Epilogue

39 7 0
                                    

EPILOGUE

Hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko. Nakatingin lang ako kay tito na bakas ang pag-aalala sa akin. Lumayo sa 'kin si Carlsen para tingnan ang mukha ko.

"Don't cry, you can still go to the airport." Sabay kaming natauhan ni tito.

"Right! Baka mapigilan mo pa siya, Layne." Nilapitan ako ni tito para itulak palabas. Bakas sa mukha niya na ayaw niya ring umalis si Magnus.

"May I have his number first? Tatawagan ko siya habang nasa sasakyan." Mabilis na binigay ni tito ang numero niya kaya mabilis akong nagpaalam at tumakbo palabas. Nagpaalam rin ako sa mga guwardiya saka ako pumasok ng sasakyan.

Mabilis kong pinaandar ang kotse palayo ng bahay nila, pero naaninag ko ang kulay itim na BMW na pabalik kaya mabilis akong napa-preno. Sinundan ko siya ng tingin at tama nga ako na siya ang nasa loob.

Casual siyang bumaba. Nakasuot siya ng maong na pants at maong na polo na nakatupi hanggang siko. Pinanood ko siyang pumasok sa loob saka ko inurong ang sasakyan.

Nagdidiwang na ang puso ko at nagsimula nang tumulo ang mababaw kong luha saka ako lumabas ng sasakyan. Kinagat ko ang ibabang labi ko habang nakatayo sa likuran ng sasakyan ko 'di kalayuan sa gate nila.

Ilang minuto lang ang lumipas nang tumatakbo siyang bumalik sa sasakyan niya. Bubuksan niya na sana ang pinto nang makita niya akong nakatayo at nakatingin sa kaniya.

Umawang ng bahagya ang bibig niya na tila ay hindi makapaniwalang nasa harapan niya ako. Marahan siyang lumapit sa 'kin habang pinipigil ang pagtulo ng luha.

"Layne," halos bulong na tawag niya sa 'kin.

"H-Hi." Pinilit kong 'wag gumaralgal ang boses ko at nagtagumpay naman ako. Tumigil siya sa harap ko kaya naamoy ko ang mabango niyang amoy. Malinis rin ang pagkakahawi ng buhok niya sa kaliwa at mas pumuti siya.

Nakatitig lang sa 'kin ang kulay asul niyang mata. Tinatantya kung anong susunod na gagawin.

Halos mapuno ng kiliti ang sistema ko dahil sa kilig na nararamdaman ko ngayong nasa harapan ko na siya. Punong-puno ng pangungulila ang mga mata namin at makailang ulit na bumukas sara ang bibig niya na tila ay may gustong sabihin, pero hindi niya matuloy.

"S-So, you decided to l-leave for good." Halos hindi ko na marinig ang sarili kong boses dahil sa nakakabinging tibok ng dibdib ko.

Ngumiti siya saka kinagat ang ibabang labi.

"I-I..." Hindi niya tinuloy ang sinabi niya bagkus ay hinila ako palapit sa kaniya at niyakap ng mahigpit. Narinig ko ang mahinang paghikbi niya kaya pumikit ako para damahin ang magkasabay na indayog ng puso namin.

"Did you came here to see me?" Malamyos ang tinig na tanong niya. Tumango ako saka siya humiwalay sa pagkakayakap sa 'kin at tiningnan ako ng taimtim.

"Y-You nodded?" Ngumiti ako. Pinunasan ko ang pisngi ko.

"Hindi na ba kita mapipigilan, ha, Magnus?" Nagbago ang ekspresyon ng mukha niya. Amusement is all over his face.

"And now, you're preventing me?" Hindi ko mapigilang matawa sa itsura niya. Para siyang bata na nakakita ng paborito niyang cotton candy.

"Am I?" Balik ko sa kaniya, pinipigilan ang malawak na ngiti sa labi ko.

"Are you?" Balik niya rin sa tanong ko kaya hindi ko maiwasang pamulahan.

"Tingin mo?" Tumawa siya saka kinamot ang kaliwang gilid ng pisngi niya.

"Tingin ko.. kaya ka nandito para ligawan ako. Nagpaalam ka ba kay dad?" Hinampas ko siya kaya humalakhak siya.

"Ang kapal pa rin ng mukha mong lalaki ka!" Hindi siya tumigil sa pagtawa at tuwang-tuwa na namumula na ako.

"'Di nga?"

"Anong 'di nga?" Tinaasan ko siya ng kilay kaya tinitigan niya ako ng nakangiti. Umiwas ako ng tingin dahil kinikilig ako.

