CHAPTER 1
Layne's Point of View
Pabalikwas akong bumangon mula sa pagkakahiga sa kawayan naming upuan matapos kong ma-published ang chapter thirthy four ng ginagawa kong story sa wattpad. Lumapit ako kay Mama at Kuya Mattias na pinagtutulungang gupitin ang ititindang gulay na kangkong.
"Anong gagawin ko?" Tanong ko at pumwesto sa harapan nilang dalawa. Pinasadahan ako ng tingin ni Kuya saka nanaman ako sinimulang asarin.
"Huwag ka nang mag-abalang tumulong, mahal na prinsesa. Doon ka na lang sa tapat ng electric fan," Pambubuyo nito kaya sinimangutan ko siya.
"Pagkakataon n'yo na 'tong alilain ako dahil sinisipag ako," natatawa kong sagot sa kaniya kaya itinigil ni kuya ang ginagawa at hinarap ako.
"Kamusta na si Iris? Nalaman niya na ba na siya ang nawawalang diyosa ng olympus?" Inilapit niya pa sa akin ang mukha niya kaya inatras ko ng bahagya ang mukha ko.
Stepbrother ko si Kuya Mattias Macarias at unang anak ni mama kay Papa Ronaldo na una niyang asawa. Tama, ako ang anak sa labas dahil hindi sinasadyang mabuntis si Mama ng amerikano kong tatay na nasa america ngayon.
Ang kwento sa akin ni mama ay nagkayayaan silang mag-inuman ng mga ka-batch niya dati sa college kasama si Papa Ronaldo na kaklase niya rin at hindi sinadyang may mangyari sa kanila ni papa. Siyempre hindi nagalit ang stepfather ko dahil mahal na mahal niya si mama kaya tinanggap niya ako at hindi hinayaang kunin ng tunay kong tatay. Tinrato nila akong hindi iba sa kanila.
"Basahin mo na lang kaya? Gusto mo lagi kang ini-ispoiled, eh," nakasimangot kong balik dito kaya hindi niya mapigilang matawa sabay gulo sa buhok ko na agad kong inayos. Reader ko si kuya at kauna-unahang supporter ko simula nang magsulat ako sa platapormang iyon kaya hindi ko tinigil ang pangarap kong maging isang sikat na author na unti-unti nang natutupad.
May mahigit siyamnapung libo akong mambabasa at walumpung libong tagasunod sa account ko ngayon kaya talaga namang bawat published ko ay may nakaabang na para magbasa.
"Pag-igihan mo lang anak, ha? Lalo na at pupunta ka na ng maynila sa susunod na araw. Hindi mo na kami kasama doon kaya bantayan mo ang sarili mo," pangaral bigla sa akin ni mama kaya napunta sa kaniya ang atensyon ko. Tumayo ako at lumapit sa kaniya para bigyan siya ng mahigpit na yakap. Ngayon pa lang ay naiiyak na ako. Hindi kasi ako sanay na malayo sa kanila at kailangan ko ring lumuwas dahil nabigyan ako ng oportunidad na makapasok sa isang sikat na paaralan na pagmamay-ari ng kaibigan ni Kuya Mattias.
"Mama naman..'Wag mo akong paiyakin kasi mamimiss kita lalo." Hinawakan niya ang dalawang kamay kong nakapilipit sa leeg niya saka ito hinimas.
"Huwag munang mag-boyfriend! Kailangan pumunta dito at ligawan muna ang dalawang lalaki dito, ha!" Natawa ako sa sinabi niya.
"Tama si mama bunso, nakakahiya sa Kuya Axon mo na nilibre ka sa pag-aaral mo." Tumango ako. Si kuya Axon ay kaibigan ni Kuya Mattias. May isa pa silang kaibigan pero si Kuya Axon pa lang ang nakikilala ko na dinalaw si kuya noong nakaraang linggo. Nalaman niya na magko-kolehiyo ako kaya maswerteng pinag-aral niya ako ng libre dahil hindi na daw kami iba sa kaniya.
"Bobo lang ako pero masipag naman kaya makakapasa ako sa mga subjects ko." Tama ang nabasa niyo. Hindi ako nagkaroon ng kahit na anong parangal mula elementary hanggang highschool. Mahirap din akong turuan lalo na sa subject na Mathematics kaya ang tawag ko sa sarili ko, bobo na mabait hahaha.
"Sa college, makisama ka lang at maging masipag sa pagpasa ng mga requirements makakapasa ka na. Siyempre huwag mong kakalimutan ang konting kalabit sa mga professor mo, tamang sipsip lang, yung hindi ka mapapansin ng mga kaklase mo." Nakatanggap siya ng palo kay mama kaya malakas ang naging tawa ko.
BINABASA MO ANG
The Unseen (School Trilogy #1)
Mystery / ThrillerRank #2 on Mystery/Thriller in Standards Awards 2020 School Trilogy #1: Layne and Magnus Isang malaking oportunidad kay Layne Brynlee ang makapag-aral sa isang prehistiyosong unibersidad sa Cavite. Ang makapagtapos at maging isang sikat na manunulat...