Chapter 10

28 8 0
                                    

CHAPTER 10

Third Person's Point of View

Pumasok ang limang magkakaibigan sa madilim at maingay na bar at walang pakialam sa lakas ng tawanan nila. They are the kings and queens in their own for tonight.

"That bitch doesn't know!" Malakas na halakhakan ang isinagot ng mga kaibigan kay Margarette. Nang masiguro ng bouncer na wala silang dalang ipinagbabawal na bagay, ipinagpatuloy nila ang pagpasok. Sumalubong ang mataong lugar at walang sawang isinasayaw ang mga sarili sa entablado, may mangilan-ngilan na nakaupo pa sa kani-kanilang mesa na wala pang gaanong tama para makihalo sa nagwawalang mga tao. Namumuot ang amoy ng nakalalasing na alak sa paligid at ang nakasusunog bagang sigarilyo. Malakas ang tugtugan pati na rin ang sigawan.

"Bullshit!" Reklamo ni Margarette nang madikitan siya ng mga nagsasayawan habang tinatahak nila ng mga kaibigan ang second floor kung saan naroon ang private room na uupahan nila ngayong gabi.

"Hahaha! Kaya ayokong nasa public seat ako kapag nagba-bar dahil sa mga cheap na 'yan!" Bulalas ni Miles sa mga kaibigan. Agad siyang inakbayan ng kasintahan nang makapasok sila sa kwarto.

"Mamaya na pre, 'di pa nga nakakatikim ng alak ang lalamunan ko!" Pigil dito ni Blanche nang makitang nagsisimula nang hubaran ni Clarence si Miles. Iiling-iling naman itong nakinig sa kaibigan bago nagsimulang inumin ang in-order na alak.

"I want it hard!" Marahas na tumayo si Margarette at lumabas para ibalik ang palpak na inumin. Nang makabalik siya ay nagsimula silang pagpiyestahan ang tatlong klase ng inumin.

"Susunod pa talaga sila, ah," paninimula ni Blanche sa usapan.

"Dapat kasi nakinig na lang tayo, it's not that hard to try listening to anyone, guys!" Napailing ang mga kaibigan sa kabaitan ni Samson.

"Dapat hindi ka na sumama, gago." Bakas ang pagkaasar sa tono ni Blanche.

"No one is listening, kahit 'yung mga uto-uto nating kaklase hindi rin nagpauto," maangas na bulalas ni Clarence. Naglabas siya ng isang kaha ng sigarilyo saka inalok sa mga kaibigan. Kaniya-kaniya sila ng sindi gamit ang sariling mga lighter.

"Kaya lang naman namatay ang tatlong 'yon dahil pokpok ang mga 'yon. Baka pinapatay ng mga asawa ng kinakalantari nila," paninira ni Miles na nakakandong sa kasintahan.

"Right! Akala mo naman ang gaganda para manira ng pamilya," dugtong ni Margarette.

Sa kabilang banda ay masayang pinapanuod ng nakatayong bulto ng tao ang grupo ni Layne na tarantang nagtatanong sa mga tao kung saan pa may bar sa lugar.

"Bakit ba ang daming bar dito?! We already visited four bars!" Angil ni Maisie. Kanina pa sila naglalakad pero hindi pa rin nila mahanap ang mga kaklaseng matitigas ang ulo.

Napangisi siya sa sarili. Eksperto nitong nilaro ang hawak na kutsilyo. Kumikinang ito tuwing tumatama sa ilaw dahil sa talim.

"Poor," malamig na sambit nito bago nagsimulang lapitan ang nag-iisang bouncer saka tinarak sa tiyan nito ang hawak na kutsilyo. Ilang diin ang ginawa niya bago niya ito hinila sa madilim na parte at iniwang walang buhay.

Suot ang matagumpay at nakakakilabot na ngisi ay walang pumipigil dito na pumasok at makihalo sa masikip na mga tao. Walang nakakapansin sa hawak niyang patalim dahil sa dilim ng lugar. Nakangiti niyang tinahak ang kwarto kung saan nananatili ang limang tao na dahilan kung bakit siya naroon sa lugar.

Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto at namutawi sa paningin niya ang kadiliman ng buong silid. Tanging ang maliit at kulay asul na bumbilyang nakapwesto sa gilid ang ilaw ng silid, hindi sapat para bigyan ng ilaw ang malaking silid.

The Unseen (School Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon