Chapter 6

35 10 0
                                    

CHAPTER 6

Layne's Point of View

"Sumagot na ba?" Umiling siya kaya napahilamos ako sa mukha ko. Ano bang nangyayari? Bakit hindi ka sumasagot Magnus?

"Chill, walang mangyayari sa kaniya." Tiningnan ko si Rage na busy rin sa kakatipa sa cellphone niya. Alas onse na ng umaga at alas siyete trenta ang pasok namin kaya sobra-sobra na ang kaba ko. Pinuntahan na namin siya sa bahay nila at sa lahat ng pwedeng puntahan niya pero wala siya.

"Paano ako kakalma, Rage? Ang sabi ni Carlsen umalis ang kuya niya ng alas dose ng madaling araw. Ikaw na rin ang nagsabi na hindi niya ugaling lumabas ng ganoong oras." Frustrated akong bumalik sa pagkakaupo ko. Mabuti na lang at hindi pumasok ang dalawang professor namin kaya may oras kami para hanapin siya.

"What if something important just came up?" Pagpapagaan ni Maisie sa loob ko. "Besides, kung tama ang hinala natin na dalawa lang ang papatayin niya ngayon wala tayong dapat ikatakot."

"Maisie, a killer is a killer, no numbers and anything. Papatay kung gusto." Kinagat ko ang kuko sa daliri ko dahil sa tensyon na nararamdaman ko. Please naman Magnus, nasaan ka na ba?

"Let's just wait, I can't contact him." Napatayo ako matapos kong marinig ang sinabi ni Rage.

"No, I can't wait. This is between what ifs and the time. Pa'no kung.."

"Don't think too much, Layne. Let's just wait and pray na sana ayos lang siya." Hinila ako ni Maisie paupo. Nandito kami ngayon sa cafeteria at pinagtitinginan kami ng kapwa namin estudyante. Gustuhin ko mang harapin ang masasamang tingin nila ay mas mahalaga pa rin si Magnus kesa sa kanila na walang ibang alam kun'di ang matahin ang kapwa nila.

"Did you heard the news? May nawawala na naman daw sa section nila. And guess what? Magnus is missing too."

"What the heck? It can't be! Sayang si Magnus kung magagaya lang siya dun sa nahulog sa rooftop."

"Correct. Kaya nga ganyan 'yan katensyon ngayon si Layne dahil nawawala ang boyfriend niya."

"Boyfriend? It doesn't look like that, they're more on flirting lang."

"Flirting? Well, possible. Mukha namang malandi ang Layne na 'yan." Wala na sana akong balak pang pansinin ang sinasabi nila pero biglang tumayo si Maisie at tinapon sa dalawang babae ang isang pinggan ng spaghetti na tira sa kabilang mesa, take note, kasama ang mababasaging pinggan kaya nagdurugo ngayon ang labi ng isang babae. Mabilis kaming tumayo ni Rage para awatin siya.

"Let me go! Kailangang maturuan ng leksyon ng dalawang pusit na 'to!"

"Hey stop it, Maisie" pigil sa kaniya ni Rage habang yakap siya sa bewang.

"No! Anong stop?! Kayo!" Dinuro niya ang dalawang babae na puno na ng spaghetti ang uniform at nakayuko na. "Ngayon kayo magsalita! Malalakas loob niyong iparinig ang sinasabi niyo kanina 'di ba? Now, talk! Mas malandi pa kayo kay Layne mga tipaklong kayo! Look at your lipstick compare to Layne's, mukha na kayong sinapak ng malaking kamay dahil sa kapal ng mga nguso niyo!"

"Calm down, Maisie." Lapit ko sa kaniya pero hindi niya ako pinansin.

"Baka nga mas loose pa 'yang mga bulaklak niyo kesa sakin eh! Ano?! Magsalita kayo mga naknang bitches! Ngayon pa kayo sumabay kung kelan may hinahanap kami?! Sa susunod na makarinig ako ng makakating bunganga diyan humanda kayong mga daing kayo!" Dinuro niya ang iba pang students sa paligid kaya ang iba ay nagtakbuhan palabas. Napatampal ako sa noo ko.

"Stop, Maisie. You're making a scene." Tiningnan niya ako ng masama matapos kong sabihin 'yon.

"I don't care making a scene. Ang ayoko sa lahat ay ang nagmamalinis! Lalo na kung ang tinatarget ay 'yong totoong malinis!" Ibinalik niya ang tingin niya sa dalawa na umiiyak na. Naawa ako sa kanila kaya pinaalis ko na sila. Dali-dali naman silang tumayo dala ang mga gamit nila.

The Unseen (School Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon