I Almost Do Chapter 25
Miranda
---
"Hay! Grabe ang init sa labas mga madam!" reklamo ni Tash habang nagpapaypay sa sarili.
She just arrived at our little gathering for this month-lately, ang hirap talagang magkita-kita dahil sa mga trabaho namin. But I'm happy that we're complete today.
"Wow, blooming si Mrs. Montecarlos Flores!"
I gave her a deadly glare on how she greets me. Gustong-gusto n'yang tinatawag ako na ganoon! Siguro kung noong college pa kami, baka kiligin pa ako. Pero ngayon? Tss.
"Kumusta nga pala kayo, sis?"
Ayan, nagtanong pa tuloy si Jordin. Nakilala namin s'ya dahil former Engineer s'ya sa firm ni Lance. Graduate s'ya sa isang State University sa Bulacan, she's a single mom pero katumbas n'ya sa kagagahan si Tash. In short, she's our new friend but not really new.
Tuwing nagca-catch up kami, hindi pwedeng hindi sila magtatanong kung kumusta na kami ni Miguel.
"Wala naman masyadong nagbago, ano ba kayo?" sagot ko. Para namang hindi pa sila sanay.
"Ade ano na lang ang pinag-awayan n'yo?" Dani replaced the question while smiling at me playfully.
"We'll guess na lang kung anong pinag-awayan n'yo!" Tash said with excitement.
I scoffed and laugh in the end. I'm so used to having a fight with Miguel, and my friends are so used to my fighting experiences with him that we often make fun of it na lang.
"Tumae si Cali sa kwarto n'ya?" Dani guessed.
"Hindi ka naglinis ng bahay n'yo no? Tapos walang pagkain." sabi naman ni Jordin habang natatawa.
We all waited for Tash's guess. Nakatingin lang kami sa kanya na parang seryosong-seryoso kung mag-iisip kung ano ang pinag-awayan namin. Akala mo nag-iisip na ng plano ng bahay or what.
"Work mo sa firm..." she said confidently while her left eyebrow is raising.
"That's one, Tash." I answered with a smile. Si gaga ay tuwang-tuwa na akala ko nanalo sa lotto. "I knew it! Baka nagseselos na naman kay Lance!"
Selos? There's no such thing as selos kay Miguel.
"Madami kayong pinag-awayan this time. Wow, Sia. That's an improvement." sarkastikong sabi ni Jordin at nagtawanan kaming lahat.
"Actually tama ka rin. Di ako nakapagluto ng almusal tapos noong dinner ayaw n'ya maghugas ng pinagkainan n'ya."
"Seriously?!" Dani exclaimed. I shrugged.
Maya-maya pa ay dumating na ang in-order naming pagkain dahilan para matapos na doon ang maikling chismis sa buhay ko.
Dani's five months pregnant, and she's craving pizza lately. Busy si Gab sa trabaho, her son Ellie's going to school now kaya kami ang lagi n'yang inaaya kapag gusto n'yang kumain.
Sa aming apat, ako talaga ang pinaka-flexible sa oras dahil freelancer lang ako... Unless pala kung e-epal si Miggy. Tash is working on a government office, si Jordin naman, kaya nag-resign sa OZ para maging professor sa AIU. Si Dani, Design Engineer pero naka-maternity leave na kaagad ngayon pa lang.
"Inis na inis ako kay Jack lately." she said. "Kaya feeling ko s'ya ang napapaglihi-an ko."
"Kahit naman noong hindi ka pa buntis, inis na inis ka na kay Jack." sabi ko. She's pointing her husband's brother, who actually hates her.
BINABASA MO ANG
I Almost Do (COMPLETED)
General FictionTo be a Civil Engineer. That is what Sia Bautista 's father wants for her. She will inherit their construction company that is currently one of the top and trusted on the present day. Hindi man iyon ang orihinal na gusto para sa sarili ay natutunang...