Chapter 21

32 4 2
                                    

Matapos ang nakakastress na ganap, hindi ko na nakita pa ang magkapatid.

Nagkulong na lang muna ako sa kuwarto. Naguguilty ako sa ginawa kong katangahan!

Bakit ba hindi ko muna inalam ang lahat? Nagpadalos dalos ako, kaya eto!

Sana mapatawad pa ako ni Frost huhu!

Hindi ako lumabas sa kuwarto hanggang gabi. Nahihiya ako! Baka nasa labas si Frost.

Sino ba naman ang hindi mahihiya diba? Pinagbintangan ko siya.

Ang tanging pinaniwalaan ko lamang ay ang mga eksena na nakita ko, hindi ang buong kuwento.

Kaya nagkakasakitan tayo eh, hindi pa nga alam ang buong kuwento, i ju-judge na yung tao.

Hays! Isa na ako ngayon mga toxic na tao sa mundo huhu!

Ang dapat sa akin ay ipasalvage! Ipalapa sa mga ...

Joke lang, I love you self, 'di ko kakayanin na pati ikaw ay mawala sa aking piling.

Haha! Nagawa ko pa talaga mag loko eh!

Maya-maya ay nakaramdam ako ng gutom.

Tss. Behave ka muna tiyan, may kasalanan ako kaya pati kayo ay siguradong apektado.

Tiniis ko ang gutom hanggang sa 'di ko na makayanan.

Eto ang mahirap sa patay gutom eh! Hindi makatiis! Tsss!

Lumabas ako ng kuwarto at maingat na bumaba sa unang palapag.

Ayokong may makarinig sa akin o may makapansin.

At sigurado ako na tulog na ang mga yon, hatinggabi na kasi.

Binagalan ko ang paglalakad para hindi nila marinig ang footsteps ko.

Pagkarating sa kusina, napatampal ako sa aking noo nang mapagtantong hindi pala nakapagluto!

Naubos namin kanina ang pagkain na inihanda ko.

So it means? Hindi kumain si Ice?

Baka wala talaga sila rito. Ang tahimik ng bahay eh.

Binuksan ko ang ref. Para tignan kung may ready to eat na ba rito.

'di naman ako nabigo! Meron nga!

Kinuha ko yung tinapay at palaman at inilagay sa mesa. Bumalik ulit ako para kunin ang gatas.

Aporado ba ako? May lakas pa talaga ako ng loob para kumain ng mga pagkain nila.

Habang kumuluha ng gatas, may naramdaman akong presensya.

Sigurado akong nakatingin ito sa akin ngayon.

Puteks! Ngayon pa ba talaga ako mumultuhin?

Bitbit ang gatas, maingat kong isinara ang ref. at lumingon sa pintuan.

"BULAAAGAAAAAAAA!"

"AHHHHHHH!"

Napasigaw ako sa gulat, pati yung bote ng gatas ay nabitawan ko, kaya ayun basag

"Nak ng tupa naman Ice! Bakit mo ako ginulat!" Bulyaw ko sa kaniya habang nakahawak sa dibdib ko, habang siya nama'y halos mamatay rin sa katatawa.

Sarap talaga balibagin ng isang to.

May kasalan pa pala ang epal na to.
Kung 'di dahil sa kaniya edi hindi ko nagawa yun kay Frost! Sakit talaga sa ulo ang isang to! Sigurado na ako ngayon na hindi na ako tatagal sa mundong ito.

"D*mn! Hahah! That was, hahah! That was epic! Mukha kang palaka when you do this, AAAHHHHH" natatawang sabi niya at ginaya yung reaction ko kanina.

Eto na naman po siya, pinapakulo ang dugo ko!

Ayoko muna ng gulo!

Kaya ayun tinalikuran ko nalang siya at nagsimulang linisin ang kalat, sanhi ng nabasag na bote ng gatas.

Natapos ko na ang paglilinis pero si Ice tumatawa pa rin.

May saltik yata to.

Pumunta na ako ng mesa para lagyan ng palaman ang tinapay.

Naramdaman ko namang lumapit si Ice at naupo pa talaga sa harap ko.

"You're doomed! Ginalit mo si Frost! Ako rin pala ginalit mo rin ako! Hmp!" Sabi niya at saka umirap.

Problema nito? Siya pa talaga ang may gana na magalit ha? Really?

"Paki ko?" Mataray na sabi ko habang nagpapalaman pa rin.

"Ang dapat sayo ay parusahan!" Nananakot na sabi niya.

Inirapan ko na lamang siya ang nagsimula ng kumain ng tinapay.

"Pumili ka lang, anong gusto mong parusa? Ipalapa sa mga leon? Bibitayin sa harap ng maraming tao? Garrote o one night stand with me? Now, choose! " Sabi niya habang nakangisi.

Nabilaukan naman ako sa huli niyang sinabi! One night stand? With him? Amputchaaa!
Ang bastos talaga ng mokong na to! Eww kadiriii!

"Amputcha Ice, gusto mong balibagin kita?" Sabi ko matapos mahimasmasan.

Napahawak naman siya sa kaniyang tiyan sa katatawa, sa sobrang inis ko ishinoot ko yung natitira kung tinapay sa nakabukas niyang bunganga.

At ayon! 3 points! Ahaha!

"Bakit mo ginawa yun? In fairness saraap!" Sabi niya habang nginunguya ang tinapay, ewwws may laway ko na 'yon eh!

Ako naman ngayon ang natawa.

Kunot noo niya akong tinignan sabay ngisi ng nakakaloko.

"Puwedeng isa pa? Yung nanguya  mo na sana? O? Ikaw nalang kaya kainin ko?" Sabi niya.

Naibato ko naman sa kaniya ang lalagyan ng peanut butter.

Agad naman siyang umilag at tumawang muli.

Baliw!

"Ang bastos mo Ice! Umalis ka nga rito! Nandidiri ako sayo!" Nakangiwing sabi ko.

"Makabastos naman to, ang arte kala mo naman maganda. Mukha kang libag ghorl!" Ganti niya sa akin.

Anong karapatan niya para laitin ang kagandahan ng Isang Samantha Dianne Saleno? Gash!

"Eww, bakla!" Sigaw ko na ikinatigil ng pagtawa niya.

Seryoso itong tumingin sa akin.

Uh oh?

"Anong sabi mo?" Seryoso niyang sabi habang lumalapit sa akin, agad naman akong napa atras.

Kinabahan naman ako, poteks! May part 2 na ba agad ang kamalasan ko ngayon?

"W-wala, s-sabi ko, guwapo ka hihi" nauutal kong saad.

Mabilis siyang lumapit sa akin na halos hindi ko na naramdaman pa.

Isinandal niya ako sa cupboard at ikinorner ako gamit ang kaniyang mga braso.

"I-ice, w-walang ganiyanan please." Kinakabahang sabi ko.

Pero 'di siya nagpatinag, inilapit niya pa sa akin ang kaniyang mukha.

Hahalikan niya ba ako? Gahahasain? Gaddd! TULONG!

Ipinikit ko na lamang ang mga mata ko at hinintay kung ano ba ang mangyayari.

Naramdaman ko naman ang pagdampi ng mga labi niya sa ...

Pisnge ko at natatawang lumayo.

Iminulat ko ang mga mata ko at hinawakan ang pisnge kong hinalikan niya.

"Woi! Toothbrush ka muna! Baho ng hininga mo eh! Haha!" Sabi niya at saka ako tinalikuran.

Ako naman ay nakatulala pa rin, First kiss ko yun sa pisnge!! Ninakaw niya!

Kinginaang lalaki yun! Kainis!

Naging alerto naman ako ulit ng tumigil sa sia paglalakad ang lumingon sa akin.

"Oo nga pala, humingi ka ng patawad sa hari kung ayaw mo maging yelo. Hinihintay ka niya" Sabi niya at tuluyan ng nawala.

Ano raw? Hinihintay ako ni Frost?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 27, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Her Proxy (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon