Chapter 18

48 20 2
                                    

Tinotoo nga ni Ice ang sinabi niyang babantayan niya ako.

Buong magdamag siyang tumambay sa balkonahe ng kuwarto ko.

Ayoko naman siyang tanungin kung okay lang ba siya kasi 'di naman kami close at napaka suplado niya.

So ayun hinayaan ko na, sorry siya di ako Ms. Friendship, medyo may attitude rin ako. Hmp!

Kinaumagahan nagising ako ng may naramdaman akong nakadagan sa bandang tiyan ko.

Unti unti kong binuksan ang mga mata ko.

Sus kamay lang pala, pumikit akong muli upang matulog muli.

Kamay?
Kamay!!!

May kamay!

Agad akong bumangon para makita kung sino itong katabi ko.

Si Ice pala, 'di man lang nag paalam ang loko.

Gigisingin ko sana kaya lang, parang ang ganda ganda ng tulog eh.

Kapatid ba talaga ni Frost to? Hindi talaga sila magka mukha, mas maangas tignan si Ice.

Baka ampon lang talaga si Frost?

Habang tumatagal ako rito, marami akong nakikilala.

Noon si Flint at Andrew lang ang kilala kong guwapong lalaki. Sila lang talaga ang bumubusog sa malandi kong mata.

Yung iba ko kasing kaibigang lalaki ay mga bakla, kamusta na kaya sila? Miss ko na rin mga barkada ko eh, di pa kami nagkikita simula ng mag end yung klase namin.

Pero ngayon ang dami na, upgraded na nga talaga ang life ko, tingnan mo ngayon, isa akong prinsesa, dati pinapangarap ko lang yon. Kaya lang alam kong lahat ng ito ay may hangganan.

Kailan pa ba matatapos ang pagpapanggap na ito?

Ang dami na kasing nangyari.

Ikinasal ako kay Frost, dapat si Andrew 'yon eh. Oo feeling talaga ako. Si Andrew lang kasi ang pinapangarap kong makasama habang buhay.

Kung ayaw niya, edi si Flint, haha! Landee!

Parang joke nga eh, 'di ko alam kung totoo ba to or pang go good time lang ng life sa akin. Sinasabayan ko nalang nga, baka mabaliw ako. Baliw na talaga ako, mukhang madadagdaga. Pa eh.

Lumabas ako ng kuwarto, maghahanap sana ako ng tatambayan, masyado pa namang maaga para lumabas baka mabulabog ko yung mga tao sa palasyo.

Saan kaya ang kuwarto ng hari at reyna rito?

Nagtatanong lang, ayaw ko namang pasukin baka kasi...
Alam niyo na hehe.

Pumasok na lang ako sa library na katabi ng kuwarto ko.

Mabuti naman at nakabukas ang ilaw.

Ang ganda talaga rito.

Naglibot libot muna ako sa mga shelf upang maghanap ng babasahin.

Tsh. Puro tungkol sa history ng kaharian naman ang nandidirito.

Dinala ako ng mga paa ko sa isang sulok na attract yata ako sa kulay ng mga aklat. Kakaiba kasi yon.

Laking gulat ko ng may tao.

Babae ito at nakatalikod sa akin, kumukuha siya ng mga libro.

Nilapitan ko siya at gugulatin sana kaya lang pareho kaming nagulat ng humarap ito sa akin.

"Andeng! Anong ginagawa mo rito!" Tanong ko sa kaniya.

"Patawarin niyo po ako Prinsesa, pinakialaman ko po ang mga aklat ninyo." Kinakabahang saad niya.

Her Proxy (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon