Chapter 3

102 38 7
                                    

Dahil sa nangyari kagabi, hindi ko na nagawang maghapunan at matulog ng maayos.

Sino ba kasi yun? Tila, may parte sa akin na gustong gusto makilala kung sino man ang tao sa likod ng salakot na yun.

4:00 am na pala pero hindi parin ako dinadalaw ng antok.

Paulit ulit lang bumabalik sa isipan ko ang nakakakilabot na pangyayari, para sa akin ha? Ewan ko kung para sa inyo rin.

Agad kong sinundan ng tingin kung saan nanggaling ang kaluskos, at may naaninag akong, tao?

Nakasuot ito ng salakot at......

Nagulat ako nang napagtantong

Tumitingin ito sa akin.

Malayo man ito pero ramdam ko ang panganib sa kaniyang mga titig, para bang may nais siya iparating.

Baka nananaginip na naman ako.

Pinikit ko na lang ang aking mga mata.

Pagdilat ko, wala na yung tao.

Baka talaga imahinasyon ko lang yun?

Nagulantang ako nang mapatingin ako sa aking mga kamay.

Teka? Sa pagkaka alam ko wala akong hawak na kahit ano kanina?

Eh san nanggaling ang maliit na box na ito?

Habang nakapikit ba ako, nagnanakaw yung mga kamay ko?

Nako mapapagalitan ko talaga ang mga kamay ko!

Napatingin akong muli sa box na hawak ko.

Nanginginig pa ang mga kamay ko habang binubuksan ito.

Gulat na gulat ako, ng makita ang  laman nito.

Anong ginagawa ng picture ko dito?!

In fairness mukha anong desente at mayaman dito ah?

Sinuri ko pa ito ng maayos,
may sulat pala ito sa likod.

'Ako'y ikaw, ikaw ay ako.'

Anong ibig sabihin nito?

"Arghhhh! Patulugin mo na man ako oh! Nagmamakaawa ako sayo! Waaaaaaa!!!"

Mukhang wala na talagang balak na matulog ang utak ko, siguradong lutang na naman ako mamaya.

Sa halip na magmukmok at problemahin ang nakasulat sa larawan, tumungo nalang ako sa kusina para maghanda ng almusal.

Tulog pa si tita, di ko alam kung ano bang pinagkaka abalahan niya lately. Madalas ko kasi siyang marinig na may kausap sa kaniyang bagong cellphone. Oo kabibili niya lang noong isang linggo, at talagang ininggit niya talaga ako, kesyo raw wala akong ganoon at saka iPhone 11 Promax daw yun worth 2k.
Ewan ko. 'di naman ako nainggit, mukhang peke! Ang pangit ng cam! Blurred! Haha

Pagkatapos kong magluto, at maghain ng almusal namin, pumasok muna ako sa kwarto para maligo since tulog parin si tita. Masigawan nga yun mamaya, gaya ng ginagawa niya sakin tuwing umaga. Its payback timeee! Sheeems! Ang dugyot-dugyot ko na pala! Tinalo ko pa ang mga zombies sa Train to Busan!

Makalipas ang ilang minuto, lumabas na ako ng kwarto. Fresh na fresh from the farm ang peg ko. Nadatnan ko naman si tita sa sala, nakatutok na naman sa cellphone niyang iPhone 11 Promax, at ang nakakikilabot pa'y, pangiti ngiti pa ito, at minsan humahagikhik, na animo'y teenager na kinikilig, nakakadiri talaga itong si Alili, ano na naman bang pinagkakaabalahan nito?

Dahil curious nga ako, maingat akong sumilip sa cellphone niya, di naman niya ata napansin na nasa likuran na niya ako dahil busy siya.

Nako nag fa-facebook pala itong si tita, nawiwili ata sa pagrereply ng mga comments sa dp niya.

Ito ang ilang comments na nabasa ko,

"Nice pic"

"Hello dear"

"Beautiful"

"You pretty dear"

Dear? Usa na pala si tita ngayon?
Ay tanga! Deer kasi 'yon Sam!

Maya maya may nag pop-up na chat head sa cp ni tita, napangiti naman ito na parang timang.

*Rambo rambo : hi dear hows sleep?

*Alili S. Sampal: I'm fine thank you? How are you?

Lanya talaga si tita, akala ko kung sinong celebrity na ang ka chat niya, makatili ha, Arabo lang pala.

Umalis na lang ako sa pwesto ko kanina, baka mahuli pa ako ni tita at ipagsusumbong sa mga arabong friends niya.

Mag aalmusal na lang ako!

Hays! Di ko naman matiis yun, kaya tinawag ko na.

"Titaaa! Kakain na po!" Sigaw ko, nako pag yun di pa niya marinig ipapalunok ko talaga tong king size Hotdog sa kanya.

"Weeeyt dear! I'm there!"

Sigaw niya pabalik, ano daw? Nahawa ata to sa mga arabong ka chat niya.

Makalipas ang ilang minuto, at last! Dumating na si tita, kanina pa ako nagugutom!

"Samantha, ikaw muna ang mamalengke ngayo ah."

Sabi niya sabay subo ng pagkain.

Teka bakit ako? Pwede namang si aling Miling na lang,

Si Aling Miling ang katuwang ni tita na magluto sa karenderia at ang anak nitong si Eliza ang katuwang ko naman sa pagiging serbidora.

"Bakit ako tita? Si Aling Miling na lang kaya? At saka ano bang gagawin mo?"

Tanong ko sa kanya, bago to eh, si tita kasi palagi ang namamalengke, kasi siya naman ang mas nakaka alam kung ano ang mga kakailanganin sa carenderia.

"May importante akong gagawin! At si Miling, siya muna ang magbabantay at mag aayos ng carenderia habang wala ka pa, alam mo namang may katandaan na iyon, baka masyadong mapagod, at di na makapagluto!"

Saad naman ni tita,

Aalis siya? San naman kaya pupunta to?

"Eh saan ka ba pupunta?"

Tanong ko, di naman siya basta basta umaalis kung hindi importante eh, tska di naman birthday o death anniversary ni Tito Tuko.

Napangiti naman siya sa tanong ko, kinikilabutan na talaga ako kay tita! Baka sinaniban na to ng masamang espirito! Makapunta nga mamaya sa albularyo.

"Ehemm, kasi mag hahanap ako ng pussy."

Nakangiti niyabg sabi,

Pussy? Diba pusa yon? Ano namang gagawin niya doon?

"Huh?" Kunot noong baling ko sa kanya.

"Eh, kasi sabi ng ka chat ko kanina 'send your pussy' daw, eh malas naman at wala akong pusa, kaya mag hahanap muna ako, maghihintay na man daw siya eh, grabeeee ang bait niya talaga,, yieeeee"

Sabi ni tita at nag hyhysterical na at mukhang kilig na kilig,

Napangiwi na lamang ako, sa mga pinagsasabi niya, nako nako, kung alam niya lang na ibang pussy ang sinasabe ng arabong yun!

Di ko naman na siya tinutulan pa, mukhang wala na talagang makakapigil sa kaniya eh,

Binilisan ko na lang ang pagkain, para maaga akong makapunta sa palengke mamaya. Matagal na rin akong nakakulong sa brgy. Na ito eh.

Her Proxy (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon