CHAPTER 3
Rush ang bawat galaw ko at halos liparin ko na ang bawat espasyo ng kwarto dahil alas siyete na ako nagising at seven thirty ang pasok namin ni Maisie. Hindi ko naman maintindihan sa babaeng 'yon kung bakit hindi niya ako ginising samantalang nasa iisang bahay lang kami at pareho naman kami ng course at school na papasukan.
Mabilis kong sinuot ang crossbag ko at tumakbo palabas ng dorm namin. Halos hindi ako magkanda-ugaga dahil kahit bobo ako ay hindi ako sanay na ma-late sa school. Halos lahat ng daliri ko sa kamay ay napatunog ko na dahil sa tagal bumukas ng elevator kaya nang bumukas ay mabilis akong pumasok at nanginginig pang pinindot ang ground floor. Nang makalabas ay mabilis akong tumawag ng taxi.
"Sa Axon Pacific University po, kuya." Mabilis namang pinaandar ng driver ang taxi kaya hindi ako mapakali. Paano na lang kung nasa unahan na ang professor? Nakakahiya. Lagot talaga sa 'kin ang Maisie na 'yon. Dapat talaga nung una pa lang na sinabi niyang bully siya ay hindi na ako nagpaka-kampante.
Nang tumigil sa tapat ng magarang paaralan ang sasakyan ay kunot-noo kong tiningnan ang driver.
"Sigurado po kayong ito ang Axon Pacific University?" Tumango naman sa akin si kuya.
"Ayan ang pangalan ng school oh, nag-iisa lang 'yang magarang paaralan na 'yan dito kaya hindi ako magkakamali. Alam ko din ang pasikot-sikot dito kaya alam kung hindi tayo nalilig-"
"Ah, sige po kuya eto po ang bayad, salamat po." Mabilis kong binuksan ang pintuan dahil ayaw paawat ni kuya sa pagsasalita. Baka masiyahan ako at mas piliin ko na lang makipag-kwentuhan sa kaniya.
Tiningala ko muna ang mataas na paaralan bago ako lumapit sa naka-bantay na gwardiya at pinakita ang school pass ko na dineliver na bahay. Nang papasukin ako ay halos malula ako sa laki. Napakaraming nagtataasan at magagarang building, napakalawak din ng field, literal.
"Saan naman ako pupunta nito?" Kakamot-kamot akong bumalik at lumapit sa guwardiya. "Ah, kuya excuse me po, saan po ba ang Business Management building?" Marahas na tinuro ni kuya ang building sa gitna kaya mabilis akong nagpasalamat at mabilis itong tinakbo.
Halos manigas ako nang marinig ko ang pito ng guwardiya 'di kalayuan sa akin kaya dahan-dahan akong humarap.
"Hindi diyan ang tamang daanan, ne! Dito ka sa hallway!" Sigaw nito gamit ang megaphone kaya maraming estudyante ang sumilip sa kanya-kanya nilang silid. Ano ba naman kuya, pumito ka na, eh, bakit gumamit ka pa ng megaphone?
Mabilis akong naglakad sa hallway dahil hindi ko na kaya ang kahihiyan. Kahit malaki ang school ay nakakahiya pa rin, pahamak kasi si kuya huhuhu. Hindi ko maiwasang pamulahan habang nilalampasan ko ang mga bakadungaw sa akin at ang iba ay nagtatawanan pa. Lupa, lamunin mo na ako.
Nang marating ko ang building ay mabilis akong nilapitan ni Maisie habang tumatawa.
"Oh my god, what happened?" ssinamaan ko siya ng tingin kaya mas lalo siyang humalakhak.
"Kung hindi mo ako iniwan hindi mangyayari ang kahihiyan na'to." Napakagat ako sa ibabang labi nang mas lumakas ang tawa niya. Napaka-bully talaga.
"Excuse me, dito ka ba magro-room?" Lumapit sa amin ang gwapong lalaking may sharp steel blue na mata. Kayumanggi ang balat nito at may manipis na labi at matangos na ilong. Bahagya akong tumingala dahil mas matangkad siya sa akin na sa tingin ko ay may 5'7 na height. Awkward akong ngumiti dahil sigurado akong nakita niya ang nangyari.
"By the way, Magnus this is Layne Brynlee," pagpapakilala niya sa akin habang patago akong pinanlalakihan ng mata na agad kong na-gets. Ito pala ang isa sa kinababaliwan niya. Hinarap ko ito at nginitian ng pilit.
BINABASA MO ANG
The Unseen (School Trilogy #1)
Mystery / ThrillerRank #2 on Mystery/Thriller in Standards Awards 2020 School Trilogy #1: Layne and Magnus Isang malaking oportunidad kay Layne Brynlee ang makapag-aral sa isang prehistiyosong unibersidad sa Cavite. Ang makapagtapos at maging isang sikat na manunulat...
