I Almost Do Chapter 33
Drive
---
Pagkatapos ng pagbisita kong 'yon sa bahay, araw-araw na akong china-chat ni Miguel kung kailan ulit ako pupunta. After six months, ngayon na lang ulit n'ya binuhay ang conversation namin.
I didn't reply though. And in case I'll come back, I wouldn't bother to tell him. Mas gusto ko nga pag wala s'ya, mas kumportable ako.
There are times naman na nakakabisita ako sa bahay nang hindi n'ya nalalaman. Magpupunta ako around 2 PM then uuwi ako ng 6 dahil 'yon ang alam kong oras ng pag-alis n'ya sa Anchorage.
Miguel: Nagpunta ka kanina? Anong oras? Bakit naman hindi ka nagsabi?
He messaged me probably when he saw the dog food that I bought for Cali.
Sia: Wala lang
Miguel: grabe naman Sia
Sia: You're at work anyway, as if namang uuwi ka pa para makita ako duh
Miguel: UUWI TALAGA AKO
Miguel: Miss na kita
Sia: Okay
So usually once a week ako nakaka-bisita kay Cali. Hindi ko na ulit nasaktuhan si Miguel sa bahay at nalalaman lang n'yang dumaan ako kapag napansin n'yang may bagong stock ng dog food.
There's this one time when I've got nothing to do the whole day, it's like my free day. Umaga palang nasa bahay na ako, pina-groom ko si Cali tapos lunch na kami naka-uwi.
Habang nagpapahinga, binisita ko 'yong kwarto ko dati sa itaas at nang mapansin kong medyo maalikabok, nilinisan ko. Ch-in-eck ko rin 'yong iba kong mga gamit kung maayos pa ba at baka may kailanganin akong i-uwi.
It's siesta time, after cleaning a bit, I fell asleep. Nagising na lang ako, madilim na sa paligid at pagka-check ko sa phone ko 7 PM na.
"Shit, nandito na si Miguel,"
I panicked and immediately run down. Kailangan ko nang umalis dahil paniguradong aalukin pa n'ya ako ng dinner.
Pero pagbaba ko sa hagdanan, wala pang ilaw sa buong bahay.
Cali runs to me and I carry her in my arms as I scanned the whole house, no signs of Miguel being home. Normal lang naman na minsan ma-late talaga s'ya ng uwi pero ewan ko ba, parang kinakabahan ako.
"Po, Daddy?" I answered the call.
"Nasaan ka na?"
"Nandito po ako sa bahay, binisita ko si Cali."
"Talaga? Nandyan ba si Miguel?" tanong n'ya na may halong excitement pa sa boses. Napa-irap ako.
Mahal na mahal talaga n'ya ang manugang n'ya.
"Wala pa po, pauwi na ako—"
"Bakit ka uuwi? Wag na!"
"Daddy naman..."
"Gabi na rin, mag-stay ka na lang d'yan. Tatawagan ko ang asawa mo,"
Then he hung up.
Sometimes, I don't understand my father's behavior anymore— I assume it's a sign that he's really getting older. Madalas s'yang mainit ang ulo at mabilis ma-inis. Pero s'yempre kapag tungkol kay Miguel, masaya s'ya.
Kahit maayos naman na ang kalusugan n'ya ngayon, may history pa rin s'ya ng sakit sa puso. Hindi tuloy ako makapag-reklamo minsan.
I took my bag to find my car key and put Cali down.
BINABASA MO ANG
I Almost Do (COMPLETED)
Ficção GeralTo be a Civil Engineer. That is what Sia Bautista 's father wants for her. She will inherit their construction company that is currently one of the top and trusted on the present day. Hindi man iyon ang orihinal na gusto para sa sarili ay natutunang...