Chapter 17

27 7 0
                                    

CHAPTER 17

"Come here, Layne." Mabilis akong umiling.

Nandito kami ngayon ni Magnus sa pool at ang walanghiya, pinagtitripan ako! Kanina pa ako hindi tinitigilan sa kakatapon sa 'kin ng tubig.

"Stop it, Magnus, help!" Pinagtawanan lang ako ng dalawa na nakaupo sa gilid. Nangingibabaw din ang tawa ng walanghiya na tuwang-tuwa kanina pa!

"Kapag hindi ka tumigil lagot ka sa 'kin!"

"Hindi ka nga makaalis sa pwesto mo, eh!" Humalakhak na naman siya kaya pinilit kong makalapit nang nakapikit. Mabilis ko siyang kinurot kaya natigil siya sa ginagawa niya.

"Aww, stop," daing niya pero hindi ko siya tinigilan.

"Kanina ka pang tukmol ka, ah. Gusto kong maligo ng matiwasay pero napaka-epal mo!" Tawa pa rin siya ng tawa kahit namumula na ang braso niya sa kurot ko.

Dinakip niya ang kamay ko saka ako hinila palapit sa kaniya at niyakap. Nagpumiglas ako pero hindi ako makatakas.

"Yieee, porn! porn!" Sigaw ni Rage na sinabayan ng walanghiya kong kaibigan.

"Need corn! corn! corn!" Nag-apir ang dalawa kaya napairap ako.

"Ano, laban ka pa?" Inilayo ko bahagya ang mukha ko para matingnan ang nakangiting lalaki sa harap ko. Tinaasan ko siya ng kilay nang hindi niya inalis ang titig sa 'kin.

"Get a room!" Tinapunan kami ng tubig ng dalawa kaya naagaw nila ang tingin namin.

"Kayo nga hindi nagka-kwarto, leche!" Inis na sigaw ko nang mapasukan ang ilong ko. Pinagtawanan lang ako ni Magnus kaya nakatanggap sa 'kin ng hampas ang walanghiya.

"Guys!" Sabay-sabay kaming tumingin kay Silas na kakagising lang. "Did you saw, Rhett?"

"Sumama yata kay tito, namalengke." Nakita naming napahinga siya ng maluwag kaya naglakad ako palapit sa pwesto nila Maisie at naupo sa tabi niya.

"O ano, nagsawa ka na?" Inirapan ko siya saka ko kinuha ang mug ko na may takip at ininom ang kape ko. Bumalik din kaagad si Silas at nakapang-ligo na. Nginitian ko siya nang makitang wala na naman siyang suot na salamin.

"Ang ganda mo naman pala kapag walang salamin, eh," bati ko sa kaniya kaya namula ang pisngi niya.

"Ano, nabasag kasi kaya binilhan muna ako ni Rhett ng lenses."

"Bakit nabasag?" Kumamot siya sa tanong ko, umiwas din siya ng tingin kaya kinagat ko ang ibabang labi ko para pigilan ang tawa ko. Mukhang mas wild pa sila kila Maisie, ah. Napailing na lang ako bago inilipat ang tingin kay Magnus na nakasimangot sa harap ko.

"Ano?" Tanong ko sa kaniya.

"Patikim," nakangusong sambit niya kaya napakurap ako.

"P-Patikim?" Hindi makapaniwalang tanong ko.

"Yoooooon, tikiman time!" Malakas na hampas ang nakuha ni Rage nang kagatin niya ang braso ni Maisie.

"Lintek na aso ka!" Hindi ko magawang tumawa kahit tawang-tawa na ako. Sinamaan ko ng tingin ang lalaki sa harapan ko na hanggang ngayon nakanguso pa rin.

"Lumayas ka sa harap ko kung ayaw mong lunurin kita!" Mabilis siyang ngumisi.

"Hindi mo nga ako magantihan kanina manlunod pa kaya?" Napairap naman ako. "Pahingi nung kape, titikman ko, kung ano-anong natututunan mo kay Maisie." Nakanganga kong sinundan ng tingin ang kamay niyang inabot ang mug sa kamay ko. Umiwas ako ng tingin, leche, naisahan ako.

"Kids! Help me cook!" Sabay-sabay naming tiningnan si tito na dala ang mga pinamili kaya nagsitakbuhan kami para tulungan siya.

"Ang dami niyong pinamili, tito," pansin ko. Ang dami kasi, parang magtatayo ng sariling talipapa.

The Unseen (School Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon