CHAPTER 16
"Please, pakibilisan po." Humahagulgol na pakiusap ko para mas lalo nilang bilisan ang pagpapaandar ng sasakyan. Kay Maisie ako sumama dahil siya ang mas napuruahan dahil pinilit niya pang manlaban kay kuya.
Humahagulgol kong hinalikan ang kamay niya. Wala siyang malay at dalawang saksak ang natamo niya sa tiyan.
"Please lumaban ka, please." Paulit-ulit akong nakikiusap. Lahat na lang pinakiusapan ko para mas mapabilis ang andar ng ambulansya. Nang marating namin ang hospital ay agad siyang inilipat sa de gulong na higaan.
"Stay with Carlsen," mabilis na bilin ni Tito Gil bago siya pumasok sa OR. Agad akong tumakbo papunta sa office ni tito at naabutan si Carlsen na natutulog. Dahan-dahan akong lumapit para hindi siya magising. Umupo ako sa kaharap niyang sofa saka ako impit na humagulgol.
Bumalik sa isipan ko ang sinabi ni kuya bago siya tumakas kanina.
"I didn't loved you, never. Ikaw ang dahilan kung bakit nawala ang atensyon sa 'kin ni mama, I did not accepted you as a sister and I will never accept you."
Napahilamos ako. Alam kong hindi pagpapanggap ang pagmamahal niya sa 'kin. Mula nang mamulat ako sa mundo ay siya ang palaging nagliligtas sa akin. Mas pinili niya ring mabaril para lang maligtas ako, kaya hindi ako naniniwala na hindi niya ako minahal.
Nilabas ko ang cellphone ko para tawagan siya, pero hindi ko na siya ma-contact. Sinubukan ko ring tawagan si mama, pero ganoon din.
Kinuha ko ang malapit na unan saka niyakap. Wala akong makausap kahit isa dahil lahat sila ay sugatan. Lahat sila nasa OR at hindi ko alam kung sino ang uunahin ko. May pumasok na babae at nagpakilalang yaya ni Carlsen kaya lumabas muna ako at umakyat sa rooftop ng hospital.
Nakahawak lang ako sa railing at hinayaan ang buhok ko na liparin ng hangin. Pinanood ko ang iba't ibang kulay ng ilaw sa city. Huminga ako ng malalim. I feel alone, wala man lang akong matawagan kahit isa, even my family.
Ipinikit ko ang mata ko saka ako suminghot dahil sa lamig. Ang sarap ng hangin, pero wala sa tamang sitwasyon.
"Layne?" Mabilis akong tumingin sa likuran ko at nakita kong nakatayo si Cassian malapit sa pintuan. Napatayo ako ng tuwid at nagsimula na namang tumulo ang luha ko. Mabilis rin akong tumalikod para itago ang iyak ko.
"Hey," nag-aalalang tawag niya. Iniwas ko ang tingin ko nang tumabi siya sa 'kin. Hindi ko maintindihan kung bakit nakaramdam ako na may makakausap na ako ngayong nandito siya.
"Are you okay? I heard what happened to your classmates." Bumalik na naman sa isipan ko ang tungkol doon. Tuluyan nang tumulo ang luha ko kaya kinagat ko ang ibabang labi ko para pigilan ang paghikbi.
Naramdaman ko na lang na hinarap niya ako sa kaniya at niyakap. Tuluyan na akong humagulgol.
"Shhh, I'm here. You can open up to me." Naramdaman ko ang marahang hagod sa likod ko.
"S-Salamat at dumating ka. Nag-iisa lang k-kasi ako ngayon," garalgal na usal ko. Ilang minuto bago ako nahimasmasan, umupo kami sa bakal na upuan, nakaharap siya sa akin at nakatitig lang.
"Bakit ka nandito? May nasaktan ba sa mga kaibigan mo?" Yumuko ako para pigilan ang iyak ko bago ako tumango.
"Lahat sila nasaksak," halos bulong na sagot ko. Nakakapanghina ang sitwasyon, nakakapanghina ang araw na 'to. Narinig ko ang mabigat na paghinga niya bago niya inabot ang kaliwang kamay ko at hinagod.
"They will be fine." Tumango lang ulit ako. "What happened?" Umiwas ako ng tingin. Mas lalong mabigat sa pakiramdam ang katotohanang ang kuya ko ang dahilan kung bakit nag-aagaw buhay ang mga kaibigan ko.
BINABASA MO ANG
The Unseen (School Trilogy #1)
Misterio / SuspensoRank #2 on Mystery/Thriller in Standards Awards 2020 School Trilogy #1: Layne and Magnus Isang malaking oportunidad kay Layne Brynlee ang makapag-aral sa isang prehistiyosong unibersidad sa Cavite. Ang makapagtapos at maging isang sikat na manunulat...