I Almost Do Chapter 1
Drawing Paper
---
"Hoy."
Napalingon ako at nakita ko si JC na kaklase ko, nakatingin s'ya sa akin habang nakapila ako sa extension office. Maka-hoy naman 'tong isang 'to.
"Anong ginagawa mo d'yan? Andyan na daw si Sir." sabi n'ya.
"Magcu-cut ako ng class." sabi ko pa nang naka-ngiti. PE namin ngayon, wall climbing 'yun at ayoko talagang pumapasok dun.
"Di pa ako tapos sa plates! Pasahan na bukas."
"Ang aga mo namang gumagawa. Pwede namang mamaya pag-uwi." sabi ni JC.
"Finals kaya sa NumSol. Mag-rereview ako." sagot ko.
"Sana all pasado sa DE kaya may NumSol."
"Ah sige, sa mid year, hintayin mo. Tingnan natin kung mag-sana all ka pa kapag may NumSol ka na." I joked. Tipikal na sinasabi ng mga CE 2 ngayong 2nd sem kapag ang usapan ay yung subject na hindi nila na-take dahil bumagsak sila sa pre-requisite. Wala pa yata sa 75% ang regular sa amin ngayon dahil nilagas nila kami nung 1st semester.
"Si Tash naman taga-lista ng score sa PE diba? Papadaya ko nalang 'yung sakin." dagdag ko.
Tinawanan lang ako ni JC at nagpaalam sakin dahil nasa anim pa daw ang activity na kulang n'ya.
"Tatlong drawing paper." sabi ko sa student assistant na naroon sa extension office.
Habang hinihintay ko ang sukli ko, nagkataon naman na dumaan si Sir Eric, prof ko sa Mechanics.
"Sir!" tawag ko sa kanya.Gusto kong matawa dahil kitang-kita kong nagulat s'ya sa pagtawag ko.
"Ms. Bautista?" bigla namang bumaba ang tingin n'ya... "You're not wearing your ID!" sita n'ya sa akin.
Putek, hindi ito ang oras para maging strikto s'ya!
"PE po namin, pasensya na po." agap kong sabi. Magsasalita pa sana s'ya pero inunahan ko na. "Sir, magtatanong lang po ako kung kailan ako pwedeng kumuha ng final exam sa Mechanics? Or pwede pa po ba?"
"Bakit? Di ka pa nakakapag-take? Anong section ka ba?"
"2B po. Nagkasakit po ako nung friday sir. May medical certificate po ako, excuse letter at photocopy ng valid ID ng parents na may tatlong pirma." I tried to sound extra convincing dahil yataps ako kapag di n'ya ako pinag-take ng special exam.
"You okay now?" he asked.
"Opo."
"Okay ka na pala, punta ka sa faculty mamaya. I'll give you until 6 PM for the exam."
Nagulat naman ako doon. Hindi ko inasahan na sasabihing mamaya na agad. Magrereklamo pa sana ako na di ako prepared pero naisip ko na baka barahin n'ya ako na dapat nung Friday pa ako prepared at advantage ko pa dahil nagkaroon pa ako ng extra days to review more on his subject.
"Sige po, Sir." sagot ko nalang.
Nice. Surprise exam sa Mechanics.
Dumiretso agad ako sa College of Science para doon gumawa ng plates.
That's the best spot in my situation dahil doon maraming upuan at malilim dahil maraming puno. Buti wala gaanong nakatambay dahil di ko alam saan ako gagawa kung nagkataon. Mahirap kasi sa library ng COE, masikip yung space.Nagkasakit ako nang isang linggo bago ang finals week kaya ang daming nawala sa aking oras. Noong mga unang araw ng lagnat ko, pinipilit ko pa ding pumasok dahil alam kong ganito ang mangyayari, matatambakan ako ng gawain.
BINABASA MO ANG
I Almost Do (COMPLETED)
Ficción GeneralTo be a Civil Engineer. That is what Sia Bautista 's father wants for her. She will inherit their construction company that is currently one of the top and trusted on the present day. Hindi man iyon ang orihinal na gusto para sa sarili ay natutunang...