I Almost Do Chapter 3
Boyfriend
---
"Sia, 10 copies please."
"Pa-sort naman nito by dates."
"Pagawa ng power point."
"Paki-email naman 'tong nasa list."
My weeks are filled with these tasks every day. The first three days were hard, but the next few days, still hard pero nasanay na rin ako. It's like I got immune to those nonstop errands. I can finally feel the office vibe.
Napa-angat ang tingin ko kay Miguel na naglapag ng tray ng pagkain sa katapat kong upuan sa cafeteria. He's wearing a white shirt and an army green bomber jacket. Looking good with his smart casual attire. Allowed ba tong gantong ootd sa firm? Usually naka-long sleeves s'ya at may padibdib dahil laging nakabukas ang unang tatlong botones. Kung wala lang s'yang suot na company ID, pwede na s'yang model sa isang fashion magazine.
"Ang gago ni Kurt. Sinagot si Atty. Reyes." bungad na chismis n'ya sa akin. Hindi ko na alam kung pang-ilang beses na n'ya akong sinabayang kumain ngayong linggo. Ganito naman s'ya lagi kapag nagkikita kami, paniguradong may baon na kwento.
As the time that I was working here, mas naging casual kami nitong si daldalero. Nang matapunan n'ya yung plates ko, hindi pumasok sa isip ko na ganito pala s'ya kadaldal. I mean, ang gwapo n'ya pero sobrang daldal n'ya! Hindi ko naman sinasabing turn off pero sobrang unusual. Kahit kailan yata hindi ako na-awkward dito kay Miguel dahil effortless mag-isip ng pwedeng pag-usapan.
Na-mimiss ko na tuloy si Dani at Tash. Wala akong nakakausap sa Team dahil lagi silang busy. Minsan yung mga engineer na lalaki, kinakausap ako pero nakakahiya. So tuwing nagagawi si Miguel sa department, doon lang ako nagkaka-chance na may maka-usap.
"Ang bilis kong naghanap ng CR kasi tawang-tawa talaga ako. Binara n'ya! Gusto ko na talaga lumipat sa finance. Parang mga alien 'yung tao sa firm. Wala akong ka-vibes."
Obviously! For sure kapag oras ng trabaho, seryoso lahat ng tao dun. I can imagine him struggling not to talk to anyone.
"Talaga? Sige nga, paano yung tawang-tawa?" pangbabara ko sa kanya. Nakita ko kung paano s'ya nagulat sa sinagot ko habang may mapaglarong ngiti sa mga labi.
"Natututo ka na sa akin ah." sabi n'ya na parang proud pa s'ya sa akin.
He carefully opens the lid of the cultured milk and slides it to me. Napatingin ako doon.
"O, eto. Libre ko na sayo 'to at sana pati good vibes, mahawaan kita."
"You're so weird."
"Ikaw ang weird. Lagi mo pa din akong sinusungitan pero ang bilis mo namang bumigay sa mga jokes ko."
"Ang corny kasi..."
"Kung corny bakit ka natatawa?"
"Ikaw mismo yung nakakatawa, hindi yung jokes mo."
"Ah. Crush mo nga pala ako."
Kapag lagi n'ya akong inaakusahan na crush ko s'ya, lagi din akong napapaangat ng tingin. Mas lalo ko lang tuloy na-realize na crushable nga s'ya at hindi malabong magustuhan ko 'to kapag nagtagal.
"Excuse me, hindi kita type." sabi ko. Kunwari totoo.
"Joke lang naman! Bakit ka nanre-realtalk?" Amusement is very evident in his facial expression. Hindi ko na s'ya sinagot at para mag-isip na s'ya ng iba naming pag-uusapan.
"Sungit mo. Taylor Swift ka 'no?"
Napakunot ang kilay ko dahil hindi ko na-gets. Hindi ko alam kung anong utak ba talaga ang meron 'tong si Miguel? Hanggang sa ilang segundo na ang nakalipas, bigla ko naman naalala na may kantang "Red" si Taylor Swift at ang tinutukoy n'ya sa tanong n'ya ay kung may regla ba ako.
BINABASA MO ANG
I Almost Do (COMPLETED)
General FictionTo be a Civil Engineer. That is what Sia Bautista 's father wants for her. She will inherit their construction company that is currently one of the top and trusted on the present day. Hindi man iyon ang orihinal na gusto para sa sarili ay natutunang...