Chapter 12

28 8 0
                                    

CHAPTER 12

"Fuck you!" Bungad sa akin ni Maisie nang makapasok ako ng sasakyan. Hindi na namin kasama si Rhett at Silas dahil hindi sila pinayagang mag-stay ng two weeks kila Magnus. Hindi ako nagsalita at tumingin lang sa labas. Dinadama ang bigat ng dibdib ko.

"You didn't told us kung saan ka pupunta at nag-alala kami ng sobra tapos malalaman namin na nakikipagharutan ka lang sa taga-Archi na 'yon?" Tinaasan ko ng kilay si Maisie.

"Nakita mong nakikipag harutan ako?" Inirapan niya ako bago ibinalik ang tingin sa harapan.

"'Wag kayong mag-away dito, may malawak na space kila Magnus, doon kayo." Binatukan siya ni Maisie kaya tinawanan lang siya nito.

"Tigilan mo yang pang-aasar mo kun'di tigang ka ng apat na buwan." Umiling ako sa lumabas sa bibig niya.

Madulas at pasmado.

"Joke only," natatawang sambit nito.

"Joke only," panggagaya sa kaniya ni Maisie. Hindi na lang ako umimik. Nang marating namin ang bahay nila Magnus ay napapatingala ako sa sobrang laki. Masyadong sagana sa chandelier at puting puti ang kulay ng pader, kumikinang din ang mga glass wall sa taas pati na rin ang mga bintana at pinto.

"Good afternoon po," bati ni Rage sa nakabantay na dalawang guwardiya bago kami pinagbuksan ng gate. Habang pinaparada ni Rage ang kotse ay natanaw ko na 'di kalayuan ang batang lalaki na nakaupo sa ikalimang hagdanan bago ang malaking pinto.

Bumaba kami at nilapitan siya, nakasimangot siya ngayong nakita ko na sa malapitan. Tumingin sa amin ang kulay abo niyang mata. Tumayo siya at tumakbo papasok kaya natatawang nauna si Rage sa pagpasok. Maliwanag sa loob ng bahay dahil nakabukas na ang mga ilaw at soft din ang paligid kaya ang gandang tingnan.

"Bro." Napatingin ako sa lalaking nakahiga sa kaliwang bahagi at nakangiting nakatingin sa akin. Mabilis ko siyang nilapitan at niyakap.

"Aww, that hurts!" Angal niya nang yakapin ko siya at matamaan ang leeg niya.

"Miss na miss ka na niyan! Nagawa na ngang makipagharutan sa taga-Archi, eh." Sinamaan ko ng tingin si Maisie na umupo sa katapat na sofa.

"Archi, who?" Tiningnan ko si Magnus nang magtanong siya. Napapairap naman ako sa kawalan, kahit kailan talaga ang bunganga ng babaeng 'to.

"Si Cassian, pre." Masama ang tingin na ibinigay niya sa akin kaya pinanlakihan ko siya ng mata.

"What?"

"Don't go near him. Ikakama ka lang no'n." Namula naman ang pisngi ko sa sinabi niya. Bakit ba napaka-common na lang sa kanila na pag-usapan ang bagay na 'yon?

"He just saved me, and offered me a drinks sa coffee shop niya." Pumaswit siya. "I'm telling the truth!" Itinaas ko pa ang kanang kamay ko kaya nakarinig ako ng mahinang tawa sa likod ko.

"Why are you explaining to me? Sasagutin mo na ba ako?" Pinalo ko siya sa kaliwang braso niya kaya dumaing siya.

"Sa kanan ka may bali." Irap ko pa kaya tinawanan niya lang ako.

"By the way, bro, nakapagpasa na si tito ng excuse letter mo pati na rin medical certificate kaya absweldo ka na sa mga prof," balita sa kaniya ni Rage.

"Thanks, pre." Tumingin siya sa paligid nang hindi ginagalaw ang ulo. "Did you saw Carlsen?"

"Tumakbo ah? Baka nasa kusina," sagot ni Rage na inaayos ang mga binili nilang pagkain. Tiningnan ako ni Magnus nang maupo ako sa tabi niya.

"Why are you sitting beside me?" Kinagat niya ang ibabang labi niya para pigilan ang pagngiti.

"I can't?"

The Unseen (School Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon