Chapter 19

51 18 1
                                    

Matapos sabihin ni Frost 'yon 'di ko na mapigilang mapaisip.

Ano na ba ang nangyayari?

Maya maya ay dumating na si Ice, pumasok din ito sa kuwartk at umupo sa maliit na sofa. Habang si Frost naman ay nakahiga at nakapikit pa rin.

"Psst!" Agad akong bumaling kay Ice kaya natigil na rin ang pag-iisip ko kahit wala akong isip.

Tinaasan ko naman siya ng kilay,
Tapos hinimas himas niya yung tiyan niya, ibig sabihin nagugutom na siya.

Edi kumain siya? Tanga ba to?

"Magluto ka na, I'm hungry!" Demanding niyang utos.

Aba maka utos yaya niya ako?

Tinignan ko naman si Frost, na mukhang nakatulog na.

"Edi ikaw magluto, kasi hungry ka na!" Sabi ko sa kaniya.

"I didn't know how to cook obviously, that's why I really need your help! Mamamatay ako sa gutom!" Nagmamaktol na sabi niya. Tapos napatigil siya at tumingin muli sa akin.

"You know how to cook right? Wag mong sabihin na 'di ka marunong magluto malilintikan ka!" Pananakot niya.

Lihim naman akong napatawa. Mapag tripan nga to.

"Di ako marunong mag luto Ice, pasensya ka na." Sabi ko habang nag iiwas tingin sa kaniya.

"You're kidding! Oh snap! I'm really hungry Sam wag kang ganyan!" Sabi niya

Teka? Bakit ba english ng english to? 'di ba yung may mga koneksyon lang sa mga tao ang nakakapagsalita ng ganiyang lengguwahe?

"May koneksyon ka ba sa mga tao?" Tanong ko.

"Of course galing ako --- Ano bang pinagsasabi mo?" Sabi niya, so galing siya sa mundo ng mga tao? Kung ganoon puwede noya akong ibalik doon!

"Galing ka sa mundo ng mga tao?" Excited na sabi ko.

"Of course not! Mahilig lang akong magbasa ng mga aklat na galing sa mundo ng mga tao." Sabi niya ni Ice.

Bigla tuloy nawala yung excitement ko.

"Saan mo nakuha yon?" Tanong ko.

"Wag ka nang maraming tanong, magluto ka na lang, I'll help you." Sabi niya at umalis sa kuwarto.

Agad naman akong sumunod sa kaniya.

Tumungo kami sa kusina.

Hala! Kumpletong kumpleto sila sa gamit, ni hindi ko nga nakita na may ganito sa palasyo eh.

May refrigerator sila, may stove, may oven at iba pa.

Kaduda duda na talaga ang magkapatid na to ha.
Balang araw malalaman ko rin ang sekreto ninyo. Haha! (*Insert evil laugh).

Inilabas ni Ice ang manok sa ref at iba pang sangkap.

Ano bang lulutuin namin?

"Anong gagawin ko rito?" Tanong ko.

Masungit niya naman akong tinignan.

"Edi lulutuin!" Inis niyang sabi.

Sungit talaga nito, sarap lasunin.

"Umalis ka nga rito Ice! Nandidilim ang paningin ko sayo." Asar na sabi ko, hindi kami makakaluto kung dalawa kami ang naririto, magbabangayan lang kami hanggang sa maubos ang oras.

Mabuti naman at sumunod siya, magsasaing daw si Mr. Sungit.

So ayun, nagluto ako ng adobong manok.

Her Proxy (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon