Chapter Eight

285 7 2
                                    

I Almost Do Chapter 8 

Delete

---

"Kawawa naman si Gerome..."

Dani commented on one of our classmates. Katatapos lang ng 1st quiz namin sa Structural Theory. First-time namin naging prof si Ma'am Florence ngayong semester at  marami na rin akong naririnig na sobrang strikta daw at nanglalagas talaga pero di ko inaasahang ganito kaaga.

"Natakot ako kanina, mga bakla. Katabi ko e." si Tash.

First meeting pa lang, sinabi na sa amin ni Ma'am na ayaw n'ya sa madaldal kapag exam. Kanina, inulit n'ya 'yun bago kami magsimulang magsagot. Sino man daw ang mahuli n'yang nag-uusap, walang tanong-tanong, singko agad.

Maybe my classmates didn't take it seriously dahil mabait naman si Ma'am at magaling din magturo. Pero kanina, si Gerome 'yung na-sample-an.

"Kinausap ko pa naman si Apple kanina. Tinanong ko kung pwedeng pencil nalang kasi wala na akong oras para i-rewrite yung final answer." sabi ko.

Pababa kami ng hagdanan galing 5th floor ng COE building. Kasabay namin 'yung iba naming kaklase na pareho ang topic ng pinag-uusapan. Buti na lang Friday na, nakaka-trauma din 'yung nangyari kanina na ang bigat dalhin nang buong linggo kung nagkataon.

"Sila Neil kaya nakikita kong nag-cecellphone! Ang sarap isumbong!" si Tash na umiirap-irap pa.

First-year pa lang kami, talamak na 'yung mga ganitong cheating incidents sa amin pero ngayon pa lang may nahuli. Like until now, cheating on major subjects like Structural Theory is such a bullshit move. Related na 'to sa Civil Engineering kaya bakit hindi nila seryosohin? I'm not saying na wag seryosohin ang minor subjects, pero parang ganun na nga...

Just kidding.

When you cheat, oo, madadaya mo mga professors mo. Pero hindi mo madadaya ang future mo.

Kumain muna kami ng ice cream sa harap ng College of Science kung saan may mga stalls ng snacks. Stress reliever sa nagdaang dalawang oras na unos sa mga buhay namin.

After that, we decided to go home. Dani and Tash are in a hurry because they're going home to their provinces. Sa Gate 2 ako dumaan at yung dalawa, sa Gate 3. It was an exhausting week, after all. It's a relief to be with your family. Sana naman sa Sunday, umuwi si Daddy.

"Sia!"

Napalingon ako bago pa ako makalabas ng gate. Lance, one of my classmates called me.

"Lance!" I called him with the same intensity of the voice. Nginitian ko s'ya.

"Magtatanong sana ako dun kay Ma'am Sarah. Pinag-dedesign tayo sa AutoCAD diba?"

We continue walking while I'm answering his questions. Halos pareho lang kami ng lugar ng pinag-aabangan ng sasakyan pauwi.

Binuksan n'ya ang payong n'ya dahil medyo mainit sa dinadaanan namin. Halos nakapikit na rin ang mata ko dahil nasisilaw sa araw. It's already five in the afternoon but still, the sun is on it's bothering brightness.

"Kailan ang deadline 'nun bale?" tanong n'ya at sinukob ako sa payong. May payong din talaga ako sa bag. Hindi ko lang kinukuha kasi tinatamad ako.

"Next meeting, Thursday yata."

Pinag-usapan na din namin 'yung nangyari kanina kay Gerome. Nakibalita ako kung tototohanin ba talaga ni Ma'am Florence na bagsak na agad. Nakaka-awa naman kasi though kasalanan naman nila 'yun, hindi sila marunong sumunod.

"Hindi naman mukhang mangongopya si Gerome. Nasaktuhan lang siguro ni Ma'am. Sila Harry nga, nagbabatuhan ng papel e." sabi n'ya. I know Lance is a person that's with us. Pareho ang opinyon namin tungkol sa mga kopyahan na 'yan. Matalino 'sya at isa sa mga nagtuturo sa amin kapag may free time. Most probably, na-unfair-an din s'ya sa mga ginagawa ng kaklase namin.

I Almost Do (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon