Chapter 13

39 8 0
                                        

CHAPTER 13

It's been one week at magaling na si Magnus. Tinanggal na rin kanina ang nasa leeg niya at kahit papaano ay nakakaupo sa siya sa wheel chair at naitutulak ang sarili niya.

"Sure ba kayong papasok kayo mamaya?" Nag-aalalang tanong niya sa amin. Nandito kami ngayon sa hapag at kumakain ng tanghalian. Ngayong araw na kasi ang simula ng five pm class namin at kanina paggising namin ay pinipilit niya kaming mag-stay na lang dito.

"Mas mapapalagay ako kung papasok kayo nang kasama ako."

"Ako ang bahala, pre. Iuuwi ko sila ng ligtas dito. Kayo ang mag-iingat dito."

"Can you help me do my assignments, Ate Layne?" Singit ni Carlsen. Tuwing seven am kasi ang pasok niya hanggang eleven kaya nahahatid pa namin siya ni Maisie.

"I will. Gigisingin na lang kita kapag nakauwi na ako, ha?"

"I won't sleep. I'll wait for you to go home," nakasimangot na sambit niya habang tinutusok ang hotdog sa pinggan niya.

"Then, avoid playing computer games while waiting. Samahan mo si Kuya Mag, okay?" Nginisihan niya ako matapos magtagpo ang mata nilang mag-kuya.

"Yes, mom." Natawa ako saka sinamaan ng tingin si Magnus.

"Don't worry, hon. Babantayan ko ang anak natin." Gusto kong mag-dive sa pool dahil sa sinabi niya. May duda talaga ako na kailangan mo munang madisgrasya bago ka maging malandi.

"Mga baliw."

"Kilig ka naman?" Kinurot ko ang binti ni Maisie kaya mabilis niyang inusog ang upuan palapit kay Rage na tatawa-tawa lang din.

"Good morning!" Napatingin kami sa biglang dumating. Nginitian ko si Silas at Rhett na dala na ang gamit para sa pagpasok mamaya. Napag-usapan kasi namin na sabay-sabay kaming papasok at ihahatid din namin sila pauwi since long van naman ang dalang sasakyan ni Rage.

"Kain kayo," aya sa kanila ni Magnus.

"Thanks, tapos na. Hi Carls." Nginitian naman sila ni Carlsen kaya hindi nakaligtas sa akin ang pagsimangot ni Rage. Hanggang ngayon hindi pa rin siya nilalapitan ni Carlsen.

"I am having a goosebumps kanina pa paggising ko," biglang sambit ni Maisie na tila ay nilalamig. Kita ko nga ang pagtatayuan ng mga balbon niya.

"You need to go to the comfort room," sumusubong sambit ni Rage kaya nakatanggap siya ng masamang tingin dito. Nginitian niya lang si Maisie in a cute way. Nang matapos kaming kumain ay agad kong hinugasan ang mga pinggan. Nasa pool area kasi sila at naliligo. Naiwan naman si Magnus kasama ko.

"Sana all gorgeous pa rin kahit naghuhugas ng pinggan." Inirapan ko siya kahit hindi niya nakikita. Nang matapos akong maghugas ay pinunasan ko ang kamay ko saka ako lumapit sa kaniya at tinulak siya papunta sa pool area.

Umupo lang ako sa tabi ng wheel chair niya habang pinapanood silang nagkukulitan sa tubig.

"Go and swim." Tiningnan ko si Magnus at inilingan.

"Ayaw. Dito lang ako." Narinig ko namang tumawa siya kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Why? Gusto mo akong kasama?"

"Loko. I prefer watching them. Papasok na naman kami at alam kong magkaka-problema na naman." Inilagay niya sa likod ng tenga ko ang tumakas na hibla ng buhok gamit ang kaliwang kamay.

"Don't say that. Marami na ang nakabantay na sundalo mamaya kaya ligtas kayo." Tinanguan ko siya. Kahit ako rin naman, ayokong sirain ang masayang mood namin, pero hindi ko maiwasan. Mas pinipili ko na lang na bawasan ang saya ko dahil alam kong may kapalit ang bawat saya.

The Unseen (School Trilogy #1)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon