Chapter Thirty Two

323 9 0
                                    

I Almost Do Chapter 32 

--- 

"Saan na naman ang punta mo?"

Palabas na ako ng bahay nang mapatigil ako sa tanong ni Daddy. Naka-upo s'ya sa couch habang nagkakape at may hawak na iPad, nakakunot pa ang noo at parang galit.

"May meeting po ako." sagot ko.

"Kanino at saan?"

"Kliyente po namin,"

"Duda na ako d'yan sa kliyente mo, Sia..." seryoso n'yang sabi.

I tiredly sighed. Naglakad ako palapit sa kanya nang kaunti para mas lalo kaming magka-intindihan. Simula nang lumipat ako dito sa bahay namin sa White Plains, feeling ko senior high ulit ako sa sobrang higpit ni Daddy sa akin. Walang nakakalagpas na lakad ko ang hindi n'ya nalalaman.

"Project ko po 'yong Electro sa BGC, i-memeet ko po 'yong client dahil busy 'yong Structural Engineer namin."

"May naririnig akong may relasyon na kayo n'un..."

"Sino po?"

May halong gulat pa sa boses ko, saan naman n'ya narinig?

"Yong kliyente mo raw na hindi mo naman talaga kliyente."

"Daddy, wag nga kayong nagpapaniwala d'yan sa mga naririnig n'yo. Kasal pa rin ako, hindi ako pwedeng makipag-relasyon sa iba."

"Bakit kasi hindi na lang kayo mag-ayos ni Miguel? Kung wala ka naman palang karelasyon, magbalikan na lang kayo. Umalis ka na dito."

"Aalis na po ako, see you later."

"Sia..."

"Daddy, napag-usapan na natin 'to. Tumatanda na talaga kayo, ang kulit n'yo na."

"Dios mio, mamamatay yata akong walang apo." narinig ko pang sabi n'ya bago ako tuluyang makalabas ng bahay.

Huminga ako nang malalim pagkasakay ko sa kotse. Pilit na kinakalma ang sarili dahil naalala ko na naman ang tungkol sa pag-aanak.

"Engr, wait lang. Nakalimutan ko 'yong wallet ko sa condo. Shit, ang layo ng lakarin."

"Wag ka na bumalik. Pahiramin na lang kita,"

"Seryoso?"

"Oo. Malapit na ako eh."

Si Josh ang kliyenteng ime-meet ko ngayong araw. Na-extend pa kasi ng seven days ang pagpipintura sa ilang part ng Electro, 'yong condominium building na gagawin n'yang business.

I saw him waiting near the coffee shop where we're supposed to meet. Naka-itim s'ya na t-shirt at nakasuot pa ng shades. Halatang yayamanin talaga 'tong isang 'to. Naisip ko tuloy bigla 'yong chismis na may relasyon na daw kami. 

The fuck is wrong with people these days? Alam kong babaero si Josh pero hindi naman siguro s'ya papatol sa may asawa.

"Wow, nice hair..." bati n'ya. Ngumiti lang ako at sinuklay ng daliri ang buhok kong medyo dry na dahil pinakulayan ko three months ago.

"Sorry, ikaw muna magbayad ng kakainin natin ah."

"No worries, kamusta ba?" tanong ko habang naglalakad na kami papasok sa loob ng shop. Kakauwi lang yata n'ya n'ung isang araw galing China.

"Ayos lang, nag-bakasyon lang ulit ako dito sandali."

"I heard nakabalik na s'ya ah..." I casually opened the topic.

Si Calvy.

Nabanggit sa akin ni Jordin dahil may mutual friends sila. Hindi ko alam kung alam na ni Josh pero sakto kasi na umuwi rin s'ya.

I Almost Do (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon