CHAPTER 20
Dalawang buwan simula nang matapos ang lahat. Dalawang buwan simula nang mawala ang buong pamilya ko. Si papa na naabutang tadtad ng saksak sa kulungan, si mama na hindi kinaya ang nangyari kaya nagbigti, at si daddy na hindi kinaya kaya nasawi rin. Lahat ng 'yon ay kagagawan ni kuya, siya ang humatol sa mga buhay nila. Si Ate Stella na dead on the spot matapos barilin ni tito.
Dalawang buwan na rin simula nang magkawatak-watak kaming apat. Si Maisie na kinuha ng parents niya at dinala sa France. Si Rage na hindi ko na nakita pa at si Magnus na nasa Thailand na ngayon.
Hindi ko alam na stepbrother niya si Kuya Axon dahil hindi ito lumaki kasama sila. Namuhay siya ng malayo sa daddy niya dahil sa hindi pagkakaunawaan. Siya rin ang nagmana ng school nang sapilitan niyang papirmahin si Tito Gil. Si Kuya Axon din ang totoong tatay ni Carlsen. Hindi sinabi ni Magnus sa 'kin dahil mabubuko sila na may koneksyon sa isa't isa.
Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin tanggap ang mga nangyari. Parang dati lang ay masaya kaming buong pamilya, walang problema. Hindi ko inakalang pwede pala talagang mangyari sa totoong buhay ang mga nababasa ko lang sa wattpad.
Dahil nagbigay sa akin ng malaking impact ang mga nangyari ay ginawan ko 'to ng istorya, nilabel ko sa non-fiction dahil gusto kong malaman nila ang totoong nangyari. Hindi naman masamang i-share sa publiko, sa paraang 'yon, pakiramdam ko ay may napagkuwentuhan ako ng bigat ng dinadala ko.
"November 15, 1995, mismong araw na ginahasa ng Kuya Mattias mo ang pamangkin ko. 'Yun din ang araw na namatay ang bata sa sinapupunan niya. Nung araw na 'yon na inutusan ng kuya mo si Axon na ilibing siya, hindi ginawa ni Axon. Humingi siya ng tulong kay Boheme at Finn na kapwa guwardiya nung araw na 'yon." Nakatitig lang ako sa limang lapida sa harap ko habang pinapakinggan ang kwento ni Tito Zachary.
"Pinadala agad ako ng daddy mo sa Pacific para takutin ka at paalisin para hindi ka madamay." Hinaplos niya ng marahan ang buhok ko. "Pero totoo nga na matapang ka at marunong lumaban, hindi ka umalis sa academy dahil iniisip mo ang kapakanan ng iba."
Hindi ako umimik. Masyadong tutok ang tingin ko sa buong pamilya ko na nasa ilalim na ng lupa. Miss na miss ko na sila.
"Your dad knows the best for you. Totoong minahal ka ng pamilya mo, nakita ko rin na kinalimutan ni Mattias ang paghihiganti kay Stella dahil napamahal ka na sa kaniya. Pero nang malaman niyang buhay pa si Stella, nabuhay rin ang galit sa dibdib niya. Masyado siyang nabulag sa mga sinabi ni Axon sa kaniya. Lahat ng paninira niya kay Stella tulad ng niloko siya nito at pinalaglag ang anak nila."
Hindi ko mapigilang manghinayang. Kung hindi siguro nabulag si kuya sa kasinungalingan ni Kuya Axon, sana ay hindi niya pinlano ang lahat ng 'to, mula sa panggagahasa kay Ate, sa pagpapagahasa kay mama hanggang sa tangkang pagpatay sa 'kin. Nakakapanghinayang ang lahat. Kung maibabalik ko lang ang panahon, wala sana ako ngayon sa kinatatayuan ko, wala sanang nawala at nagdusa. Hindi sana nasayang ang pagmamahalan nila ni Ate.
"Pero ano pa nga bang magagawa natin, tito? Nangyari na ang lahat. Wala na sila sa tabi ko." Mabilis kong pinunasan ang umalpas na luha sa mata ko. Kinabig ako ni tito palapit sa kaniya saka ako niyakap patagilid.
"Nandito lang si tito, okay? Kahit wala na ang daddy mo, nandito pa rin ako para bantayan ka." Tumango ako. Hinayaan kong tumulo ang masaganang luha sa pisngi ko habang nakatingin sa mga lapida.
Inabot kami ni tito ng ilang oras doon bago kami umuwi. Kay tito na ako nakatira malapit lang din sa Makati.
"Siguradong gutom ka na, Layne, halika sa kusina." Bungad sa amin ni Tita Kira, asawa ni tito. Sa dalawang buwan na pananatili ko dito, tinuring na nila akong tunay na anak. Wala silang anak dahil pareho silang baog, kaya simula nang mamatay si Ate Stella, sa akin na nila binuhos ang pagmamahal nila.
BINABASA MO ANG
The Unseen (School Trilogy #1)
Misterio / SuspensoRank #2 on Mystery/Thriller in Standards Awards 2020 School Trilogy #1: Layne and Magnus Isang malaking oportunidad kay Layne Brynlee ang makapag-aral sa isang prehistiyosong unibersidad sa Cavite. Ang makapagtapos at maging isang sikat na manunulat...
