Chapter 11

26 8 0
                                        

CHAPTER 11

Bago ako bumalik sa loob ay nanatili muna ako ng ilang minuto sa labas. Nag-iisip kung tama ba na si kuya ang nakita ko. Mas lalo lang nadagdagan ang paghihinala ko kahit wala naman akong matibay na ebidensya kun'di ang narinig ko nung araw na 'yon.

Umiling ako saka tumayo at pumasok sa loob. Nasa malayo pa lang ako ay dinig ko na ang alingawngaw ng sigaw. Mabilis akong naglakad para makalapit sa kanila.

"Tito, they are my friends!" Naabutan kong sigaw ni Rage. Tiningnan ko ang kausap niya at napaatras ng bahagya nang makitang nakatingin sa 'kin ang daddy ni Magnus.

"I don't care if they are your friends, tell them to go home, now!" Yumuko ako para iwasan ang masamang tingin nito sa akin.

"You don't understand tito. We have to stick to each other--"

"And die together?" Natahimik kami sa sinabi niya. Ganoon ba ang labas sa kaniya kung bakit palagi kaming magkakasama?

"Sir, you said you know what's happening," mahinahon kong usal.

"Yes, I know what's happening. From that time na hindi na umuuwi si Magnus sa bahay para samahan ang kapatid niya up until now na nakahiga siya sa hospital bed, struggling."

"Tito, he saved Layne." Masamang tingin ang natanggap ni Rage dahil sinabi niya.

"That's why I'm telling you to not go near my son!" Umalingawngaw ang malakas at baritono niyang boses sa hallway. Hindi na siya nakasuot ng lab gown kaya wala lang sa kaniya kung pinagtitinginan na kami ng ibang staff ng hospital.

"Tito.. someone is trying to kill us kaya kailangan naming magsama-sama para iligtas ang isa't isa, not just us, pati na rin ang mga kaklase namin," mahinahon na paliwanag ni Rage pero mukhang sarado ang isipan niya dahil hindi nagbabago ang seryoso at pinal na desisyon sa mukha niya.

"That's bullshit Rage, nasa paaralan kayo para mag-aral hindi para maniwala sa mga ganiyang kalokohan! Someone got killed dahil nakikisama kayo sa mga barumbado." Hindi ko mapigilang mapasinghal. Ang sabi niya ay alam niya ang nangyayari, pero matapos kong marinig ang sinabi niya ay gusto kong matawa. Napakababaw at mali ang alam niya.

"Are you laughing at me, lady?" Malalim ang pagkakakunot ng noo niya na halatang hindi natuwa sa ginawa ko.

"Sir, we can't explain our sides kung pagpipilitan mong paniwalaan ang alam mo, but I am informing you na hindi kami lalayo kay Magnus dahil kapag ginawa namin 'yon ay magkakaroon ng pagkakataon ang killer na lapitan siya--"

"Ang titigas ng ulo niyo!" Napapitlag ako sa gulat, pilit kong pinapahinahon ang paghinga ko kahit sobrang bilis ng tibok ng puso ko.

"Sir, please. Let us go near Magnus, we promise na walang mangyayaring masama sa kaniya," mahinahong usal ni Maisie. Pinipilit pa rin naming kunin ang side niya kahit alam naming hindi mangyayari 'yon.

"If I can't make you agree in my decision, I will make you," matigas na sambit niya bago niluwagan ang necktie niya at tinalikuran kami. Mabigat na paghinga ang pinakawalan namin nang makaupo kami sa upuan.

"Give me water." Mabigat ang paghingang hingi ni Maisie. Inabot ko sa kanila ang hawak ko nang makakuha ako ng isa.

"He will transfer Magnus to another university," pag-imporma sa akin ni Silas kaya tinanguan ko siya.

"I know."

"So what's the plan? We can't let him, delikado," nag-aalalang sambit ni Rhett na miminsan lang magsalita. Huminga ako ng malalim. Ang laki na nga ng problema namin dadagdag pa 'to.

The Unseen (School Trilogy #1)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon