CHAPTER 7
May sarili pa lang condo sa Makati si Rage kaya doon nila kami dinala matapos ang mahabang biyahe namin. Pagpasok namin ay bumungad sa amin ang pastel blue na kulay ng kabuuan at ang magagarang kagamitan tulad ng chandelier, sofa at iba pa 'tulad ng pang-exercise niya.
Ilang araw ko na ring hindi sinubukang tawagan si kuya maging sila mama kahit ilang beses na akong nakatanggap ng missed calls at messages galing sa kanila. Napapairap na lang ako sa kawalan tuwing pumapasok sa isipan kong mula ng tumira ako dito sa manila ay hindi ako nagawang tawagan ni kuya. Mahal ko siya pero hindi ko mapigilang maghinala lalo na at binabagabag ako ng mga nangyayari ngayon.
"Make yourselves at home." Matapos sabihin 'yon ni Rage ay sabay na umupo si Magnus at Maisie sa sofa pero nanatili lang akong nakatayo dahil sa mga dugo sa damit ko. Nakakahiyang mabahiran ang sofa niya.
"Do you have extra clothes?" Tanong ni Magnus kay Maisie. Madalas naman ako magdala ng extrang damit lalo na sa pang-ibaba dahil hindi ako sanay na hindi nakakapagpalit kapag pawisan ako pero naiwan lahat ng 'yon sa locker ko. Mabilis na tumayo si Maisie at kinuha ang bag niya na pinatong ni Rage sa upuan malapit sa dining table. Naglabas siya ng knit tops at denim na palda kaya mabilis akong umiling.
"Ayos lang ako dito, tatayo na lang ako." Kinunutan ako ng noo ni Magnus at tinarayan ni Maisie saka mabilis na ngumisi.
"She's not wearing this kind of outfit, she love wearing tees and jeans, boring." Kinagat ko ang ibabang labi ko dahil sa hayagan na namang panlalait nito at sa harap pa talaga ni Magnus. Si Rage nasa kusina at nag-aasikaso ng makakain.
"That's not boring for me, I love girls wearing simple outfits." Tumingin sa akin si Magnus saka ako kinindatan kaya hinawakan ko ang pader na malapit sa akin.
"Ano 'to, pader?" Pag -iiba ko ng usapan dahil namumula na ako sa kilig. Ang lakas ng banat ng letseng 'to, akala mo di ako pinag-alala kanina, eh. Napaismid ako nang maalala ko na naman kung paano ako nag-alala nang hindi namin siya macontact.
"Wushu~ E'di love mo na si Layne?" Mabilis ko siyang tiningnan na nakataas ang kilay habang nakangisi. Sige ipagpatuloy mo 'yan nang masipa kita.
"Of course, she's my bestfriend." Nakangiti ito sa akin kaya nginitian ko rin siya.
"Ha, ano? Girlfriend?" Natatawang ulit ni Maisie kaya mabilis kong inabot ang plastik na bulaklak sa tabi ko at tinapon sa kaniya. Humalakhak siya bago tumakbo kay Rage sa kusina kaya napairap ako. Pasimpleng harot.
Inabot sakin ni Magnus ang isang pink t-shirt at gray na jogger pants kaya kinunutan ko siya ng noo.
"Wear this, masyadong marami ang dugo sa uniform mo."
"Baka wala kang masuot?" Umiling siya ng nakangiti.
"It's fine, I can't let you wear those." Tumayo siya at tinulak ako palapit sa isang pinto malapit sa kusina. "Clean yourself."
"Teka, kunin ko lang undergarments ko." Binitawan niya naman ako kaya kinuha ko ang bag ko at sinama na sa loob. Alangan naman ilabas ko pa sa harap niya, e 'di kinilig siya.
Nang makapasok ako ay sinimulan ko na ang pagligo ko. Matagal kong binasa ang sarili ko habang kinukuskos ang buong katawan dahil sa mga nakadikit na dugo. Napatigil ako sa ginagawa ko nang maalala nanaman ang nangyari kanina. Tumulo ang mga luha ko kaya tinakpan ko ang bibig ko para pigilan ang hikbi ko.
"I can hear you, ayos ka lang ba?" Narinig ko ang boses ni Maisie sa labas kaya mabilis akong sumagot.
"Y-Yes, don't worry." Hindi na ako nakarinig ng sagot kaya hinayaan ko na lang na madaanan ng tubig ang buong katawan ko at minadali na ang pagligo. Nang makalabas ako ay nakaupo na sila sa mesa kaya tumabi ako kay Magnus na nagsisimula nang lagyan ng pagkain ang pinggan ko. Nagpasalamat ako sa kaniya saka ako nagsimulang kumain.
BINABASA MO ANG
The Unseen (School Trilogy #1)
Mystery / ThrillerRank #2 on Mystery/Thriller in Standards Awards 2020 School Trilogy #1: Layne and Magnus Isang malaking oportunidad kay Layne Brynlee ang makapag-aral sa isang prehistiyosong unibersidad sa Cavite. Ang makapagtapos at maging isang sikat na manunulat...