"Hindi ka na galit sa 'kin?" Ibinalik ko ang tingin ko sa kaniya at ngayon ay seryoso na siya. Hindi ko inalis ang tingin sa kaniya. Bumalik na naman ang malakas na kabog ng dibdib ko. Yumuko ako nang maramdaman ko ang guilt.

"H-Hindi naman ako nagalit?"

"Why may question mark?" Mapangiti ako ng bahagya. Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko kaya inangat ko ang tingin ko sa kaniya. Sobrang lapit na ng mukha niya.

"Layne," tawag niya sa pangalan ko kaya inangat ko ang dalawang kilay ko habang nakatingin sa kaniya. "Anong skin care mo?" Mabilis ko siyang hinampas kaya humalakhak na naman siya saka ako hinapit sa bewang at idiniin sa katawan niya. Nakapagitna ang dalawang kamay ko habang nakayukom.

Nginitian niya ako kaya imbes na mailang ay sinuklian ko rin ng isang ngiti. Pareho kami ng iniisip base sa mga tingin namin. Masaya dahil pagkatapos ng lahat ay nasa harapan pa rin namin ang isa't isa.

Dahan-dahan niyang inilapit ang mukha niya kaya marahan akong pumikit. Segundo lang bago ko naramdaman ang malambot niyang labi na nakadikit sa labi ko. Nanatili lang 'yong nakadikit hanggang sa gumalaw siya. Hinayaan ko siyang gumalaw na kalaunan ay sinusuklian ko na.

Ilang segundo kaming nasa ganoong posisyon nang marinig namin ang marahas na pagpreno ng sasakyan sa tapat namin saka ang pagbukas sara ng pinto.

"PDA! Sa presinto na kayo magpaliwanag!" Sabay kaming humiwalay sa isa't isa para itaas ang dalawang kamay sa ere.

Nang makita ko ang dalawang tao na nagpipigil ng paghalakhak ay marahas kong ibinaba ang kamay ko at sinamaan sila ng tingin.

"Bakit sabay kayo?" Pang-aasar ni Rage kaya binato siya ni Magnus ng wallet. Tumawa naman si Rage nang masalo niya 'yon saka binato pabalik kay Magnus na nasalo niya rin agad.

"At dahil kumpleto na tayo, let's go hang out!" Masayang saad ni Maisie kaya umiling ako.

"Let's visit Silas and Rhett, first."

"Uhuh." Tumatangong sang-ayon ni Magnus kaya wala nang nagawa ang dalawa. Kay Magnus na ako sumakay dahil may dalang sasakyan si Rage. Ilang oras din ang naging biyahe namin nang marating namin ang malaking memorial kung saan magkasamang nilibing ang dalawa.

Malayo pa kami at kailangan pa naming lakarin ang malawak na daan kung saan puno ng masaganang damo at maliliit na bulaklak.

Napakaganda ng lugar, maaliwalas at tahimik. Nang nasa paakyat na kami ay inalalayan ako ni Magnus na makaakyat dahil madulas ang damo, ganoon din si Rage kay Maisie. Magkahawak kamay kaming naglakad.

Nang makaakyat kami ay natanaw namin ang isang lalaki na nakaupo habang nakatingin sa lapida ni Silas.

"Who's that? Masyado namang mainit ang suot niyang jacket?" Pansin ni Maisie kaya iniliko ko ang ulo ko sa kanan para silipin ang mukha niya. Balot na balot siya ng kulay itim na jacket, nakatakip din sa ulo niya ang hood at naka-bag siya ng kulay itim.

"Maybe, kamag-anak, let's go." Tinanguan na lang namin si Magnus saka kami magkakasabay na naglakad palapit. Hindi pa man kami nakakalapit nang marinig namin ang hikbi niya. Sobrang bigat at dama ko ang madiing pagsalubong ng mga ngipin niya na wari ay galit na galit.

"Pagbabayaran nila ang ginawa nila sa 'yo, Silas. Pinapangako ko 'yan." Napakurap ako ng ilang beses. Tumingin ako sa mga kasama ko na kapwa nakakunot ang mga noo.

"E-Excuse me?" Mahinang tawag ni Maisie kaya nabitin sa ere ang hikbi niya saka tumayo habang nakatalikod pa rin. Hindi namin makita ang mukha niya kaya hinintay naming humarap siya.

Dahan-dahan nga siyang humarap at halos kapusin ako ng hangin nang bumungad sa amin ang masama niyang tingin at nakangising mukha.

"Long time no see."

END.

The Unseen (School Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon