29

556 23 5
                                    


Hindi ko alam kung gaano ako katagal nawalan ng malay pero nagising nalang ako ng may magbuhos sa akin ng malamig na tubig, parang namanhid ang balat ko sa lamig at hindi ako makakilos ng maayos. I tried to shout pero mayroong nakatapal na tape sa bibig ko dahilan para hindi ako makagawa ng ingay.

Shit!

Nilibot ko ang mga mata ko sa isang— sa tingin ko ay construction site at nakita ko ang mga maskuladong lalaki na nasa harapan ko at para bang binabantayan ako, may tatlong lalaki na nasa lamesa at nag iinuman, ang dalawa naman ay naka tayo sa harapan ko at binabantayan ang mga kilos ko, ang isa naman ay mayroong hawak na balde na sa tingin ko ay ginamit lalagyan ng malamig na tubig. Nakakatakot sila, ang la-laki ng braso nila na para bang kaya akong ibalibag, mayroon din silang mga tattoo at pareparehas silang kalbo.

Mga itlog.


Nakakatakot ang awra nila lalo na nang makita ko ang mga mukha nila. Wala na silang bonet kaya mas nakakatakot sila. Pero mas nakakasilaw ang mga ulo nila, parang mas maliwanag pa ang bunbunan nila kaysa sa future ko.

Sinubukan kong gumalaw pero mahigpit ang pagkakatali sa mga kamay ko. Nakita ko ang sarili kong nakatayo habang nakatali ang dalawa kong kamay na nakabitin sa itaas. Ang mga paa ko naman ay mayroon ding lubid na nakapulupot sa paanan ko dahilan kung bakit hindi ako makakilos. Tanging ang lubid lang na nakabitin sa itaas ang dahilan kung bakit ako nakatayo.

Napangiwi ako sa sakit ng maramdaman kong nauunat ang mga braso ko. Nasasaktan ako pero mas nangingibabaw ang galit sa nakita kong babae na paparating. Nakita ko ang isang babae na mayroong suot na mamahaling damit at alahas, sa tingin ko ay nasa 40's na siya pero mukha lang siyang 30's. Tinapunan ko ng tingin ang mukha niya, pina batang bersiyon siya ni Tita Janine at sa tingin ko siya si Emily...


Hindi ba nakakulong siya? Anong ginagawa niya dito?


"My dear niece..." She said, She's wearing a smile on her face at sisiguraduhin kong bago matapos ang araw na 'to, mawawala 'yang ngiti sa labi mo.

Dahan dahan siyang lumapit saakin, tinanggal niya bigla ang tape sa bibig ko dahilan para mapasigaw ako. Hindi niya ako pinansin at hinawakan ang panga ko.

"Emily..." I whispered habang nilalabanan ang kamay niyang nakahawak sa panga ko pero masyado siyang malakas, hinablot niya ang mukha ko at galit na iniharap sa kaniya.

"Why are you still alive?!" She said at buong lakas akong sinampal, She laughed na para bang isa siyang demonyo.

Napatiim ang bagang ko dahil sa ginawa niya, Antayin mo lang akong makawala dito, babasagin ko bungo mo. At hindi lang katawan mo ang sisirain ko, kung hindi pati ang buhay mo.

"Bakit hindi ka pa namatay?" She asked while looking straight to my eyes, pinandilatan niya ako ng mata at hinawakan ulit ang panga ko. Nakakatakot siya pero hindi ako nagpa sindak sa mukha niya. Nakipagtitigan din ako sa kaniya pero hindi ako nagsasalita, mas lalong nag init ang dugo niya at sumigaw siya.


"Pinapahirapan niyo akong mag ina!" She said at buong lakas naman ang sinikmuraan, Napangiwi ako sa sakit at lalo kong naramdaman ang pamimilipit ng tyan ko. Pero sa kabila ng sakit, mas pinili ko paring mag mukhang matapang.


I won't give that Emily her own satisfaction. I will make sure that after this day, She'll fuck herself on her own.


"You killed my father..." I glared at her but She just laughed at me, an evil laugh.

Psycho.


"Yes! I killed him, dapat ikaw 'yon but it's okay. Hindi rin naman magtatagal makakasama mo na ang tatay mo." She laughed and continued, "And I can live peacefully with my own money!" She said at nagpatuloy sa pagtawa, I looked to her eyes at pinakita ang matapang kong mukha.

Across The Great BarrierTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon