Chapter Six

355 7 0
                                    

I Almost Do Chapter 6

Distracted

---

"AS usual, yung grading system natin ganun pa rin. Kabisado n'yo na yan."

Narinig ko ang bulungbulungan ng mga kaklase ko nang i-announce iyon ni Sir Eric sa harap habang sinusulat ang mga tamang percentage ng quizzes, major exams at class participation. Unfortunately, prof na naman namin s'ya.

"Nagbabagsakan dito..." I heard one of my classmates sing and their group laughed afterward.

Do I need to put my palm on the left side of my chest? Pambansang Awit ng COE, Bagsakan. Magbigay pugay!

Napansin ko namang may tinanguan si Sir sa bandang likuran sa gawi ng pintuan. Akala ko may nagdaan na kung sinong kakilala n'ya, maya-maya pa ay umupo na si Tash sa bakanteng upuan sa tabi ko.

"7 AM class sucks," she whispered almost nothing. I looked at her sarcastically.

"It's 12 pm, what the heck?!" I whispered back. Huling klase na namin 'to ngayon araw, tanghali na pero na-late pa din s'ya. At ang magaling naming kaibigan na si Dani, hindi pumasok!

Kahit ako ayoko din talaga ng 7 am na pasok. At sa batch namin tinaguriang malas ang section na mapupunta sa pang-umagang schedule. So you can expect our scenario every 7 am, either wala pa sa kalahati ng klase ang pumapasok o umabot sa kalahati pero karamihan ay natutulog.

"40 percent quizzes, 25 percent midterm exam, 25 percent final exam, 10 percent CP. When you got a grade of 75, congrats."

"May problema si Dani. Puntahan natin sa dorm after nito..." bulong sa akin ni Tash.

After mag-discuss ni Sir ng course syllabus pinalabas na n'ya kami. Narinig ko pa ang reklamo ni Tash na kakapasok lang daw n'ya, tapos wala pang five minutes pinauwi na kami.

"Ano bang problema n'yo? Akala ko iiwan nyo na talaga ako sa ere ngayong araw. Hindi ka manlang nagsabi na male-late ka. Si Dani, hindi manlang nagsabi na hindi pala papasok." I tried to sound less annoyed. Gusto ko na talagang magtampo. Mag-isa ako maghapon.

"Nag-away yata sila ni Gab, bakla. Iyak nang iyak si gaga simula pa kahapon. Hindi ko maka-usap. Hindi rin kumakain dahil hindi daw n'ya deserve kumain."

"Grabe naman 'yung hindi deserve kumain."

"Ewan ko ba dun sa kaibigan mo. Puntahan nating dalawa ngayon dahil ayaw magkwento kapag ako lang mag-isa."

And so we did. Nagpunta kami sa dorm ng dalawa kong kaibigan na walking distance lang mula sa gate 3 ng AIU.

"Daniella..."

Tash is the one who knocked on the room. Lahat daw ng kasamahan nila sa kwarto, pumasok at mamayang gabi pa ang uwi kaya mag-isa si Dani sa loob.

"Si Tash to. Kasama ko si Sia." she said.

"Dani, buksan mo. May dala kaming Jollibee." sabi ko.

The door was unlocked and Dani was so attentive that she managed to turn her back immediately when we enter the room. Halatang ayaw n'yang makita namin ang mukha n'ya.

The room has five single sized double-deck beds. It was well-ventilated with an air-condition. Dani sat on her bed space and I can see how her eyes are swollen... definitely from her cryings. Parang ganito din yung itsura ko kinabukasan nang panoorin ko yung Moon Lovers: Scarlet Heart Ryeo.

"Sabi ni Carla kagabi ka pa daw hindi kumakain." si Tash na nag-aalala.

"Sorry kung nag-alala kayo. Sorry kung hindi ako nagsabi." Dani said.

I Almost Do (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon