Chapter 4

50 12 0
                                    

CHAPTER 4

Napatalon ako gulat at napatigil sa kakalakad pabalik-balik nang may kumatok sa pintuan ng kwarto ko. Huminga ako ng malalim bago ito nilapitan at pinagbuksan. Bumungad ang nakakunot na noo na si Maisie habang nakapamewang.

"Kanina pa kita tinatawag."

"Sorry, nasa cr kasi ako." Sumunod ako sa kaniya palabas saka namin nilapitan si Magnus at Rage na may kinakalikot sa sala. Ala una na ng madaling araw at antok na ako pero hindi pa rin ako mapakali magmula nang makatanggap ako ng text message galing sa restricted number. Agad tinawagan ni Maisie ang dalawa nang hindi sinasabi sa akin dahil magaling daw ang dalawang 'to pagdating sa computer since 'yon ang minamanage na company ng parents ni Rage.

"Pasensya na, naabala pa kayo," hinging paumanhin ko. Halata na kasi sa kanila ang pagkaantok. Agad naman silang umiling.

"Mas lalong hindi kami makakatulog knowing na may umaaligid dito. Baka mamaya kung anong gawin nun o kung may kasama man 'yon." Halata ang pag-aalala kay Rage nang sabihin niya iyon. Marahan akong umupo sa single sofa habang nakaupo naman si Maisie katabi si Rage sa kaliwang banda at si Magnus sa kanan.

"We can't track the number." Bakas sa boses ni Magnus ang inis kaya nakaramdam ako ng hiya. Kanina pa sila ditong alas otso pero hindi pa rin nila malaman kung sino ang nagpadala ng message sa akin. Ayaw naman nilang umuwi nang hindi nila nalalaman dahil daw base sa mensahe ay matagal na ako nitong minamanmanan. Hindi ko rin sinubukang tawagan si kuya at tanungin kung may nakaaway ba sila dahil ayokong mag-alala sila mama at baka bigla silang sumugod dito.

"Magpahinga na muna kayo. Hindi naman siguro mananakit ang nagpadala n'yan or worst baka prank lang 'yan," pangungumbinsi ko pero isang masamang tingin lang ang natanggap ko kay Rage kaya napakagat ako sa ibabang labi.

"We can't let this slide, Layne. Malinaw na pinagbabantaan ka ng nagpadala nito." Tiningnan ko si Maisie at bakas sa kaniya ang pag-aalala kaya maging sa kaniya ay nahiya ako. Kung hindi man ito prank, sana 'wag siyang mandamay.

"Kaano-ano mo ba ang may-ari ng university?" Mahinahon na tanong sa 'kin ni Magnus habang walang tigil sa pagtipa sa laptop niya.

"Matagal na siyang kaibigan ni kuya, college days pa lang." Tumigil siya at tumingin sa akin saka pinagkrus ang dalawang braso sa dibdib.

"Bakit ikaw? Are you that close to him?" Mabigat akong huminga. Naalala ko ang sinabi ni kuya kay Kuya Ax sa telepono pati na rin ang babaeng sa tingin ko ay nagmamanman sa tapat ng bahay namin. Kung totoo nga na may atraso sila kuya o may nakagalit, siguradong nalaman niyang kapatid ko si Kuya Mattias at kung siya nga ang babaeng tinutukoy ni kuya, siguradong alam niyang nandito ako.

"Pero bakit idadamay ang pag-aaral ko sa Axon Pacific? Kung may atraso man silang nagawa, bakit gusto niyang umalis ako sa school na 'yon at umabot pa sa puntong pagbantaan niya akong idadamay niya ako at papatayin?" Sinara nito ang laptop niya kaya si Rage ang tumipa ng tumipa habang pinapanood siya ni Maisie sa ginagawa.

"Then they did something in their past." Tumango-tango ito habang seryosong hinihimas ang pisngi niya.

"What do you mean?" Mabilis naman itong tumingin pabalik.

"This is just a gut feel, we're not sure yet pero base sa kwento mo kanina ay may babae kang nakita sa tapat ng bahay nyo ang after that day you heard your Kuya Mattias talking to his friend kaya hinala ko lang na baka may nagawa sila dati at maybe, hindi pa nakakamove on ang babaeng 'yon," mahaba niyang paliwanag kaya naging malinaw sa akin ang lahat. Maybe yung sender ng message ay may balak gawin kaya mabilis kong kinuha ang cellphone ko para sana tawagan si kuya at balaan nang makatanggap ako ng text message kaya nabitawan ko ito sa gulat.

The Unseen (School Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon