38

528 21 10
                                    


They've said that no one in this world was pure and perfect. Everyone made mistakes and if you avoid them for their mistakes, even without hearing their explanation, you will be alone in this world and you'll regret at the end...

I don't want to be alone, I don't want to lose someone in my life.. I don't want to regret at the end...

Should I open my heart again?

After what they've told me.. Satisfied na ako..

Even his parents talked about his feelings for me, I felt his sincerity and love for me. I just hope that he will not ruin me again.. I hope so..

"Hay! Dios mio 'tong mga matatandang 'to! Kung makapag inom akala mo hindi pa cuarenta!" Singhal ni Mama habang pinupunasan ang pawis niya sa noo, natawa nalang ako sa sinabi niya at ganoon din si Clyde.

We're currently sitting in the couch na pagod na pagod. Kanina habang ipinapasok namin ang Mommy ni Clyde ay dumating na si Mama at nagpatulong kami sa tatlong oldies. Hirap na hirap kaming ipasok si Mr. Smith dahil sa bigat at laki ng katawan. Hindi mo aakalaing nasa 40's na sila dahil sa pisikal nila, mukha lang silang 20's.

Kaya maganda lahi namin e'

"Ang tagal mo naman nakarating, Ma." I said, kanina pa kasi siyang 4pm pinapapunta nila Mommy pero 7 na siya dumating. Kaya pagkadating niya, lasing na silang tatlo. Hindi niya tuloy naabutan kung paano ako nabaliw kakaisip ng mga sinabi ni Mrs. Smith.

"Sobrang traffic e' ang tagal pa dumating ng pinadala ni Janine." She said at tumango naman ako. Hindi talaga pinapapunta dito ni Mommy si Mama nang walang pinapadala ng sundo, gusto niya kasi safe kami. Maski siguro bibili lang sa palengke, magpapadala pa siya ng body guard.

"O siya, magpapahinga na muna ako." She kissed my cheeks, tumayo si Clyde at aamba na ng halik sa pisngi pero tinanguan lang siya ni Mama at dumiretso na sa kwarto niya.

Ay, hindi pinansin.

Nakita ko namang ngumuso si Clyde dahil sa hindi pagpansin sa kaniya ni Mama kaya tinawanan ko siya. He looked at me and gave me a pout.

"Why are you laughing?" He asked but I just shook my head while holding back my laughter, tumayo na ako at dumiretso sa kitchen. Kumuha ako ng snacks sa ref, chocolate, chips and softdrinks!

Lumabas na ako ng kitchen habang yakap yakap ang snacks sa braso ko. Nakita ko si Clyde na nakahiga sa couch at mukhang pagod na pagod. Napailing ako sa posisyon niya, ang kaliwa niyang paa ay nakataas sa couch at ang kanan naman ay naka baba sa sahig.

Mukhang pagod na pagod talaga siya..

I walked close to him, I put the snacks on the table and I fixed his position. Kumuha na din ako ng kumot para hindi siya lamigin mamaya. Nang matapos ay pinasadahan ko siya ng tingin.

His perfect eyebrow, his long lashes, pointed nose, fair skin and his seductive lips. Hindi ko maitatanggi na sobrang gwapo nilang nilalang, kung hindi lang siguro siya tao, malamang mapagkakamalan ko siyang anghel. I touched his cheeks and I smiled, ilang taon na din ang lumipas nang huli kong mahawakan ang mukha niya. I miss how it felt..

It felt like home..

"I'm finally home.." I whispered and I was about to kiss his cheeks when He opened his eyes. Nanlaki ang mata ko sa ginawa niya at muntik na akong mahulog sa couch dahil sa gulat. I held my chest and I creased my forehead.

"Ano ba?!" Singhal ko sa kaniya but He just gave me a smile. Narinig niya kaya?

Dapat kasi inisip mo nalang, Amber! Narinig pa tuloy!


Across The Great BarrierTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon