CHAPTER 15
"Ate Layne?" Tinapunan ko ng tingin ang pintuan nang marinig ko ang boses ni Carlsen pero ibinalik ko rin ang pagkakasubsob ko sa tuhod ko.
Kanina pa mula nang makabalik kami ay hindi na ako lumabas dito sa kwarto. Alam kong hindi dapat ako nagkakaganito dahil pare-pareho lang naman kaming apektado sa nangyari, pero anong magagawa ko? Ayoko namang mabuntong sa kanila ang bigat ng dibdib ko.
Alam kong nakakapagsalita ako ng hindi maganda lalo na sa mga ganitong sitwasyon kaya mas magandang mapag-isa muna ako at umiwas.
Masyadong magulo ang utak ko. Naghalo-halo na pati ang nararamdaman ko.
Malaking problema na sa akin una pa lang ang paghahanap sa killer, tapos malalaman namin na si Professor Zachary lang pala. Kung naniwala na sa akin ang mga kasama ko una pa lang, sana.. wala nang namatay pa.
Dumagdag pa si kuya na nagbago ang pakikitungo sa akin. Pilit kong inaalis sa isip ko na wala siyang kinalaman dito, lalo pa nang madakip si propesor. Hindi ko alam kung bakit ang lamig ng pakikitungo niya.
Tapos.. si Magnus at Mabel. Ang sabi ni Mabel ay mag-uusap kami, pero paano pa mangyayari 'yon kung kasama siya sa mga nasawi?
Mariin akong pumikit. Sobra naman yata ang paghihirap ko ngayon? Pinunasan ko ang luhang umalpas sa mata ko saka ko inabot ang cellphone ko nang magring 'yon.
Nagdalawang-isip pa ako kung sasagutin ko, pero sa huli ay pinindot ko rin ang answer button.
"Ma."
"Kamusta ka anak?" Napaayos ako ng upo nang mapansin kong pinipilit niyang pigilan ang hikbi niya. Mas lalong bumigat ang nararamdaman ko.
"Bakit po? Ayos ka lang po ba?" Hindi siya sumagot ng ilang segundo kaya mabilis na lumukob sa akin ang pag-aalala.
"Ma," muling tawag ko sa kaniya.
"Ayos lang ako anak, gusto ko lang sabihin sayo na pumunta dito ang daddy mo, hinahanap ka." Huminga ako ng malalim.
"Bakit daw po?" Narinig ko ang hikbi niya kaya napatayo ako at humarap sa malaking bintana.
"Galit na galit siya sa amin, bakit daw pinag-aral ka namin diyan sa school mo ngayon." Kinagat ko ang ibabang labi ko para hintayin ang susunod niyang sasabihin.
"Nagalit ang papa mo kaya nasaksak niya ang daddy mo, 50/50 ang buhay niya ngayon tapos nasa presinto ang papa mo ngayon." Napatakip ako sa bibig ko. Humawak ako sa malapit na mesa para kumuha ng lakas, dahan-dahan akong bumalik sa kama para umupo.
Mabilis na nag-unahang tumulo ang mga luha ko.
"B-Bakit--asan--" Hindi ko maapuhap ang gusto kong sabihin. Sa sobrang inis ko ay frustrated akong sumigaw. Sinipa ko ang dulo ng kama saka ako umupo sa sahig at sumandal sa dulong bahagi ng higaan. Sinabunutan ko ang buhok ko habang sinasabayan ang hagulgol ni mama sa kabilang linya.
Putanginang buhay 'to! Bakit kailangan magsabay-sabay!
"A-Ayoko na sanang sabihin sa'yo, pero wala dito ang kuya mo kaya wala akong mapagsabihan, hindi ko rin siya macontact." Tuluyan na akong nagbreak down. Ano bang nangyayari sa buhay ko? Bakit kailangang mangyari ang lahat ng 'to?
"Layne." Hindi ko tinapunan ng tingin ang mga kaibigan ko na alalang lumapit sa akin. Tuloy-tuloy ako sa paghagulgol at wala akong pakialam sa paligid ko.
"Layne, what happened?" Nag-aalalang tanong sa akin ni Maisie. Nasa likod niya si Silas at Rhett na bakas din ang pag-aalala sa mukha. Sa bandang bintana ay nandoon si Magnus tulak ni tito habang hawak sa kaliwang kamay si Carlsen. Lahat sila ay nag-aalala sa akin.
BINABASA MO ANG
The Unseen (School Trilogy #1)
Mystère / ThrillerRank #2 on Mystery/Thriller in Standards Awards 2020 School Trilogy #1: Layne and Magnus Isang malaking oportunidad kay Layne Brynlee ang makapag-aral sa isang prehistiyosong unibersidad sa Cavite. Ang makapagtapos at maging isang sikat na manunulat...
