I Almost Do Chapter 4
I Miss You
---
"Hulaan mo kung sino ang nakita namin kanina..." bungad ni Tash nang magkita-kita kami sa isang pizza restaurant malapit sa AIU.
Kakatapos lang ng midterm exam nila and they did well so we decided to celebrate. Less than a month na lang bago magpasukan, mukhang kailangan ko na rin mag-refresh ng knowledge kahit papaano.
3rd year is the most crucial part. Magsasabay-sabay sa isang sem ang mga extreme, deadly and exhausting subjects. Failure is not an option dahil scheduled ang OJT namin sa summer vacation. So bawal mag-choke sa exams at bawal bumagsak!
"Ay! Oo nga! Akala ko nag-iilusyon lang ako kasi hindi ko pa s'ya na-meet ever." sabi ni Tash.
"Sino na naman yan?" tanong ko.
"Si Gelo!"
Halos pasigaw pa ang pagkakabanggit ni Dani sa pangalan ng ex-boyfriend ko.
Kumunot lang ang noo ko sabay tingin sa kanila dahil naguguluhan ako.
"Why?" I asked.
"We don't know!" si Tash.
"Graduate na s'ya noong 1st year tayo diba? Iniisip ko kasi na mag-tatransfer s'ya but it doesn't make sense pala." sabi ni Dani.
"Maybe applying for a job?"
"What? As a college instructor? Saan? Sa college of engineering?!"
"You're doom, Sia kung ganoon."
Hindi na ako nakapag-react sa sinasabi ng dalawa dahil dumating na ang order namin.
Gelo was my ex-boyfriend. We're together for a year and he's the one who inspired me... atleast to take an engineering course. Hindi alam ni daddy ang tungkol sa amin dahil magwawala s'ya lalo pag nalaman n'yang nagka-boyfriend ako. He's a Mechanical Engineering graduate and now a Registered Mechanical Engineer. Dani is my only friend who met him in person. Pero bigla kaming nagkalabuan noong nag-start na s'yang mag-review para sa board exam.
Sabi nila normal lang daw 'yan dahil busy. Pero noong nakapasa na s'ya, imbis na umayos kami, mas pinili n'yang tapusin na.
"Why am I doomed? He's so career-oriented to even care about me." I didn't mean to sound bitter when I say this.
"Baka sinusundan ka kasi makikipagbalikan?" nangisi pa si Tash nang sinabi 'yun. Hindi ko na napigilang umirap.
"Gaga. Kung college instructor na si Gelo, mas lalong hindi sila pwede!"
"Di mo sure!"
Pagkatapos naming kumain noong hapon na 'yun, randomly, Tash asked us to go clubbing.
"Broken ka ba, Tash?" tanong ko.
"Hindi!" maagap naman n'yang tanggi.
If there's someone in our group that usually go for adventures... yung go sa lahat, it's Tash. Kahit saan mo ayain ang babae na 'to sasama s'ya basta may pera. She doesn't care about curfews or atleast go home before 12 midnight. Kung ilang beses na s'yang napagsaraduhan sa dorm, hindi na namin mabilang ni Dani.
"Naka-org shirt ka pa, Natasha. Lakas mo mag-aya." sabi ni Dani.
"Of course I have a spare shirt! Ano game?"
I remember so well when I turned 18, sinama agad ako ni Gelo sa isang pub. Medyo nalasing ako noon at nagsuka pa. Alalang-alala s'ya dahil hindi n'ya ako pwedeng iuwi nang ganoon sa bahay dahil nandoon si daddy. Simula nun, di na kami umulit, he kinda got traumatized. Ngayong college naman, ocassionally nakakapunta akong club pero kapag lang kasama si Tash at Dani.
BINABASA MO ANG
I Almost Do (COMPLETED)
General FictionTo be a Civil Engineer. That is what Sia Bautista 's father wants for her. She will inherit their construction company that is currently one of the top and trusted on the present day. Hindi man iyon ang orihinal na gusto para sa sarili ay natutunang...