Chapter Thirteen

278 5 0
                                    

Warning: medyo SPG ha-ha!

I Almost Do Chapter 13

My Eyes Only

---

"Hindi nga ako makatulog!"

"Pilitin mo!"

Ngayon ang release ng result para sa CPA board exam. Sobrang late na nga dahil usually, six working days lang pero ngayon umabot ng fifteen days. I can feel how Miggy's being tortured every day having anxiety towards the result.

"Hindi ko kaya. Putang ina." reklamo na naman n'ya.

"Aba! Minumura mo ako?"

"No, babe. Naiinis ako sa sarili ko..."

We're now in our house alone. Nasa living room kami, nagsusulat ako ng reviewer ko para sa pinakahuli kong midterm exam sa Monday. While studying on the center table sitting on the floor, Miguel is lying down on the sofa.

Bumaling ako sa kanya habang nakatingin s'ya sa kisame namin. I held his hand.

"You did your best okay? Lagi mong 'yang sinasabi sa akin. Kapag para sayo, para sa'yo talaga. Whatever the result is, nandito lang ako. Proud pa rin ako sa'yo." I assured him. Sa totoo lang, kinakabahan din ako. Hindi ko lang pinapakita sa kanya dahil dalawa na kaming magkaka-anxiety.

"Thank you, Sia. Kahit bumagsak ako, at least may girlfriend naman ako." then he laughed.

"Talaga! Sobrang swerte mo sa akin!" I said arrogantly while smiling to light up the mood.

Bumangon s'ya at umupo sa tabi ko. Hinalikan n'ya ako sa pisngi at ipinalupot ang mga braso sa bewang ko. I can feel that he's sniffing my scent. Ang weird talaga n'ya minsan!

"Baka biglang dumating si Tito Fred." bulong n'ya malapit sa tenga ko. Sometimes it annoys me that he's always concern about daddy. Kapag inaaya ko s'yang lumabas at kung anu-ano pa, lagi n'yang tinatanong kung hindi ba ako papagalitan.

"He called last night. Business trip for a week in Singapore." I answered.

"Kaya pala malakas ang loob mo na papuntahin ako..."

"I want inspiration while studying."

"Sige lang, sa gwapo ko ba namang 'to."

I turn to him while glaring. Magrereklamo pa sana ako pero hinalikan n'ya ako labi. Agad kong nabitawan 'yung mechanical pencil na hawak ko. His lips started moving and it is when I always lose my sanity.

We're together for almost a month and I'll be honest that every time we're alone, we're so intimate. Every time he kisses me, I got distracted instantly. Para bang bigla akong nawawalan ng pakialam sa paligid, pati ako nagugulat sa sarili ko. Ngayon ko lang na-realize na iba pala talaga ang kalandiang tinatago ko sa katawan. Charot! Magkaibigan nga kami ni Tash.

"Galit ka ba sa akin?" tanong n'ya nang aksidente kong makagat ang labi n'ya. Imbis na sumagot, idinikit ko na lang ulit ang labi ko.

Our position is so awkward, my muscles are tiring already.

Nakakainis naman bakit tuwing ang ganda ng sitwasyon lagi akong nangangawit? I broke the kiss because of being uncomfortable.

"Tama na. Mag-review ka na..." sabi n'ya.

Hindi pa ako nakakabaling sa ginagawa ko, nag-vibrate na ang phone ni Miggy. Kinabahan ako dahil pakiramdam ko, lumabas na 'yung results. Ganito 'yun diba? Ang daming tatawag sa'yo and everything. At sana nga kaya may tumawag ay dahil pasado s'ya.

"O, ano?" bungad n'ya pagkasagot ng tawag. I'm sure it's one of his friends. Napaka-informal ng pagkakasagot.

"Shit! Pasado ka?" tumaas ang boses n'ya habang may kausap sa kabilang linya. Napatingin sa akin si Miguel at halatang-halata ko nang kinakabahan.

I Almost Do (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon