This is my third installment for Wi-Five Series. Again, it doesn't matter if you'll start reading the first two or just proceed with this.
Enjoy reading!
Keep safe,
I Almost Do Chapter 2
Congrats
---
The last week of school didn't go smoothly. It was hell. Kahit natapos na ang lahat ng final exams, nagsunod-sunod naman ang grade consultations.
I'm not that confident this sem. Alam kong hindi matatakot magbagsak ang mga prof ngayon dahil may midyear (summer) classes naman. Ano nga ba ang bago? 1st sem pa nga lang nilagas na nila kami.
"In case you forgot summer capital ng AIU ang COE." sabi ni Tash.
"Sa Mechanics lang talaga ako kinakabahan e. Ang baba ng midterm ko dun!" sabi ni Dani. "Shit, patay ako sa Ate ko kapag bumagsak ako! Sabi nya, hindi nya sasagutin pang-midyear ko kapag bumagsak ako."
"Sana all parang si Sia. Chill-chill lang!" si Tash.
"Ngayon kasi ako magsisimulang mag-intern sa company ni daddy. Kaya di ko maitatago incase man na bumagsak ako". I said.
My grades are not fine. Feeling ko may bagsak ako pero umaasa pa din ako na wala. Na sana maging considerate mga profs namin. My dad has high expectations for me. Nag-iisang anak ako, kaya sakin nakatuon lahat. Ayaw ni daddy na may grade akong 2.0. Engineer din s'ya, napagdaanan n'ya din 'tong pinagdadaanan ko ngayon pero nagde-demand pa din s'ya ng mataas na grades. He's pressuring me to graduate with Latin Honors. Which I can say I can't. To pass the subject itself is hard. When you get a grade of 3.0, it's like you already won the lottery.
"Papagalitan ka kapag may bagsak ka?" tanong ni Dani.
"Syempre! Alam nyo naman yung issue ng daddy ko. Baka next school year wala na ako dito kasi akala n'ya di ako nag-aaral ng mabuti." I explained. "Hanggang ngayon kaya hindi pa din s'ya nakaka-move on na hindi ako tumuloy sa MIT."
For fuck's sake, incoming third year na ako pero lagi pa din n'yang binabanggit mga what ifs n'ya kung sa MIT ako nag-aral. Kahit doon ako, kung hanggang saan lang kinaya ng utak at sipag ko, doon lang talaga ako.
Wala pang isang linggo ang bakasyon, pinag-apply na ako sa kumpanya.
"Sia, this will be your place," Ms. Amara said guiding me to a cubicle inside the office. I was assigned to the Engineering Department - Planning Team.
"If you have questions, you can ask your co-workers here. Or si Engr. Mary, yung Manager. Pwede rin sa akin sa taas. Get along with them well. Makakasama mo din sila in the future." she smiled and left me there.
This is my first day as an intern and my dad refused to see me. Dapat lang daw 'yon para masanay ako. You know, the typical magsimula ka sa pinakamababa.
Kaka-upo ko pa lang, may lumapit na sa aking magandang babae.
"The new intern?" she asked. I nodded.
"Gawan mo 'to ng powerpoint. Make sure to send me that later. Bukas na yan ipe-present. Thank you."
I got the papers and she left. Akala ko pa naman makikipag-kaibigan s'ya. Mag-uutos lang pala.
Well, power point. Madali lang naman-
"Hello. Pa-photocopy naman nito."
Agad lumapag sa table ko ang makapal na sheets ng bond paper.
BINABASA MO ANG
I Almost Do (COMPLETED)
Ficción GeneralTo be a Civil Engineer. That is what Sia Bautista 's father wants for her. She will inherit their construction company that is currently one of the top and trusted on the present day. Hindi man iyon ang orihinal na gusto para sa sarili ay natutunang...