CHAPTER 5
"Sa tingin niyo ba may kinalaman si Professor Zachary sa nangyari kay Olivia?" Tanong ko sa kanilang tatlo habang nakatingin sa tasa ng kape ko.
"Dahil ba sa ugali niya? Imposible, hindi lahat ng may ganoong pag-uugali ay gagawa ng karumaldumal na bagay," pagtanggi ni Maisie. Nandito kami ngayon sa dorm dahil hindi ko mapilit ang dalawa na umuwi na sa mga bahay nila dahil hindi pa daw sila sigurado sa kaligtasan namin lalo na at nangyari 'yon kay Olivia.
Tiningnan ko siya.
"Hindi mo nakikita ang mga tingin niya sa 'kin. Palaging masama at nakangisi." Hindi ba nila nakikita? Eh, palagi kaming magkakasama, halos hindi na nga kami maghiwa-hiwalay.
Muling bumalik ang mga tingin niya sa akin. Ang tingin ni Olivia at ang tingin niya ay pareho ng pinapahiwatig. At natatakot ako. Natatakot ako lalo na at sa tingin ko ay ako lang ang nakakapansin.
"I told you, Layne he is a good person, my dad personally knows him at hindi niya magagawa ang bagay na 'yon." Umiling ako kay Magnus. Bakit ba hindi nila nakikita ang posibilidad na maaaring siya ang may kagagawan nito?
"Stop dragging him here, Layne. He's out of this," pinal na utos ni Maisie kaya nanahimik na lang ako. Hindi mawala sa isipan ko ang nangyari sa school kanina. Lahat ng mga estudyante ay iba ang tingin sa amin pati na sa section namin. Karamihan sa kanila ay kami ang sinisisi na hindi ko naman maintindihan kung bakit. Nakita ba nila na kami ang tumulak sakanya?
Minsan ang mga tao talaga basta lang may masabi kaya kahit ikaw ang tama ay mananahimik ka na lang para walang gulo.
"Anong sabi ng mga pulis?" Tanong ni Magnus sa dalawa kasi sila ang naiwan kanina matapos niya akong hilahin sa parking lot.
"No fingerprints at malinis ang pagkakakagawa kaya nahihirapan silang hulihin ang suspect." Bumuntong hininga ako. Dumako ang paningin sa papel na may bahid pa ng dugo kaya inabot ko iyon at muling binasa.
"One, do you know november?" Mahinang basa ko dito. Anong kinalaman ng nobyembre sa pagkamatay ni Olivia? June pa lang naman ngayon.
"Do you think may hidden message diyan?" Tanong ni Maisie kaya mabilis akong napatingin sa kanila na tila ay may narealized din tulad ko.
"You're so smart, babe!" Hinalikan ni Rage si Maisie sa harap namin kaya napaiwas ako ng tingin. Ako ang nahihiya sa ginagawa nila.
Gusto kong sabihin na malamang ay may hidden message nga ito pero mas pinili na ko na lang na 'wag magsalita.
"Give that to me." Inabot ko kay Magnus ang papel dahil 'yung dalawa ay hindi pa rin tumitigil. Nginitian niya ako ng nakakaloko kaya natawa ako dahil ang tinutukoy niya ay ang pamumula ng mukha ko. Seryoso niya itong tiningnan na kalaunan ay naglabas ng cellphone.
"Gotcha," mahinang bulong niya kaya sa kaniya lang nakatutok ang paningin ko para hintayin ang sasabihin niya. 'Yung dalawa naman ay seryoso ring naghihintay.
"Eleven," sambit nito at biglang tumingin sa akin.
"Anong sabi mo?" Takang tanong ko kasi hindi ko maintindihan kung para saan ang sinabi niya.
"Count the arrangement of every month, the november is on eleventh." Ganoon nga ang ginawa ko at tila nabuhusan ako ng malamig na tubig matapos kong maintindihan ang gusto niyang sabihin.
"One means Olivia, the killer is planning to kill another one person." Napipi ako sa kinauupuan ko matapos tumunog ng cellphone ko kaya nanginginig ko itong dinampot sa mesa at binuksan ang mensahe.
Took you so long. By the way, I'm holding the other person, wait for another gift, darling.
"Hawak niya na ang susunod niyang papatayin." Nanginginig ako nang sinabi ko sa kanila ang nabasa ko kaya napatakip ng bibig si Maisie. Napamura ng malutong si Rage habang si Magnus ay nagsisimulang tumipa ng mensahe sa mga kaklase namin.
BINABASA MO ANG
The Unseen (School Trilogy #1)
Mystery / ThrillerRank #2 on Mystery/Thriller in Standards Awards 2020 School Trilogy #1: Layne and Magnus Isang malaking oportunidad kay Layne Brynlee ang makapag-aral sa isang prehistiyosong unibersidad sa Cavite. Ang makapagtapos at maging isang sikat na manunulat...
