18

615 43 15
                                    


Natapos ang klase at lunch time na. Masayang lumabas ang mga loko dahil walang nag lesson na Professor, lahat sila naupo lang sa harap at walang ginawa. Kapag College na talaga, mas lamang ang self study. Pabor naman saakin 'yon dahil mas gusto kong mag aral mag isa.

Naglalakad kaming tatlo ni Clyde at Cha ng makita ko si Xavier.

"Xav!!" Tinawag ko siya at kinawayan ng lumingon siya, lumapit siya at nginitian kami. Halatang halata ang dark marks sa undereye niya, mukhang pagod na pagod sa pagiging artista.

"Frankie! How are you?" He asked while smiling, nakakabothered 'yong ngiti niya kasi 'yong mata niya iba ang pinapakita.

Nilingon niya si Clyde at tinanguan ito ngunit hindi niya tinapunan ng tingin si Cha. Problema nila?

"Good." I said at hindi ko ipinakitang nag aalala ako sa kaniya. Hinawakan ko siya sa kamay at sinabay sa paglalakad, "Sabay ka na samin maglunch! Namiss kita eh!" Akmang hihilain ko na siya nang mabilis siyang nagsalita.

"Frankie, I'm sorry but I have a lot of things to do. Marami pa akong hahabulin, alam mo na, madami akong absent." Aniya at matalim na tumingin kay Clyde. Napayuko naman ako sa sinabi niya, sayang. Edi sana makakasama na namin ulit siya.

"Ganoon ba?" I asked and He nodded. "Sige, next time nalang." I smiled at him, Paalis na sana siya ng huminto siya sa gilid ni Clyde.

"Dude.." Lumingon ako sa kaniya, nag uusap na sila ni Clyde? "tingnan mo ang kakainin ni Frankie, baka may masama nanamang nagbabalak diyan." He said at matalim na tinapunan ng tingin si Cha. At nang makita niya akong nakatingin sa kaniya ay ngumiti lang siya at tuloy tuloy nang naglakad palayo.

Napakunot ang noo ko sa sinabi niya, may masamang nagbabalak? Sino? Si Cha? Impossible! Baka pati si Xav iniisip na si Cha ang may kasalanan, pero hindi siya! And I trust her, Naputol ang pag-iisip ko ng magsalita si Clyde.

"Let's go?" He asked and I just smiled at him, Baka mayroong alam si Xavier and I need to talk to him.

Nakarating kami ng cafeteria at mga tinginan ang sumalubong saamin, napabuntong hininga nalang ako dahil alam kong kumalat na ang ginawa namin kanina ni Derry. Napairap nalang ako sa hangin tuwing naiisip ko 'yon.

As usual, Si Clyde ang nag-order at naupo na kami ni Cha.

"Cha.. 'di ba kilala mo si Derry?" I asked her, I need to know their past. Gusto kong malaman kung may chance bang mas piliin ni Clyde si Derry kaysa saakin.

"Uh-huh." Aniya habang patango tangong nakatingin saakin.

"What about their past?" I asked her, Bahagyang napakunot ang noo niya and She raised her eyebrow.

"What about that?"

"Gaano sila katagal? Masaya ba sila?"

"You know what, Hindi dapat ako ang tinatanong niyan. Ask your boyfriend." She said pero hinawakan ko siya sa kamay and I used my paawa effect face.

"Dali na please!" Pagmamakaawa ko sa kaniya, She rolled her eyes and raised her two hands as a sign of surrender. Napangiti naman ako sa kaniya dahil hindi niya ako matiis, sus!

"Fine fine!" She stopped at hinintay ko ang sunod niyang sasabihin, "I think tumagal sila ng 4 years? Since first year highschool until forth, No one knows the real reason behind their break up but there's a gossip that it's a third party. They called as a 'perfect couple' here in FAW, but not until Derry decided to start College in Canada. But look at her now, hindi nakatiis. She came back." She said at halata ang pagkairita sa mukha niya.

Across The Great BarrierTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon