Chapter Twenty Nine

320 9 3
                                    

I Almost Do Chapter 29

Divorce

---

"Should I make you a regular employee of my firm then?"

"Ha?"

"I can officially hire you now if you want. And I'll be grateful for that. Ano, G?" Lance said with a smile. His fingers are drumming on the table while waiting for my answer.

Tinutulungan ko s'yang mag-sort ng mga documents. Bumili s'ya ng mga office supplies para sa firm, organizers particularly.

"No need but don't worry hindi ko naman kayo iiwan, promise."

Nalaman n'ya na wala na akong restrictions sa pagtatrabaho kaya ngayon nasasabi na n'yang iha-hire n'ya ako for OZ.

"I heard in-offer-an ka ng posisyon sa Bridge Design Division ng Anchorage..."

"Pag-iisipan ko pa rin,"

"Seryoso? Diba dati gusto mo dun?"

"Not necessarily gusto. The reason why I asked Miguel na doon ako ilagay dati kasi 'yon lang 'yong department na safe ako, hindi ako magkaka-anxiety or what."

Pero hindi rin naman n'ya ako pinayagan kahit anong paliwanag ko noon. Ngayong pwede na ako sa lahat ng trabaho, tsaka n'ya i-ooffer. Parang tanga lang.

"Ngayon ba?"

"Same. Parang okay na kasi ako sa ganitong set up. Kadalasan hawak ko 'yong oras ko, mas magiging active lang ako sa mga meetings natin."

"Ah, sayang. Umasa pa naman ako na baka tanggapin mo 'yong posisyon na iaalok ko."

"Why don't you persuade Tash instead?"

"Shut up,"

"Why?"

Bigla akong natawa sa naging reaksyon n'ya. Minsan talaga ang sarap asarin ni Lance tungkol kay Tash.

"Na-check mo ba 'yong gawa ni Emily?" mabilis n'yang pag-iiba sa topic sabay pakita sa akin ng screen ng laptop n'ya.

Ibang klase talaga 'tong si Lance. Magaling lulusot.

"I don't think nagco-complement 'to sa actual area ng comfort room sa first floor. Napunta ako sa part na 'yon ng construction. Parang hindi naman ganito." reklamo n'ya.

"Tanong ko kay Engr. Al, minsan kasi di ko ma-contact 'yong foreman natin."

Tumango lang s'ya at nagpatuloy na kami sa pag-aayos.

Naging busy ako buong Linggo sa Mall Pilipinas. Nakaka-stress dahil sinasalo ko 'yong mga nagiging problema sa budget at ako ang nakikipag-meeting sa client. Minsan, alas-nwebe ng gabi na ako nakaka-uwi at nauunahan pa ako ni Miguel pero wala naman s'yang sinasabi. Hindi s'ya nagagalit na ginagabi ako.

"I have a business trip for five days." he shared one morning when we're eating our breakfast together.

"Okay," I simply replied.

Usually, kapag may business trip s'ya nakiki-sleepover ako sa apartment ni Tash dahil ayokong mag-isang natutulog sa bahay. Pero since baka nandoon na talaga si Lance, baka umuwi ako sa bahay namin sa White Plains. Para rin mabisita ko si Daddy.

"Gusto mong sumama?"

Napa-angat ako ng tingin sa kanya dahil sa tanong n'yang 'yon. Bakit ako sasama sa kanya? Anong gagawin ko dun? That'll be too boring.

Umiling lang ako at nagpatuloy sa pagkain. He remained to stare at me, though. Parang may hinihintay na sabihin ko.

"I'll be in Dubai for five days. I just thought you want to go, too. Maraming world-class engineering structures du'n na pwede mong makita."

I Almost Do (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon