I Almost Do Chapter 5
Smile
---
"Okay ka na ba dito?" tanong sa akin ni Gab na boyfriend ni Dani. Hinatid n'ya ako sa harap ng Rob. "Hatid na kita sa bahay n'yo, baka matumba ka na lang d'yan bigla,"
At tinawanan pa nga ako ni gago, hmp!
"Okay na ako dito. Konting lakad na lang din naman."
"Okay, mag-ingat ka. Mag-chat ka kay Daniella ha."
"Ingat ka din, salamat." I smiled and he left with his car's roaring engine.
Dito ko lang masasabi na swerte si Dani dahil may boyfriend s'ya, may handang sumundo sa kanya kahit anong oras kahit saan.
Konting lakad lang mula sa pinagbabaan ko ay ang entrance ng subdivision kung saan ako nakatira. Sa tapat ay may 24 hours na convenient store at nang makita ko 'yung mga value meals na naka-display sa labas, bigla akong nagutom. Sino nga naman ang hindi gugutumin kung magsasayaw ka ng ilang oras?
Pagpasok ko pa lang, naramdaman ko na 'yung lamig na nanggagaling sa AC malapit sa pintuan.
"Sia?!"
Muntik na naman ako mapasabi ng puke. Bwisit!
Nagising ang inaantok kong diwa nang makita kong si Miguel ang tumawag sa akin habang namumungalan pa ang bibig sa noodles na kinakain. Tingnan mo nga naman, s'ya na naman nakita ko.
Dumiretso ako sa inuupuan n'ya at nilapag ko ang maliit kong bag sa table. "Lagi kitang nakikita, hindi na talaga ako natutuwa sa mukha mo." I casually joked.
"Saan ka galing? Ala-una na ng madaling araw."
"D'yan lang sa Buenos."
"Buenos na club? You go clubbing?!"
"Bakit parang gulat na gulat ka? Bilhan mo naman ako nito. Gusto ko nito." itinuro ko 'yung kinakain n'ya na Shin Ramyun in its biggest cup noodles size. May after shock pa din 'yata ang ininom ko sa Buenos. Hindi ko din alam kung saan ko hinugot na utusan si Miguel.
"Bili mo na ako bilis. Tinatamad akong tumayo." sabi ko.
"Wow." he sounds sarcastic but he chuckled naturally. But of course, Miguel being Miguel as a nice guy, tumayo s'ya at nagpunta na sa counter.
Hinintay ko 'syang makabalik at habang wala s'ya, sobrang na-tetemp na akong tikman ang sabaw nung kinakain n'ya. Hindi naman ako laway conscious so I did take a sip on his food. Doon naman ako sa kabilang side humigop ng sabaw so I guess, okay lang naman? It's just that it's really tempting.
"Hoy! Babae ka!"
I just gave him a peace sign and a smile. He caught me taking advantage of his unattended food. His face is like my professor's face when they caught someone cheating in class.
"Sorry. Mukhang masarap." sabi ko.
"Nakaka-badtrip ka. Ayoko sa mga nang-aagaw ng pagkain ko. Possesive ako sa kanila."
Seryoso s'ya habang sinasabi 'yun pero hindi ko alam bakit ako natatawa.
"Para kang tanga..." I commented.
Inilapag n'ya sa harap ko ang malaking cup ng kulay pulang ramen noodles. Nilagyan na n'ya ng mainit na tubig at kinuha na din ako ng tinidor.
"Wow. Thank you."
"Ilibre mo akong inumin dahil d'yan."
So while I'm waiting for the noodles to cook, medyo naging tahimik kami dahil kumakain din si Miguel. It's so awkward though.
BINABASA MO ANG
I Almost Do (COMPLETED)
General FictionTo be a Civil Engineer. That is what Sia Bautista 's father wants for her. She will inherit their construction company that is currently one of the top and trusted on the present day. Hindi man iyon ang orihinal na gusto para sa sarili ay natutunang...