malagay ang iyong buhay sa panganib Azthra, binabalaan na kita." Sabi niya sabay kuha ng kuwintas na hawak ko kanina. Sinuri niya ito.

"Ipinapawalang bisa ng kuwintas na ito ang kapangyarihan ng sinumang nagsusuot nito." Sabi niya habang nakatingin sa akin.

Ipinalutang niya ang kuwintas sa ere gamit ang kapangyarihan niya at winasak ito. Nagkaroon tuloy ng maliit na pagsabog.

Napatakip pa ako sa aking tenga. Matapos no'n nagpanggap na lang ako na kunwari di ako nagulat.

Her Proxy (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon