CHAPTER 14
Tahimik ang lahat nang pumasok si Professor Finley. Bakas sa tingin niya na naiintindihan niya kami. Walang maririnig na ingay sa buong silid kun'di ang mga nanggagaling lang sa labas. Nagbibigay ng liwanag ang mga ilaw sa bawat silid. Dim ang paligid dahil nagsisimula nang dumilim ang kalangitan kaya nagiging alisto ang mga nakabantay.
"Kamusta kayo?" Pinilit niyang magbigay ng magaan na ngiti sa amin. Tumango siya nang walang sumagot saka tinawag ang mga magrereport ngayon. Naghanda na kami dahil kami ang nakaschedule.
Lumapit si Rage sa mesa sa unahan para ikabit ang laptop niya sa malaking tv. Sabay-sabay kaming tumayo na apat para pumunta sa unahan. Unang nagsalita si Maisie at sumunod ako, sumunod si Rhett at Rage at ang huli ay si Silas. Nang matapos ang report namin ay inilabas nila ang laptop nila para sagutan ang inihanda naming quiz.
Nang matapos kami ay dismayadong tumingin sa amin ang propesor. Bakas sa mukha niya ang awa at pag-intindi.
"Alam kong nagdadalamhati kayo at natatakot mga 'nak, pero 'wag niyo namang pabayaan ang pag-aaral niyo." Naririnig ko sa kaniya si papa, nagbibigay ng payo sa mga anak ang way ng pananalita niya dahil isa na rin siya sa mga itinuring naming pangalawang tatay.
Walang nagsalita kahit isa samin kaya tahimik siyang lumabas at nagpaalam sa amin. Ramdam ko ang tingin ng mga kaklase namin sa gawi namin. Napapapikit na lang ako ng mariin dahil hindi ko mapigilang matakot para sa amin. Malaking responsibilidad ang nakaatang sa amin at hindi ko alam kung kakayanin ko ba.
"Get one fourth piece of yellow pad." Hindi ko namalayan na nakapasok na pala si Professor Boheme kaya matamlay kong kinuha sa ilalim ng mesa ko ang gamit ko. Sa bawat ilalim ng mesa namin ay may maliit na locker kaya dito ko na lang iniiwan ang mga mabibigat kong gamit.
"I want you to pass a piece of paper. Write your chosen genre and title of your preferred dance." Umupo siya kaya nagsimula na kaming mag-usap-usap. Huminga ako ng malalim. Pinipilit ng mga kaklase ko na ituon ang atensyon nila pero alam kong may bumabagabag sa kanila.
Tiningnan ko si Professor Boheme na nakatingin din pala sa akin ng seryoso kaya awkward kong ibinaba ang tingin ko.
"You decide, marunong ka sumayaw, eh." Turo ni Maisie kay Rage. Nakinig lang ako sa usapan nila dahil hindi ako makapag-concentrate sa tingin ni professor. Hindi ko mabasa ang nasa mata niya.
Ilang minuto rin ang tinagal namin kaya tumayo na siya sa pagkakaupo nang marinig ang ingay namin.
"Done? Pass it to me." Tumayo ako para makisabay sa mga nagpapasa sa kaniya. Inabot ko ang papel nang hindi tumitingin sa mata niya. Hindi ko maintindihan kung bakit ganyan siya makatingin.
"How are you, Layne?" Napakurap ako at alanganing tumingin sa kaniya. Ngumiti ako ng pilit.
"A-Ayos lang po." Ngumiti siya saka tumango kaya mabilis akong tumalikod at bumalik sa upuan ko.
"Anong sabi?" Bulong sakin ni Maisie pagkaupo ko.
"Kinamusta ako," mahinang sagot ko nang hindi siya tinitingnan.
"Why would he?" Ramdam ko ang pagkalito sa boses niya pero kumibit-balikat na lang ako. Ilang oras din ang ginugol niya sa klase namin bago siya lumabas. Tumunog ang nakakaantok na bell para ipahiwatig na break time na pero walang gumalaw ni isa sa amin kahit pa nakikita na namin na naglalabasan ang ibang course.
Kinunutan kami ng noo ng apat na nagbabantay sa labas ng pinto pero hindi namin sila pinansin. Mabilis na lumapit sa 'kin si Mabel kaya tinaasan ko siya ng dalawang kilay.
"Ahm, gusto ko lang sanang itanong kung nasaan si Magnus?" Napatingin din sa kaniya si Rage at Maisie nang marinig ang tanong niya.
"Nasa bahay nila, why?" Bumuka ang bibig niya na tila ay may gustong sabihin pero isinasara niya rin agad. Mabilis siyang umiling bago bumalik sa upuan niya. Kunot-noo kong tiningnan ang dalawa, sumalubong sa akin ang nakataas na kilay ni Maisie at ang pag-iwas ng tingin ni Rage. Pinaningkitan ko siya.
BINABASA MO ANG
The Unseen (School Trilogy #1)
Mystery / ThrillerRank #2 on Mystery/Thriller in Standards Awards 2020 School Trilogy #1: Layne and Magnus Isang malaking oportunidad kay Layne Brynlee ang makapag-aral sa isang prehistiyosong unibersidad sa Cavite. Ang makapagtapos at maging isang sikat na manunulat...