32

546 20 7
                                    


After the incident, The Doctor told me na pwede na akong Idischarged. Ayoko nang mag tagal pa sa hospital, pakiramdam ko mamamatay ako sa lungkot kung mas tatagal pa ako dito. Sila Airene ay pinauwi ko narin dahil may mga pasok pa sila, halos mag hysterical si Airene at George dito ng malaman nilang pumunta dito si Charity at binalak akong lasunin.

'Yung tahi ko sa balikat medyo gumagaling na. While my stitches in my side, bumuka dahil sa pagkakalagay ko kanina pero good thing magaling ang doctor na humawak sa'kin at nagawan niya ng paraan.

Clyde decided na dalhin si Charity sa presinto, gusto ko sanang sumama pero hindi ako pinayagan ng mga nanay ko. I just really hope maging maganda ang lagay ni Charity doon at hindi siya manakit. Sa mga pinakita niya kanina, hindi malabong makapatay siya doon sa loob. I wonder kung gaano na katagal ang sakit niya, bakit hindi man lang siya tinutulungan ng mga Williams... The fact that they're one of the richest family in the whole world, hahayaan lang nila ang isang Williams na mabaliw?

I doubt..

Maybe may mas deep pang reason..

I'm sitting at the couch here in my hospital room, inaayos pa ni Mama ang mga gamit ko at kausap pa ni Tita—-Mommy ang Doctor.

Hindi parin talaga ako sanay na tawagin siyang Mommy pero sasanayin ko na ang sarili ko para maging masaya siya. Kasi ako, pakiramdam ko sasabog 'yung puso ko sa sobrang saya na mayroon akong dalawang nanay. At gusto ko sila din, masaya.

Hindi parin naman maiaalis sa'kin na magtampo sa kanila dahil sa ginawa nilang set up, pero hindi ko rin naman maiaalis na naging masaya ako sa piling nilang parehas. Nalaman ko ang rason nila at kontento na ako doon, I was just so tired of planning my vengeance, I was just so tired to loathe someone, and I was just so tired of forfeiting someone I love. And another thing, I don't want my Papa to worry about his love ones.

Pagod na kasi akong isipin kung ano ang mali at kulang sa'kin. Tama na siguro 'yung tatlong taon na pagtatanim ng sama ng loob, okay na 'yon.

Pagod na ako e'

Pinapanood ko lang si Mama na nagtutupi ng mga damit at nilalagay sa bag ko, Nabibingi ako sa ingay kaya inabot ko ang cellphone ko at mabilis na binuksan ito. I was busy scrolling when I saw a familiar face.

Napakunot ang noo ko ng bumungad sa akin ang caption ng live video.

'The superstar: Xavier Gomez's Q and A, live video'

357k views, 129k comments and 106k shares

What is this?

Natulala ako sa itsura niya, He's wearing a simple white hoodie at kitang kita ko na nangingitim ang ilalim ng mga mata niya. Pero kahit na ganoon ang mukha niya, hindi parin apektado ang pagiging gwapo niya.

"Hello Good afternoon Xav babies, Ginawa ko 'tong live video na 'to for you guys to understand what's happening in my life. Kung ano ang mga totoo at kung ano ang hindi totoo." He smiled and continued, "You can comment anything you want at ibibigay ko ang best ko para masagot lahat ng katanungan niyo."

I fixed his hair and put his earphones, kinuha niya din ang cellphone niya at mukhang nagbabasa siya ng comments.

"Okay, from Daniela Abantot. 'Who's your non-showbiz girlfriend?' Okay guys, just to make things clear."

He raised his hand to sign 'wait'

"I'm not in a relationship right now. 'Yung kumakalat na picture sa Ice skating in MOA, that was just me and my bestfriend, and I was just protecting her from bad person."

Across The Great BarrierTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon