04

978 142 12
                                    




Sabi nila kahit gustong gusto mo ang isang bagay at kahit ipilit mo, kung mayroong nakaharang naman na malaking bakod, mahihirapan ka.

It's either you break the barrier, tatawirin mo ang bakod o magtitiis ka habang buhay.

At this moment, gusto ko nalang magtiis. Ngunit masyadong malupit ang tadhana, tila pinaglalaruan niya ako. At tuwang tuwa pa siya sa nagiging resulta nito.

Hindi ko alam kung hanggang kailan ko kayang labanan ang gusto ng tadhana but one thing's for sure, I'll never let my self trapped on my own snare.

Kasalukuyan kaming nakaupo sa cafeteria at bumibili ng snacks dahil manonood kami ng try out ng basketball.

Actually, I'm not into sports naman talaga pero sobrang kulit ni Cha at mayroon daw siyang sisilayan na basketball player ng university kaya pumayag na ako.

So what are friends for? Edi supporter sa kalandian.

Bahagyang nakahalukipkip si Cha habang kumakain ng damo—salad habang si Xavier naman ay nakatingin sa ibang direksiyon at malalim ang iniisip.

"Hoy! Anong nangyare sa inyong dalawa?" Tanong ko sa kanila habang dinuduro ang pangmumukha nila.

"W-what?" Mataray ngunit nauutal na tanong ni Cha.

I raised my eyebrow at pinagmamasdan ko siyang nakayuko ulit.

"Seriously? For the past few days, you guys are acting so strange. What's with you people? Tell me." Tanong ko, naguguluhan na kasi ako.

Tuwing magkakasama kasi kami, hindi pwedeng tatlo kaming masaya.

It's either kami ni Cha masaya or kami ni Xavier, but never silang dalawa. Para bang nag iiwasan sila at nagpapakiramdaman.

"Nothing," Sabay na sabi ni Cha at Xavier.

Nagtinginan naman sila at biglang nag iwasan ng tingin.

Bakit parang ang awkward?

"Okay? Finish your food Cha, pupunta na tayo ng gym." Nginitian ko siya at inayos na ang gamit ko.

Napapalakpak naman si Cha sa sinabi ko at kumain nang nakangiti.

Kung ano man ang issue nila, ayoko nang makisali pa.

I know malaki na sila at kaya na nila ang sarili nila.

Medyo malapit lang naman ang Cafeteria sa gym kaya mabilis kaming nakarating at sobrang dami ng tao, mabuti nalang at may reserved seat kami sa tabi ng mismong court kaya malaya kaming makakanood ng walang sagabal.

Nagsimula ng magsipasok ng mga players sa court, mayroong mga tatlong hindi katandaang lalaki sa tabi ng court na mukhang coach at binabantayan ang bawat galaw ng players. At sa tabi naman ng table ay ang isang folding sport chair na walang nakaupo, baka ang captain ang nagmamay-ari.

Masaya kaming nanonood ng basketball at katulad ng normal na kababaihan ay kinikilig sa bawat shoot ng player.

'Go 06!'

'Go 69! Award mo 'yan mamaya!'

"Go baby!" Malakas na sigaw ni Cha, nagulat naman ako sa sinigaw niya kaya napatingin ako sa kaniya.

Across The Great BarrierTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon